Chapter 34

1.4K 79 15
                                    

Chapter 34: Destiny, Why So Unpredictable?

"Anak may nagpapabigay daw. Para sa'yo." Lapit ng ina ni Dwanee habang may dala-dala itong bouquet ng mga bulaklak. Mula ito sa pinto; ito na kasi ang humarap sa nag-doorbell ng unit niya.

"Kanino po galing?" Taka niyang tanong. Nagkibit-balikat lang ang ina niya saka iniabot sa kaniya ang bouquet. Napapangiwing tinanggap nalang niya ito. She's not fond of flowers actually, especially on a bouquet.

"There's a card." Sambit niya at kinuha ang nakaipit na card.

I love you and I miss you so much. I don't want to lose you and our baby. We'll get through this.

Belated Happy Valentine's Day. Please take care, mel.

                        — Your future wife charing husband pala pero bet ko talagang maging wifey hihihi

"Anak..." Napaangat ang tingin niya sa ina. Nasa tabi parin pala niya ito. Akala niya umalis na ito pagkabigay nito sa bouquet. "... I think I know what's holding you back." Natigilan siya sa sinabi nito. Napayuko siya at sa mga bulaklak nalang tumingin.

"You love him, too. I can see it in your eyes. Ang nakaraan ay nakaraan. Pagkakamali namin— ko iyon. Kung ano ang dinanas ko, hindi ibig sabihin magiging ganoon ka rin." Dagdag pa nito.

"I'm scared, ma." Pag-amin niya. "My feelings for him is growing stronger every minute, every second. And I can't stop it. This is new to me. I never felt this way to anyone before. I-I don't know if it's really romantic love I'm feeling or just... temporary affection." Napabuntong-hininga siya. May nararamdaman na nga siyang kakaiba para kay bakla. Pero mahal na nga ba niya si BPP?

"I don't know, ma. Naguguluhan na ako. Ayoko munang isipin ang tungkol sa bagay na 'yan. Kailangan munang maayos ang lahat." Sabi nalang niya. Napatango nalang ang ina niya saka siya niyakap.

Days passed at naging mas abala sila ng kuya Duane niya sa opisina sa dami ng company files na dapat asikasuhin bago ang deadline ng mga ito. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagsusuri ng mga dokumento ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ito at nakitang si Vivet ang tumatawag. Kinansela niya ang tawag nito at muling itinuon ang pansin sa ginagawa. Ilang segundo lang ay muli na namang tumunog ang cellphone niya. In-off niya muli ang tawag ng best friend niya. Ipapakli na sana niya ang next page ng binabasang file nang muling mag-ring na naman ang phone niya.

"Why are you not answering that, Ari?" Takang tanong ng kuya Duane niya at mukhang naistorbo rin ang ginagawa nito dahil sa pagtunog ng phone niya.

"It's Vivet who's calling, kuya. Whatever she wants, it can wait." Sagot niya habang patuloy paring nagri-ring ang cellphone niya.

"Baka naman pala urgent. Sagutin mo na. Don't worry about time. Time is always time." Saad nito sa baklang boses. Napangiti siya.

"Bessssssssss!" Nailayo niya sa tenga ang cellphone pagkasagot niya sa tawag ni Vivet. Di na niya kailangang i-loudspeak pa ang phone sa lakas ng boses nito. "Nakakatampo ka na, ha. Lagi mong pinapatay ang mga tawag ko." Nagtatampong hinaing nito. Napailing siya. Ilang mga araw na kasing tumatawag sa kaniya ang kaibigan at ilang mga araw narin niyang hindi sinasagot ang mga tawag nito sa kaniya.

"Alam mo naman kung bakit, Vet." Saad niya.

"Yah I know. Pero kahit ilang seconds man lang, bess. Magtatampo na talaga ako." Kahit hindi through video call ang communication nilang dalawa ay alam niyang nakanguso ngayon ang kaibigan.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon