Chapter 3: Suspicions

3 0 0
                                    

Nathan's POV

Kumatok muna ako sa kwarto ni Ericka bago pumasok. Walang tao sa silid niya kaya pinatong ko muna sa bed side table niya ang pagkain. Pa-prinsesa din tong isang to. Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses niya mula sa CR.

"Of course, alam mo namang pang-Oscar ang dating ng acting ko." Sinong kausap niya? As far as I know, wala siyang cellphone. Sinabi niya na pinagbabawalan siya ni ninong na gumamit ng cellphone. Nagsisinungaling lang ba siya? Sa tingin ko naman, nagsisinungaling siya. Sino ba naman kasing matinong magulang ang pagbabawalan ang anak na gumamit ng cellphone? To think, nasa tamang edad na si Ericka. At ano bang pinagsasabi niyang acting? Nagda-drama lang siya? Naguguluhan na ako sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa. Ngayon ko lang siya narinig na tumatawa. Kung hindi iyak, sigaw ang lagi niyang ginagawa magmula nang dumating siya dito.

"Buti nga namatay na ang matandang iyon. She's an obstacle to my plans. Kung tutuusin, wala naman siyang kwentang ina."

Is she referring to her mom? She's really mysterious. Ano ba talagang tinatago mo sa amin, Ericka?

"Okay, bitch. You know I'm bitchier than you, Camille Lim." Tumawa ulit siya. Who is that Camille Lim she's talking with? The name sounds familiar.

"Yeah, malapit ko ng masira ang relasyon nila. And after that, the love of my life will be all mine."

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. May plano ba siyang sirain ang relasyon namin ni Maxine? Pwes, kung iyon ang plano nya, hinding hindi yan mangyayari. Hindi ko siya hahayaan. And what does she mean na mapapasakanya na ang love of her life niya? I'm sure, wala naman siyang gusto sa akin. At kung meron man, dapat noon pa niya sinabi sa akin.

"Okay, bye bitch. Babalitaan kita kapag may progress na ang plano ko." Ano bang plano ang pinagsasabi niya? Whatever it is, siguraduhin lang niyang hindi kasama ang girlfriend ko sa mga plano niya dahil ako mismo ang bubugbog sa kanya kahit na babae pa siya.

Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto sa CR, nagmadali akong pumunta sa bed side table niya at nagkunwaring inasikaso ang pagkain niya. Paglingon ko sa direksyon niya, I saw her stiffened. Namutla siya bigla. I smirked at her.

"Ka-kanina ka pa n-nandiyan?" Nauutal niyang tanong. Of course, tatanggi ako. Ngumiti ako tsaka umiling.

"Kadarating ko lang nang lumabas ka mula sa CR." Tumango siya at lumapit sa akin.

"I thought you don't have cellphone?" Tanong ko na nakatingin sa cellphone na nasa kamay niya.

Kaagad naman niyang itinago ito sa bulsa niya sa likuran.

"I bought this yesterday. Na-bored kasi ako habang nasa school ka kaya lumabas ako." I smirked again. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. I know she was lying.

"Diba hindi mo pa kayang lumabas mag-isa dahil hindi ka pa familiar sa pasikot-sikot dito?" Napakurap-kurap siya sa tanong ko.

"Uh, ano. I asked Samantha sa mga lugar na malapit lang dito at nagpaturo din ako sa kanya sa mga ways." Halos matawa ako sa sinabi niya. Tumango ako at umalis sa kwarto niya.

Asa pa siyang tuturuan siya ni Sam.  Eh mortal na magkaaway silang dalawa. Naiinis si Samantha sa kanya dahil sobrang arte daw nito at ang daming kolorete sa mukha. Unlike Ericka, gustong-gusto naman ni Sam si Maxine.

"Kuya." Speaking of which, tumabi ng upo sa akin si Sam sa sofa dito sa living room.

"Kailan ba aalis si Ericka?" Instead of getting mad, natawa na lang ako sa sinabi niya. She really hates Ericka to the core. Seven years old lang siya, yet, she acts matured. And one more thing, hindi niya tinatawag na ate si Ericka. Minsan nga, napapagalitan siya ni dad dahil sinisigawan niya ito at pinapaalis sa bahay.

Turned Tables Where stories live. Discover now