Chapter 2: Face off

16 0 0
                                    

Maxine

"Sweetie, may sasabihin ako sayo." Tumigil ako sa pagkain nang magsalita si dad. We were having breakfast kasama ang mga kapatid ko.

"Ano yun, dad?" Tumikhim si dad at huminga ng malalim bago hinawakan ang kamay ko. I'm in his right side kaya magkalapit lang kaming dalawa.

"You do know that may alitan kami ng lolo at lola mo, right?" Panimula niya. Tumango ako kasi alam ko naman. Noong nag-migrate kami sa Canada way back years ago, inaya kami nina lola na doon na lang sa Australia pero matigas si daddy at may kanyang paninindigan kaya nagpauloy kami sa Canada. At dahil dun, nagtampo sina lolo at lola kay daddy dahil nag-iisang anak lang kasi nila ang dad ko at lumayo pa sa kanila. Before that, nagkagalitan na din sila dati pa noong hindi pa kami nabubuhay magkapatid. Hindi sang-ayon sina lolo at lola noong pina-fixed marriage sila ni mom noon. Umabot pa sa punto na ipina-cancel iyon in both sides, pero gaya nga ng nauna, matigas talaga si daddy at ipinatuloy niya pa rin ang kasal dahil mahal niya si mommy.

"And what about that, dad?" Uminom ako ng tubig dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa sasabihin ni daddy.

"Your lola wants you to continue studying college in New York." Para akong biglang nanigas sa sinabi ni dad.

"Dad, bakit sa New York? I thought lola and lolo are in Australia."

"Mama and Papa moved. Nasa New York na sila ngayon and they are all alone. Gusto nilang doon ka na mag-aral ng college para may kasama na sila." Napatayo ako dahil sa gulat at pagkabigla. Kung noon, gusto kong sa abroad mag-aral, well hindi na ngayon! May mga kaibigan na ako dito, napamahal na ako sa mga tao dito at higit sa lahat, may boyfriend akong maiiwan kapag nagpunta ako ng New York!

"Sweetie, intindihin mo naman ang grandparents mo. Alam mo namang ikaw lang ang apo nilang babae at ikaw lang din ang hindi nila masyadong nakita." Umiling ako at isinukbit sa balikat ko ang aking bag.

"Dad, that's too much to ask! Pwede namang si kuya Ravi na lang ang sumama sa kanila doon!"

"Maxine!" Sinigawan ako ni kuya Ravi.

"Hindi mo ba naiintindihan? They need you there! Kailangan nila ng kasama doon. Sure, hindi pa sila gaanong matanda pero ano ba naman yon kung hayaan mo silang makapiling ka?!" Tumayo na din si kuya Ravi.

"That's my point! Kailangan nila ng kasama doon! Nag-aaral pa ako kuya. Pwede namang ikaw na lang ang ipadala sa New York!" Kumalma si kuya at umupong muli.

"Hindi ganyan kadali yan, Maxine. Alam mo namang kailangan ako ni dad para sa negosyo natin dito. And my wife needs me too." Napabuga ako ng marahas na hangin. Yeah, may asawa na pala siya. And she's not here, may ibang bahay sila ni kuya. Kuya just stopped by here.

"Then kuya Elias can!" Pagpipilit ko. Tiningnan ako ni kuya Elias at tinaasan ng kilay.

"Gusto mo bang hiwalayan ako ng fiancee ko kapag iniwan ko siya dito?" Sabi niya.

"Si kuya Zion o di kaya si kuya Renz!" They both shook their heads.

"Kakasimula pa lang ng new branch natin sa Japan so I say no." Sabi ni kuya Zion at ngumiti sa akin. Natutuwa pa talaga siya eh New York na ang pinag-uusapan.

"Me too, baby sis. Partner kami ni Zion sa Japan." Taas kamay na sabi ni kuya Renz.

"Anak, pagbigyan mo naman ang lolo at lola mo. Four years old ka pa nang huli ka nilang nakita." Napapaisip din ako sa sinabi ni dad. Bata pa ako nang huli ko silang makita. Ni hindi ko na nga masyadong matandaan ang mga mukha nila. Tsaka ang sama ko namang apo kung hindi ko sila sasamahan sa New York. But the thing is, kaya ko bang iwan ang mga mahal ko dito?

Turned Tables Where stories live. Discover now