Chapter 11: Confrontation

6 0 0
                                    

Chapter 11: Confrontation

NATHAN'S POV

Inaasahan ko nang magigising ako ng maaga ngayong araw pero hindi ko naman inakalang ganito kaaga. It's still 5:47 in the morning and yet, my eyes won't close. Na para bang gustong-gusto na nitong bumukas.

Tulog pa ang dalawang ugok at humihilik pa. Nagtungo na lang ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Napatingin ako sa salamin at kitang-kita ko ang mga namumugto kong mata. Halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaiyak kagabi. Nagmumukha tuloy akong bakla but I don't care. Sobra pa sa masakit ang naramdaman ko kagabi.

I snapped out from my thought at nagtuloy sa ginagawa ko. As much as possible, ayaw ko nang isipin ang nangyari kagabi para hindi na ako masaktan.

Bumaba ako at nasa sala pa lang ako, may naririnig na akong kaluskos sa kusina. Gising na kaya sina Ally o 'di kaya si Dianna? For sure, hindi naman si Maxine yan dahil hindi naman siya marunong sa kusina. Natawa ako sa aking naisip. Ano kaya ang kaya niyang lutuin ngayon? Sana marunong na siya kahit itlog man lang. Hahaha.

Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kusina. What the heck? Am I dreaming? For real? I was totally shocked nang makita ko si Maxine na nakatalikod sa akin habang nagluluto. Seriously? Kailan pa siya natuto?

Hindi niya siguro napansin na nandito ako kaya malaya kong pinagmasdan ang likuran niya. She's wearing the same spaghetti strap na sinuot niya kagabi but this time, naka-pajama na siya. Nakasuot din siya ng kulay black na apron and her hair was in a bun.

But what amazed me more was the black ink at her back. Sa baba lang ng balikat niya. Is that for real? God! That was hot! Hindi ko akalaing may tattoo na pala siya ngayon. Medyo may kaliitan ang tattoo niya pero sakto lang para makita at mapansin. A scorpion tattoo.

Sobrang kinis pa din ng likod niya. Sabagay, kailan ba naman naging rough ang likuran niya.

"You know how to cook?" Nagsalita ako bigla na naging dahilan na naman ng pagkagulat niya kagaya kagabi. Hahaha. Tiningnan niya ako ng masama.

"You really have that habit of scaring people!" Sigaw niya.

"I'm sorry. Masyado ba kitang nagulat?" She rolled her eyes bago tumalikod at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"What do you think?!" Sigaw niya ulit. Natawa na naman ako. Ang sungit na niya. Tsk.

"Again, I'm sorry. Marunong ka na palang magluto?" Pag-iiba ko ng topic at tumabi sa kanya. Sumandal ako sa island counter.

"Yeah. Tinuruan lang." Na-curious naman ako at nagsalubong ang aking mga kilay.

"Really? Eh noon nga, hindi mo talaga maintindihan ang mga tinuturo ko sayo sa pagluluto and now, you seem to be a good cook. Who taught you?" Pinigilan kong hindi magtaas ng boses dahil sa tinding selos na nararamdaman ko.

"Felix." Simpleng sagot niya.

Tsk. Why do you even ask, Nathan? Bakit tinanong mo pa? Obviously, si Felix talaga. I just want to hear it coming from her. Mukhang wala man lang siyang pag-aalinlangan sa pagsagot.

Tumikhim ako. "So ilang years ka niyang tinuruan?" Pagpipilit ko. I just want to know more kahit nasakit.

"He taught me how to cook for 4 years. Different types and different dishes." Napamaang ako. Apat na taon? Buti hindi nagsawa ang lokong 'yun. Oh well, eh ako nga hindi nagsawang  turuan at ipagluto siya noon. Mukhang malakas talaga ang tama ni Felix kay Maxine.

"Is that so? How come? Eh isang taon pa lang kayo?" Fuck this! I don't want to mention anything na nagpapakita ng relasyon nila but I need to.

Turned Tables Where stories live. Discover now