Chapter 21

1.9K 74 21
                                    

Advance happy birthday to me! Matanda na lola niyo. Hahaha. Anyways, thanks for waiting mga dear!

*********************

Chapter 21: Like It Never Happened

Nagising ang diwa ni Dwanee nang may mahawakan siyang isang bagay na kahit hindi pa niya nakikita ay alam na niya kung ano ito. Agad niyang inimulat ang mga mata at nakitang yakap-yakap si BPP, na nagsimula na ring magising. Inilayo niya ang sarili rito at mahigpit na niyakap ang kumot. Kahit mabigat ang pakiramdam niya ay medyo naaalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Ito ang pinakaayaw niya tuwing nalalasing— ang may mga parte siyang nakakalimutan.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Kapwa nagpapakiramdaman hanggang sa siya ang unang nagsalita.

"M-May m-mga k-kabaliwan b-ba ak-kong pinagsasabi kag-gabi?" Nauutal niyang tanong habang nakatungo.

"W-Wala naman." Tanging sagot ni BPP sa kaniya. Pero hindi siya kumbinsido sa sinagot nito.

"A-Anong oras na?" Tanong niya. Napansin naman niyang may tiningnan ito bago siya muling hinarap.

"6:25 a.m." Dahil sa narinig ay agad siyang naalerto. May meeting pa siya mamayang alas nuebe at dapat alas otso palang ay nasa office na siya upang makapaghanda.

"I-I have to go." Sabi niya habang hinahanap ang mga damit at nakita ang mga ito na nakalatag sa sahig. "P-Pwedeng tumalikod ka muna." Utos niya rito at agad namang sumunod si BPP. Mabilisan ang kaniyang pagbibihis. Bukod sa hangover, ay hindi na muna niya ininda ang hapding nararamdaman sa pagitan ng mga hita niya makaalis na agad sa lugar ni bakla.

"N-Nasa couch sa sala ang bag mo at nasa parking lot narin ang kotse mo." Pagsasalita nito habang nakatalikod parin. Hindi na siya nagpaalam pero may huling sinabi siya kay BPP bago umalis.

"Let's just forget what happened last night."


Pagkarating sa bahay ay agad siyang sinalubong ng mga anak na kakapanaog pa lamang ng hagdanan. Bihis na bihis na ang mga ito para sa skwelahan.

"We miss you so much, mommy." Yakap sa kaniya ni Ari. "Akala namin aalis ka na agad mommy. And hindi ka po namin makakasama sa birthday namin." Nakalabing dagdag pa nito. Every year kasi ay pupunta siya sa abroad para asikasuhin ang ibang business na iniwan sa kaniya ng lolo niya— turns out, papa niya pala. At mga business trips na kailangang puntahan. It will take two to three months bago siya makakauwi. Kaya hindi niya nakakasama ang mga anak tuwing pasko at bagong taon. Bago siya aalis ng bansa ay magli-leave muna siya ng limang araw upang i-celebrate ang kaarawan ng mga anak. Pero mukhang mas matatagalan pa ang pag-uwi niya dahil marami pa siyang hahabulin na mga trabaho na naiwan niya noong nagbubuntis pa lamang siya sa kambal hanggang sa unang dalawang taon ng mga ito.

"Hindi magagawa ni mommy iyon dahil magsi-celebrate pa tayo ng birthday ninyo. So, may naisip na ba kayong magandang puntahan natin this year?" Pampapagaang loob niyang saad sa mga anak.

"It's already been decided, mommy. Like it was last year pa po. You promised to take us to your childhood place. You forgot, mommy?" May halong pagkadismayang sabi ni Ari. Napabuntong-hininga siya ng malalim nang maalala ang ipinangako niya sa mga ito last birthday ng mga ito. Noon ay excited siyang dalhin ang mga anak sa bahay na kinalakihan niya— ang mansiyon ng kaniyang lolo Davis. Pero sa mga nalaman niya ngayon, mabigat sa damdamin niyang puntahan muli ang lugar.

"It must have slipped in my mind. You know mommy is always busy, sweetcake. But don't worry, a promise is a promise!" Pampapabuhay ng loob niya sa mga ito.

"Go and have breakfast. Baka ma-late na kayo sa school. Si Manong na muna ang maghahatid sa inyo ngayon. May meeting pa kasing aasikasuhin si mommy and I have to prepare." Dagdag pa niya saka hinalikan ang mga ito sa pisngi at patakbong tinungo naman agad ng mga ito ang hapag kainan. Muli na naman siyang napabuntong-hininga bago naisipang pumanhik na sa taas.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon