Chapter 15

1.5K 65 19
                                    

Paalala lang, hindi ako masyadong marunong managalog. Pasensya na kung mali-mali ang mga grammars ko. Bisaya kasi ako mga dear. And superduper sorry kung ngayon lang ako naka-update. Last week pa sana ako mag-uUD kaso nawala ang ilang mga parte ng chapter na ito. Pasensya na talaga. At sana magustuhan ninyo ang chapter na ito mga dear.

Enjoy reading!

*************************

Chapter 15: Complicated

Matapos maiabot ni Arayat ang bayad sa taxi driver ay bumaba na sila ni Juno ng sasakyan. Napakunot ang noo niya nang makitang isinuot ng binata ang dala-dala nitong sumbrero.

"Let's go?" Aya nito kaya napatango nalamang siya at pumasok na sa loob ng mall.

"Sa cosmetic store na muna tayo." Sabi niya at nakayukong tumango lang ang binata.  Nagtataka na talaga siya sa inaakto nito. Naiintindihan naman niya kung hanggang ngayon ay nahihiya parin ito lalung-lalo na sa ganitong klaseng lugar, dahil hindi naman madali ang pag-aadjust. Pero kasi iba ang kinikilos nito kumpara sa isang tipikal na mahiyaing tao talaga. Para kasing may tinatago o di kaya'y pinagtataguan ito.

Pumasok silang dalawa sa isang cosmetic store. Nakasunod lang sa kaniya ang binata at batid niyang nakayuko parin ito.

"Sa ginagawa mo, nagmumukha kang stalker niyan." Saad niya habang nagtitingin ng kulay ng mga lipstick.

"Ha?" Narinig niyang tanong nito kaya napalingon siya sa gawi nito.

"May problema ka ba? Alam mo, pwede mo namang sabihin sa akin. Makikinig ako." Sabi niya at matamang tinitigan ang nakayuko paring binata. Malalim na napabuntong-hininga lang ito. Hindi nalang niya inabalang pilitin na sagutin nito ang tanong niya sa halip ay muli nalang niyang pinagtuunan ng pansin ang pamimili ng kulay ng mga lipstick.

"Siya 'yan di ba?"

"Sino?"

"Yung rookie vocalist sa bandang Cool Breeze na lumadlad at tinalikuran ang career."

"Di ba sa Australia 'yon? Kung siya 'yan, ano namang ginagawa niya rito?"

"Sa pagkakaalam ko pinoy ang ina niya. Baka nagbabakasyon."

"Talaga? Baka naman kamukha lang niya. Dami na kayang mga double ganger nowadays."

"Baka nga. Ako nga eh napagkakamalang si Liza Soberano minsan."

"Kapal. Hahaha."

Natawa si Arayat sa narinig na usapan ng dalawang babae na nasa section ng mga makeup foundations. Patuloy parin siya sa pamimili ng mga lipsticks nang kalabitin siya ni Juno kaya napalingon siya agad dito.

"Hm?" Naghihintay siya sa kung anong sasabihin nito. Nakayuko parin ito at parang di mapakali. Nahihinuha na niya kung ano ang sasabihin nito ngunit nag-aalinlangan lang itong sabihin sa kaniya.

"Sa tingin mo, bagay kaya sa akin ang ganitong kulay ng lipstick?" Siya nalang ang nagsalita at ipinakita rito ang kulay pink na glossy lipstick. Hindi ito sumagot sa halip ay tinitigan lang siya nito. Napangiti siya nang malapad. Binalik muna niya ang lipstick sa rack saka muling hinarap ang binata. Tumingkayad siya saka inabot ang sombrero nito upang tanggalin. Napansin niyang nagulat ito sa ginawa niya.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon