CHAPTER 15

1.2K 38 1
                                    

Chapter 15

Serah Pov.

' Anung iniisip mo Serah??? biglang tanung ni Gab. Natigil tuloy ako sa pag iisip , kung kaya ko bang labanan si Dragon.

biglang pumasok ang isang lalaki. Alam kong kasama sya sa pitong arch angel pero hindi pa sya napakikilala sakin nila Michael, Jophiel at Gabriel,

Yumuko muna sya bilang pag bati samin,
' May balita ba Raphael?? usisa ni Michael.
Kung Ganun Raphael pala ang pangalan nya.

' Napagaling ko na ang may mga karamdaman na dulot ng kagat ng mga insekto ni BelZeebub, pero ,yung mga nag dasal lang ng taimtim sa lumikha ang napagaling ko.. ang mga may sakit na walang ganap na tiwala sa ating ama sa langit ay hindi ko makayanang mapagaling, malungkot nyang paliwanag.

' Wag Ka Malungkot Raphael. Ginawa mo ang lahat, nasa mga tao nalang kung hindi sila gumaling, yun ay dahil sobrang hina ng kanilang pananampalataya sa ating panginoon sa itaas, sagot naman ni Michael.

Maya Maya' y may isa pang dumating.
Isang magandang babae na naman,

' Ariel??? may nangyari ba?? NaG aalalang tanung ni Gabriel,

' Ibabalita ko lang, na naisaayos ko nadin ang kagubatan na nilapastangan, ng bagyong dala ni Bael. Nakangiti nyang balita.

Kaya napangiti kaming lahat.

Pero bigla silang natahimik lahat ng isang nagliliwanag na lalaki ang tumagos sa pader. Isa din pala sya sa mga kakampi namin,

' May balita mula sa ama..  malungkot nyang sabi. Kaya nakitaan ko ng kakaibang kaba sila Michael, Jophiel, Ariel, Raphael, at Gabriel,

' Chamuel?? mag balita kana. Sambit ni Jophiel.

' syam Nalang ang mga Guardian ng Hell ngayon. Naglaho na ang isa sa kanila. Saad ni Chamuel.
Kaya nagka tinginan kaming lahat.

' Sino??!!! sabay sabay naming tanung.

' Wala na si Agares. Ayon sa ama sa langit ,sya ay hindi na makakabalik. Si Agares ay tuluyan ng nawala.. sabi Nya.

Kaya tuwang tuwa akong pumapalakpak.

' Ang galing!!! kung ganun,, natalo nyo sya!!! tuwang tuwa kong sambit. Pero…… pero mukhang ako lang ang natuwa sa kanila sa balitang yun.

Sila kasi ay pare parehas na tila mga nabigla.

' Hoy!! ok lang kayo??" bawas na ang kalaban nyo!! pag papa alala ko sa Kanila.

'Malakas si Agares. Nahirapan nga si Gabriel sa kanya, sigurado akong hindi natin sya napatay, kung ganun, sino ang tumapos sa kanya?? Pawisan at kabadong tanung ni Raphael.

' Si LUCIfer. Walang gatol na sagot ni Chamuel

Na tila nag pataas ng tensyon at pangamba nadin saming lahat. Pinagpawisan Kaming lahat ng malamig sa balitang yun. Nenerbyos nga ako, palagay ko pati sila.

' nagawa nyang tapusin ang sarili nyang kakampi. Nanghihinang sabi ni Jophiel,

' Hindi padin tayo dapat matakot., nasa ating panig ang panginoon. Sabi ni Michael.

' Walang kasiguraduhang magtatagumpay tayong iligtas ang sangkatauhan. Wag nyong kalimutang mas makapangyarihan si LUcifer dito. Dahil mas madami pa ang masasamang loob kesa sa mga banal dito sa mundo ng mga mortal, . Sagot ni Chamuel.

Kaya nakita kong napapikit nalang sila.. At Natulala Silang lahat 

Tama si Chamuel. Maya maya napansin kong kulang pa sila. Nasan ang itim na anghel na kakampi nila??

LuciFer: The Fallen Angel's Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon