Chapter 6

1.8K 71 4
                                    


Chapter 6: Impression

"Ma'am, sabi ng secretary ni Mr. Vonwick ay hindi matutuloy ang meeting po ninyo dahil nagka-emergency daw po." Nanlumo si Dwanee dahil sa biglaang balita ni José sa kaniya.

"Sige salamat, José." Sabi niya rito at lumabas naman ito. Bagsak-balikat siyang nakaupo sa swivel chair niya. Pinaikot niya ito at humarap sa napakalaking glass window. She was ready for the meeting yet hindi naman pala matutuloy.

She made herself busy with work again, forgetting the disappointment she felt, until it was already five in the afternoon. She cleaned her table and ready to get out.

"See you tomorrow, José." Paalam niya sa sekretarya.

"Bye ma'am. Say hi to them for me." Paalam din nito habang ang tinutukoy ay ang mga anak niya. Nang makarating sa parking lot at makasakay ay pinaandar na niya ito at tumungo sa eskwelahan ng mga bata.

"Mommy!" Sigaw ng anak niyang babae nang makalabas siya ng sasakyan.

"Hello sweetcakes! How's your day?" Tanong niya sa mga ito.

"Fine." Tipid na sagot ng batang lalaki at naunang pumasok sa backseat ng kaniyang sasakyan.

"Wow. Someone's not having a good day today. What's wrong with your brother, love?" Tanong niya kay Ari.

"He's just pissed, mom. He's so disappointed that his crush is maldita." Pabulong na sagot nito.

"Oh." Tanging lumabas nalang sa bibig niya.

"Mom, please don't tell him that I told you about this." Pakiusap nito.

"Sure love. I promise." Sabi niya at niyakap siya ng anak. Pagkatapos ay pumasok na rin ito sa backseat. Kinuha niya muna at ipinasok sa likurang bahagi ng kotse ang mga trolley bags ng mga anak. Saka niya binuhay at pinaandar ang sasakyan.

"Do you want to buy something to eat first before we go home, sweetcakes?" Tanong niya sa mga ito habang nagmamaneho siya. She's trying to lift up the atmosphere. Natatanaw niya kasi sa rearview mirror ng kotse ang nakabusangot na mukha ng anak na lalaki, habang ang anak naman niyang babae ay naglalaro ng rubics cube.

"Ooh I want to eat a cookie monster cake, mom!" Saad ni Ari.

"How about you, Rei love?" Tanong niya habang pasulyap sulyap sa anak sa rearview mirror.

"I think I'm gonna need a cookie monster cake, too, mom." Sagot nito. Napangiti siya dahil medyo napawi na ang nakabusangot na mukha nito.

"Ok, sweetcakes. Let's go then to our favorite pastry shop." Nakangiti niyang sabi sa mga anak at nag-yey naman si Ari.

Ilang sandali lang ay narating na nila ang pastry shop. May nakita siyang vacant spot para mag-park. Nag-drive siya patungo roon ngunit agad siyang napapreno nang sakto ring may magpa-park. Buti nalang at napapreno rin ito kundi nagkabungguan na silang pareho. She got off from her car and so did the driver from the other car.

"What the. Sa susunod mag-ingat ka naman. May sakay akong mga bata." Himutok niya. Napahinto siya nang makilala ang kaharap. Nagkatitigan silang pareho.

"Ikaw na naman?!" Sabay nilang usal. It was the guy, or should we say the gay from the other day who accused her for physical injury dahil lang sa namaga ang noo nito, na hindi naman sana mangyayari kung hindi ito tatanga-tanga.

"Kung ayaw mong magka-eskandalo tayo rito, alisin mo na 'yang sasakyan mo at ipaparada ko 'tong sasakyan ko." She said. Nagsisimula ng kumulo ang dugo niya. She really hates gays! They're so annoying in so many ways and too self absorbed.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon