Chapter 7: The Truth

3 0 0
                                    

Nathan's POV

"Ayan na babe! Magsisimula na!" Nakangiti akong pinagmasdan si Maxine habang ang lapad ng ngiti niya.

"Oh my gosh! Babe, ang gwapo talaga ni Chanyeol!" Nakahawak siya sa balikat ko dahil nagti-tip toe siya para makita ang mga idol niya. Nasa pangalawang row kami kaya kitang-kita ko ang EXO na sobrang idol niya. Open field lang kasi ang pinagdarausan pero may mga upuan. Ayaw niya pang umupo dahil gusto niya umanong makita ito bago magstart ang concert.

Tumingin ako sa harapan at hinanap kung sinong Chanyeol ba ang tinutukoy niya.

"Saan diyan, babe? They're nine." Okay, wala akong kaalam-alam sa EXO na yan kaya hindi ko talaga sila kilala.

"Yang nasa right side. Yung pinakamatangkad!" Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi niya iyon.

Right side. Pinakamatangkad. Ahh yun pala. Gwapo naman pero mas gwapo ako! Hahaha.

Nagsimula na ang concert nila at todo ang ngiti ni Maxine. Nakipagsabayan siya sa mga tilian at ang isang kamay niya ay nakahawak sa light stick niya habang ang isa naman ay nasa balikat ko. Sobrang saya niya.

"Babe, anong kanta yang kinakanta nila?" Tanong ko sa kanya. Familiar kasi yung kanta pero hindi ko maintindihan. Of course, they sang it in a Korean Language.

"That's Kokobop. Wait, huwag mo nga akong guluhin."  Kokobop pala yun. Yung lagi niyang pinapakinggan. Natawa na lang ako sa kanya. Ayaw niya talagang magpa-distorbo.

It's our 2nd anniversary and we are here in Korea. Gusto niya kasing dito namin i-celebrate kaya pumayag ako. Siya naman ang masusunod eh. But I like it here. As long as masaya siya at kasama ko siya, I'm happy. Tss. Ano bang magagawa ko? Eh mahal na mahal ko siya eh. At ngayon ko lang  napagtanto na kaya pala gusto niya dito dahil pupunta siya ng concert ng EXO. She bought a ticket online for the both of us.

I tried to focus on their performance pero hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman ako fan ng Kpop. Tumingin na lang ako kay Maxine na sobrang lapad pa din ng ngiti at nakikisabay sa kanta. She's really a fan. Sa kanya na lang ako tumingin para hindi ako ma-bored. Tss. Mas maganda pa kaya ang view na tinitignan ko kaysa diyan sa EXO.

Psh fine! Nagseselos ako sa EXO na yan. Eh kasi naman eh. Nakisabay siya sa mga tilian at sa sigawan. They even shouted "WE LOVE YOU EXO". I know it's so childish of me pero hindi ko mapigilan. I just can't accept the fact na may iba pang gwapo sa paningin niya bukod sa akin. Hays Nathan, you're being childish again. Of course, idol niya yun kaya gwapo talaga.

"Nagseselos ka na naman?" Nagulat ako nung tumingin siya sa akin at nagsalita.

"I'm not." Sinabayan ko pa ng pag-iling. Inakbayan niya ako. Akala mo naman sobrang tangkad niya. Buti na lang nakaupo na kami. Nakakatuwa siya.

"Don't be jealous. Kahit sobrang gwapo nila, ikaw pa rin ang number one na gwapo para sa akin." Kinindatan pa niya ako.

"Okay, hindi na. Bumalik ka na sa panonood mo." Ibinalik naman niya ang atensyon niya sa stage.

Ganyan lang ang posisyon namin. Sa EXO siya nakatingin at sa kanya naman ako hanggang matapos ang concert nila.

"Nagugutom na ako." Sabi niya habang namamaos ang boses. Yan kasi, tili pa ng tili.

Bumili muna kami ng rice cake at tubig. Parang gutom na gutom talaga siya. Pumunta kami sa likuran nung ginanapan ng concert dahil hihintayin pa namin ang fireworks. Ilang minutes na lang naman kasi.

Turned Tables Where stories live. Discover now