Chapter 9: I'm Back

4 0 0
                                    


        ~AFTER 5 YEARS~

NATHAN'S POV

"Come in." Tugon ko nang may kumatok sa pintuan ng aking opisina.

"What do you want Lea?" Tanong ko sa aking secretary habang nakatitig pa rin sa laptop ko. Sa tunog pa lang ng takong niya, alam ko na agad kung sino iyon.

"Sir, I would like to ask kung tapos niyo na po bang pirmahan ang lahat ng papers sa folder number two. Hinihingi na po kasi ng kabilang department." Magalang na sagot niya.

"Oh, that." Tumayo ako at pumunta sa cabinet na nasa aking likuran.

"Here," abot ko sa kanya ng folder.
"You may go." Tumango naman agad siya bago lumabas ng office ko.

Bumalik ako sa pagkakaupo at muling humarap sa laptop. Nakakapagod pero kailangan ko nang tapusin ito para maipakita ko na kay dad ang lay out sa bagong hotel na gusto niyang ipatayo. I've been dealing with this for two weeks now pero hindi ko pa rin matapos-tapos. Dad gave me one month for this para hindi ako ma-pressure but I want it fast. Para magamit ko ang natitirang mga araw sa pagpapahinga. Kakagaling ko lang sa isang business trip noong nakaraan at tambak na naman ang trabahong naiwan sa akin.

"Hi, Nathan!" Napapikit ako sa inis nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nakakainis pakinggan ang matinis at malanding boses niya.

"Why are you still here? It's lunch time already." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Narinig ko ang yabag ng mga paa niya papalapit sa akin. Huminto siya sa tabi ko at yumuko upang tingnan kung ano ang ginagawa ko. At dahil may angking kalandian ang babaeng ito, mas yumuko pa siya at mas lumapit sa akin dahilan para ipagduldulan niya ang dibdib niya malapit sa mukha ko. A bitch.

"Come on, Nathan. Let's have lunch together." Umayos siya ng tayo at inilagay ang kamay niya sa balikat ko. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin at tinapik ng malakas ang kamay niya.

"Ouch, Nathan! What the! It hurts!" Pagmamaktol niya.

"Sir, sorry po. Ayaw pong magpapigil ni Ma'am Roxanne eh." Biglang singit ni Lea na agad ding pinandilatan ng mata ni Roxanne.

Tinanguan ko lang siya at sinenyasan na umalis na.

"So, what now, Roxanne? I'm busy." Walang ganang sabi ko sa kanya nang hindi man lang siya nililingon.

"I'm here kasi alam kong hindi ka pa nagla-lunch. My treat."  Masayang sabi niya. Hinawakan niya ulit ako sa balikat na agad ko ring tinapik.

"Don't touch me." Sabi ko na nakatingin mismo sa mata niya. She laughed.

"Oh, come on, Nathan! Alam naman nating dalawa na gustong-gusto mo din." Tumayo ako at hinarap siya. Nakangiti pa rin siya na animong nagpipigil ng pagtawa.

"Hindi mo ba talaga maintindihang busy ako? Or you want me to translate it into chinese, korean, japanese or so on. You choose." I said while smirking. Instead of answering me, lumapit siya sa akin at itinapat ang kanyang bibig sa aking tainga.

"I won't choose, dahil wala naman sa choices ang pagpipilian ko. I want it your way. And you know what I mean." Malandi niyang bulong. Naiinis kong hinawakan ang balikat niya at bahagyang itinulak.

"Allergic ako sayo so don't even try." I said, still smirking.

"Wow. Kung makapagsalita ka, parang hindi mo iyon gawain? Hahaha. Why don't you accept the fact that you're a womanizer? Hindi lang isang babae, Nathan, kundi marami. Kaya huwag kang magmalinis." Nakataas kilay niyang sambit. Ako naman ang bahagyang natawa.

Turned Tables Where stories live. Discover now