Chapter 1

2.6K 83 3
                                    

Chapter 1: Five years later

Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay tiningnan muna ni Dwanee ang kabuuan sa pahalang na salamin. Nakasuot siya ng isang simpleng puting long-sleeved na blouse at black slacks na pinaresan ng three-inch heel closed shoes. Isang manipis na makeup lang ang inilagay niya sa mukha niya. Nakapusod lang din ang kaniyang buhok. Hindi siya mahilig maglagay ng anumang abubot sa katawan kaya tanging isang simpleng hikaw lang ang kaniyang isinuot. Pero nagkakahalaga naman ito ng higit-kumulang isang daang libo. Hindi siya maarteng babae at wala siyang anumang reklamo sa katawan niya. Kontento na siya sa kung anumang meron siya.

Nang matapos ay kinuha niya ang bag niya at bumaba.

"Ang mga bata, ya?" Tanong niya sa kwarenta anyos na babae nang makababa siya. Ito ang nagbabantay sa mga anak niya simula pagtungtong ng dalawang taon ng mga ito.

"Nagbibihis pa po ma'am." Sagot nito. Tinanguan niya lang ito at dumeretso sa dining area. Naabutan niyang nakahanda na ang mga pagkain pang-almusal nila sa mesa. 'Yong almusal na nakahanda ay hindi tulad ng kalimitang makikita sa mga mayayaman tuwing nag-aagahan. Ang agahan na nakahain ay may kanin, isang putahi ng gulay at pritong isda. May isang kumpol ng prutas na saging din.

Pagkaupo sa mesa ay inabutan agad siya ng katulong ng isang baso ng chocolate milk. Nagpasalamat siya rito at pinukulan niya ng isang matamis na ngiti ang katulong na nginitian din naman siya pabalik. Hindi siya mahilig sa kape. Tanging chocolate milk lang ang iniinom niya tuwing umaga. Tuwing gabi naman ay gatas ang iniinom niya.

Binuklat niya ang newspaper na nasa mesa. Tuwing umaga ay may nakahanda ng isang daily newspaper sa pwesto niya. Hindi siya techie, mas gugustuhin niyang magbasa sa newspaper kesa sa phone o iPad na nakakasira lang ng mga mata.

Napapailing siya sa mga balitang kaniyang nababasa.

"Good morning mommy!" Pagkarinig sa boses ng mga anak ay inilapag niya agad ang hawak na newspaper. Nilapitan siya ng mga ito at mahigpit na niyakap.

"Good morning sweetcakes!" Balik niyang bati.

"Did you sleep well?" Tanong niya sa mga ito nang makaupo na ito sa mga pwesto nila. Inabutan din ang mga ito ng kani-kanilang baso ng gatas.

"Yes mommy!" Masiglang sagot ng dalawang anak.

"That's good."

Habang kumakain ay napansin niyang parang may pinag-uusapan ang mga anak. Inilapag na muna niya ang mga kubyertos at binalingan ng tingin ang mga ito.

"Is there a problem?" Tanong niya na ikinalingon ng kambal.

"Nothing mommy." Sagot ng batang lalaki. Napasulyap naman siya sa anak na babae na nakanguso habang nakayuko.

"Baby Ari?" Tawag niya rito. Nag-angat naman ito ng tingin.

"Nothing mommy... It's just... The school will be having an event this November... A family fair." May lungkot na saad nito. Naintindihan naman niya kung ano ang ibig iparating ng anak. Magli-limang taon pa lang ang mga anak niya pero nasa grade one na ang mga ito.

"But it's ok mommy. We understand naman po." Saad nalang ng batang babae. Nginitian siya nito ng pagkatamis-tamis na parang walang nararamdamang kalungkutan at ipinagpatuloy ang almusal. Nginitian nalang din niya ang anak.

Her children are smart. They are mature for their age. Kahit ginagampanan man niya ang pagiging ama at ina sa mga anak ay hindi parin niya maitatanggi na naghahanap parin ang mga ito ng kalinga ng isang ama. Ang tanging alam ng mga anak niya ay iniwan sila at hindi pinanindigan ng kanilang ama. Alam niyang isang napakalaking kasalanan ang pagsisinungaling, pero wala na siyang ibang maisip na paraan. Baka pag inamin niya naman ang katotohanan, kahit pa man maiintindihan siya ng mga anak, ay magdudulot parin ito ng napakalaking problema.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon