Chapter 37

1.1K 58 13
                                    

♪I go up helicopter then I make hella noice for the take off♪

Sinong Cheshire dito? I guess ako lang.

Sorry ngayon lang naka-UD. 'Coz I'm arguing with my own life. Don't mind me. I'm UNFORTUNATELY completely fine.

Take care mga dear!

**************************

Chapter 37: Didn't Expect That Coming

Dwanee controlled herself from pushing Zachie off the building. Kung hindi lang krimen ang pagpatay, matagal na niyang tinanggalan ng balat ang bakla.

"What brought you here, Mr. Vonwick?" She asked while gritting her teeth.

"A car? Or I guess this lovely designer boots of mine?" Pilosopong sagot ni BPP. Sinamaan niya ito ng tingin pero dedma lang ang bakla. Lumapit ito sa kinaroroonan nila ni Joshua. Saka niya napansin na hindi lang pala nag-iisa si BPP. Kasama pala nito si Zenazen.

"Hi ate!" Bati nito sa kaniya. "Hello, sir." Baling naman nito kay Joshua, ngunit agad nitong inilihis sa ibang direksyon ang tingin.

"Hi papa Joshua. Remember me?" Malanding saad ni bakla. Nagsalubong agad ang mga kilay niya sa inasta nito.

"Ah, yes. I remember you." Casual na tugon lang ni Joshua pero na'kay Zenazen nakatuon ang mga mata nito. Palipat-lipat ang tingin niya sa kaibigan at sa half-sister niya. She could sense something is going on between the two.

"Ah, kuya. Nakalimutan kong may ibang pupuntahan pala ako. H-Hindi na pala ako makakasalo sa inyo ni ate." Sabi ni Zenazen kay BPP.

"What? But you promised na sasamahan ako. Ayokong mag-isa, sis." Nanlulumong sabi naman ni bakla.

"H-Hindi ka naman mag-isa, eh." Parang di mapalagay na saad ni Zenazen. Parang gustong-gusto na nitong umalis. "Ate..." Baling nito sa kaniya. "P-Pasensya na po kung hindi ako makakasalo sa inyo. S-Sige po, alis na po ako." Utal-utal nitong sabi. Napansin niyang iniiwasan nitong tingnan ang guro nito. Nagmamadaling lumabas agad ito ng opisina niya.

"Zen!" Tawag ni bakla pero tuluyan na talagang umalis ang half-sister niya. Napaisip siya na half-sister din pala ito ni Zachie.

"Yana..." Napalingon siya nang tawagin siya ni Joshua. "... I should probably head out now." Tumayo na ito kaya tumayo narin siya.

"Nag-abala ka pa kasing pumunta rito gayong may trabaho ka pa. Don't worry, ako na ang bahalang magligpit ng mga pinagkainan natin."

"It's no big deal. Medyo matagal-tagal narin kasi tayong hindi nakapag-usap ." Depensa nito. She couldn't help but noticed his worried eyes. At pakiwari niya iba ang inaalala ng kaibigan niya. "Sige, I'll go ahead. I'll visit you again next time when I'm not loaded with work."

"How about, text me when you're not busy and we meet up at some other place? Lagi nalang kasi dito sa office ko tayo nagkukwentuhan. Para maiba naman." Suggestion niya. At para hindi na ulit sila mabulabog ng isang bakla.

"I think that's a great idea. I know lots of places with great foods." Tugon ng kaibigan niya. "Sige, Yan, alis na ako." Saka binalingan nito si BPP na saglit niyang nakalimutan. May isa pa pala siyang bwisita. "It's nice seeing you again, Mr. Vonwick."

Poker face lang ang bakla habang naka-crossarms. Napakunot ang noo niya. Parang kanina lang ang landi-landi nito tapos ngayon...

"Anong kailangan mo? Sabihin mo na nang makaalis ka na." Basag niya kay BPP nang makalabas na si Joshua ng office niya. Nasa ganoong posisyon parin ito, pero nasa kaniya na ito nakatingin ngunit poker face parin. "What's with that look?" Tanong niya.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon