Chapter 4: Her Birthday

8 0 0
                                    

Maxine's POV

"Happy legality day, babe." Napangiti ako sa sinabi ni Nathan habang kausap ko siya sa phone.

"Thank you, babe. Don't be late, okay? Alam mo namang ikaw ang escort ko." He chuckled from the other line. His chuckle is so damn sexy. Hindi yata ako magsasawang pakinggan ang mahina niyang pagtawa.

"Okay, boss. Kailangan kong magpa-gwapo lalo kasi alam kong magiging mas maganda ka pa sa dyosa mamaya." Napairap ako sa hangin dahil sa sinabi niya pero deep inside, kinikilig talaga ako. Kung wala nga lang tong make up artist sa tabi ko, baka nagsisigaw na ako ngayon.

"Sige na. Binola mo pa ako." In-end ko agad ang call para makapag-start na si ate Fionna sa pag-make up sa akin.

"Ay naku atiiii kinikilig talaga ako sa boylalu mo!" Natawa na lang ako sa kanya. He's a gay.

Habang nagme-make up siya sa akin, nasa likod ko naman si ate Shrek, ang bestfriend ni Fionna na bakla din. Siya ang nag-aayos ng buhok ko.

Naka-bun ang buhok ko at may kunting buhok na nakalugay sa dalawang gilid ng mukha ko na kinulot. It is to emphasize the shape of my face. This is my first time na magkapag-make over ng buo. Usually kasi, I only use lipstick and powder kapag may lakad ako o kung ano man. So, I'm kinda excited and curious sa kung anong kalalabasan ng mukha ko nito pagkatapos. Ate Fionna first put some liquid foundation bago niya nilagyan ng iba pang kailangang ilagay. At the end, I was only wearing a pallid and a light make up but with full of poise. My eyeshadow's color is light peach at ang lipstick ko ay combination ng cream and lightest brown. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko habang nakatingin ako sa salamin. Gosh, is this really me? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Ayan, siguradong hindi makakatulog ang boyfriend mo kapag nakita ka niya sa ganyang ayos." Tinawanan ko na lang ang sinabi ni ate Shrek tsaka napapa-iling. Puro kalokohan talaga.

"Tapos na ba?" Napalingon kaming tatlo sa pinto at iniluwa nun si ate Kiara na may dalang box. Maybe that's my dress. Remember ate Kiara? Nathan's sister.

"Yes ateey, labas muna kami." Sabi ni ate Fionna. Magkakaibigan silang tatlo nina ate Kiara, ate Shrek at ate Fionna. They were working as a team in France. Si ate Kiara sa gowns, sa hair style naman si ate Shrek at sa make up si ate Fionna. They were so supportive. They actually flew from France to Philippines para pumunta sa debut ko, and it's touching.

"Magtatampo na talaga ako nito, Maxine. Iba ang gumawa ng gown mo eh." Nakanguso niyang pagmamaktol. So cute.

"Eh hindi ko naman alam ate na pupunta ka pala dito. Sabi kasi ni Nathan na busy ka sa France." Nag-iba agad ang aura niya. Lagi kasi siyang iniinis ni Nathan.

"Iyong kapatid ko talaga, magugulpi ko yun eh. Anyway, okay lang basta ako na talaga ang gagawa ng wedding gown mo kapag kinasal na kayo ni Nathan." Eh? Kakagulat naman yang mga sinasabi niya. It's so akward talking about wedding lalo na't kapatid niya ang boyfriend ko. Maybe, someday kapag nasa right age na kami, hindi na magiging awkward ang topic about kasal.

"Naku, ate. Kaka-18 ko lang ngayong araw, kasal na agad ang topic mo." Inirapan niya ako in a joke way.

"Of course, doon na rin naman papunta yun. Oh heto na ang gown mo." Tinanggap ko ang box na dala niya at pumasok sa dressing room para magbihis. Naka-bath robe pa kasi ako. My gown is so long. Yung tipong nasa baba na ako at ang gown ko ay nasa gitna pa ng hagdan. I look like a princess in this coral pink gown. It's an off shoulders style pero it's somewhat cleavage style, revealing my white and smooth chest. Pero hindi naman masyadong revealing at daring.

"Oh my god! You look like a goddess." Pumapalakpak pa si ate Kiara nang lumabas ako mula sa dressing room. Sinuot ko na din ang 5 inches beige heels ko.

Turned Tables Where stories live. Discover now