Chapter 6: Run Nathan! Run for your Life

5 0 0
                                    

Maxine's POV

Tahimik akong nakaupo dito sa Airport, sa gate pass habang hinihintay ang oras ng flight ko. I still have two hours bago dumating ang eroplanong sasakyan ko.

"Sweetie, are you sure about this?" Pinisil ni dad ang kamay ko. Tumango ako.

"Ask me again dad and I'm gonna change my mind." Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko. Like seriously, he had been asking me that for 6 times already.

"Sinisigurado ko lang dahil baka napipilitan ka lang." I sighed.

"My decision is already fixed, dad. I wouldn't be here kung napipilitan lang ako." I said. Pero sa kaloob-looban ko, hindi ako sigurado. Hindi ko pa kayang iwan ang mga kaibigan at pamilya ko dito pero kailangan. It's for my own good anyway. For me to move on. Suko na ako. Pagod na ako kaya siguro, ako na lang ang lalayo.

Alam na ng mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Nathan. They were mad. Galit na galit sila, even Levin and Duke. But I chose to be silent. Pinapunta kasi sila ni dad kagabi dahil hindi ako tumigil sa kakaiyak kaya nalaman nila ang buong istorya. Mula sa pagpunta ni Ericka sa bahay hanggang sa dumating si Nathan. Pero hindi nila alam na aalis ako ngayon. Ayokong sabihin dahil ayokong malaman niya. For sure, kapag nalaman nila Ally na aalis ako, malalaman din ni Nathan and I already decided to forget him. To discard him away from my life. I don't want to have a connection with him anymore.

Alam kong magiging mahirap para sa akin ang kalimutan lahat ng mga pinagdaanan at ang mga masasayang ala-ala namin pero kakayanin ko. And I admit, matatagalan bago ako makapag-move on pero ano ba naman yung unti-unti ko siyang alisin sa sistema ko, right? Sobrang sakit pa din ng ginawa niya sa akin but I know time will heal everything. He chose to believe her then so be it.

"MAXINE!" Nagulat ako nang may sumigaw ng malakas sa pangalan ko. Paglingon ko sa aking likuran, nandoon sina Ally, Rile at Dianna na tumatakbo palapit sa akin.

"Bruha! Bakit hindi mo sinabi sa aming aalis ka pala?" Sabi ni Rile habang pinaghahampas ako sa braso pero mahina lang naman.

"Gaga ka! Ano ito, iiwan mo na lang kami basta basta nang hindi nagpapaalam?" Mahina pa akong sinabunutan ni Ally.

"At biglaan pa! Masyado kang excited! Iiwan mo akong mag-isa sa Weltman, ganon?" Kinurot ako ni Dianna sa tagiliran.

Teka! Nakakarami na sila ah!

"Wait! Ano bang ginagawa niyo dito?" Tanong ko pero sinamaan lang nila ako ng tingin.

"Hindi ko nga sinabi sa inyong aalis ako para hindi niyo na malaman, pero ano ito?" Binatukan ako ni Ally.

"So wala ka talagang planong ipaalam sa amin?" Umiling ako. Nakita kong bumagsak ang mga balikat nila sa pag-iling ko. Maya-maya, naupo sila at umiyak. Oh hell! Kasalanan ko ba ito?

"I thought we'll not be keeping secrets from each other." Umiiyak na sabi ni Dianna. Naiyak din tuloy ako.

"I-Im sorry. A-ayoko lang namang pag-aalahanin kayo. I just w-want to leave with no traces." Umupo din ako at yinakap sila. God Maxine! You really have the guts to do this to your friends, huh?

"Hindi ka na talaga namin mapipigilan?" Ally cupped my cheeks while still crying.

"Buo na ang desisyon ko, I'm sorry." Nakayuko kong sabi. I don't want to see them crying. Nasasaktan din ako. Ayoko ring tumingin sa mga mata nila dahil baka magbago ang isip ko.

"We'll just visit you there. Teka, saang bansa ka ba pupunta?" Umiling ako sa tanong ni Rile.

"Hindi niyo na kailangan pang malaman." They don't need to know. It's better that way.

Turned Tables Where stories live. Discover now