Chapter 8: Two Worlds

5 0 0
                                    

Maxine's POV

Brrr. Ang lamig dito sa New York. Hindi ko naman akalaing start na pala ng Winter Season dito. As always, nandito lang ako sa loob ng bago kong kwarto and doing nothing. Ang tagal pa ng pasukan so it'll be boring for me here.

Kinuha ko ang laptop ko and log in on my fb account. Sangkatutak na messages ang nag-pop up sa messenger ko. Hindi ko na lang pinansin and scrolled down. As much as possible, ayaw ko nang magkaroon pa ng any connection sa Pilipinas except sa family ko.

After a few minutes, tinamad na akong mag scroll up at scroll down. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba ang messages o hindi. Oh geez, things as simple as this is already complicated.

Ganyan naman palagi. Kahit madali, ginagawang mahirap. Tss. I breathed deeply bago binuksan ang mga messages ko. I looked at the line up. I was shocked to see Nathan's name at the top with 54 messages. Since I left, winasak ko na ang sim ko at itinapon kaya wala akong natanggap na kahit isang text o tawag man lang mula sa kanya.

Unti-unti na namang nilulukob ang puso ko ng sakit. Maxine tama na. Hindi mo na kaya. Hindi ko na binasa ang mga messages niya at agad yung binura. After, I deactivated my accounts. ALL OF MY ACCOUNTS. From facebook, twitter, instagram, viber and all.

"Maybe we are destined to see each other and to make each other happy but we are not meant to be together forever." Bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang lahat ng pictures sa gallery ko. 151 pictures of me and 1392 pictures of us. Siguro ito na ang tamang panahon para kalimutan ang lahat. I closed my eyes for a second before I deleted all of our pictures.

"It's okay, Maxine. You can do this." Pagpapagaan ko ng sariling loob.

I sighed. Bumaba ako mula sa kwarto at naabutan ko sina kuya Ravi at lola na nag-uusap. Nandito kasi si kuya Ravi. Salitan sila kapag binibisita ako.

"Lola, please, huwag niyo pong pabayaan si Maxine dito." Rinig kong sabi ni kuya kay lola.

"Of course apo. Akong bahala sa kanya. Don't worry kasi hindi ako makakapayag na may manligaw sa kanyang hindi ko magugustuhan." Natawa na lang ako sa sinabi ni lola. Ang tanda na pero bagets pa din kung umasta at magsalita.

"Lola naman. Kaya nga lumayo siya dahil sa gago niyang boyfriend tapos ligaw-ligaw kaagad ang sinasabi niyo." Pagrereklamo ni kuya.

"I was just joking Ravi. Sige na. Baka ma-late ka na sa flight mo." Nagyakap muna sila bago tumalikod si kuya. Tss. Hindi man lang magpapaalam sa akin.

"Kuya." Napalingon naman siya sa akin.

"Oh there you are little sis. Aalis na ako. You know, naghihintay na sa akin si wifey." Inirapan ko siya dahil sa tono pa lang ng pagsasalita niya, parang iniinggit pa niya ako sa buhay may asawa niya.

"Okay. Don't forget to tell them that I miss them." Sinamaan ko siya ng tingin dahil parang nanunukso na naman siya.

"Pati siya?" I rolled my eyes again.

"Shut up kuya. I don't wanna talk about him. Sige na. I'll miss you." Yinakap ko siya and he hugged me back.

"Bye sis. Huwag mong papasakitin ang ulo nina lolo at lola ha. Just be strong, alam kong makaka-move on ka din." He whispered.

"Hmm. Dapat pagbalik ko sa Pilipinas may pamangkin na ako. At dapat sa inyong apat." Pag-iiba ko ng topic tsaka mahinang tumawa.

"Makaka-asa ka sis. Sharp shooter yata 'to. Hahaha." He tapped my head bago nagpaalam kina lolo at lola at umalis na.

Turned Tables Where stories live. Discover now