"Maligayang pagdating sa bahay ko Vice Ganda and Karylle." sabi bigla ni Kuya na ikinagulat naman ni Karylle. Tinulak nang bahagya ni Vice ng kaunti si Karylle para siya ang maglean sa mic na nasa confession room. "Hi po big brother." Karylle said kaya pinagtawanan siya ni Vice. "What?" tanong pa niya kay Vice na tawa ng tawa. "First time po niya, Kuya. Iniwan po kami sa ere ni Vhong, Anne at Billy." Vice said.
"Excited na ba kayo na mameet ang mga housemates?" tanong ni Kuya. Nagkatinginan naman sila for a moment and natawa. "Kuya, kinakabahan si Karylle." sumbong ni Vice. "Bakit ka kinakabahan, Karylle?" tanong ni Kuya. Huminga naman ng malalim si K and tinapat sakanya ang mic. "First time ko po kasi saka po wala lang pero excited na po ako mameet sila." Karylle said.
Inagaw naman ni Vice ang mic kay Karylle, "Kuya, pakipush kami ni Daniel ha!" bilin ni Vice. "Matsunaga?" tanong ni Karylle kay Vice. "Hindi, Padilla. Ba yan Karylle, halatang di nanonood!" sabi ni Vice kaya natawa silang dalawa. "Kay Daniel mo ba talaga gusto, VIce?" tukso ni Kuya. "Ikaw, Karylle sino ang gusto mong mameet?" Napakamot naman si Karylle dahil nga hindi naman siya pamilyar sa mga housemates sa bahay ni kuya.
"Alam ko na Kuya! Si Manolo kasi nakita ko sa Twitter pictures niya... parang ang cute niya lang." sabi ni Karylle. "Luh, K... teens 'yon!" sabi ni Vice. Tinaas lang ni K ang balikat niya, "Cute lang naman, wag ka na magselos." Karylle said. "Ikaw Vice, bukod kay Daniel?" tanong ni Kuya. "Hmm... lahat po sila... pero pinakanakakaaliw po 'yung kambal." sabi niya. "Si Fourth at Fifth? Yes, alam ko!" Karylle said na tuwang tuwa sa sarili. "Proud of you!" sabi lang ni Vice na natatawa.
"Hindi alam ng housemates na papasok kayo." sabi ni Big Brother habang kasalukuyang pinaglalaruan ni Vice na parang bata ang buhok ni Karylle. "Wow, surprise..." Vice commented.
"Papasok kayo sa isang kwarto and doon maghihintay ng aking hudyat." sabi ni Big Brother kaya' sabay na tumango ang dalawa. "Have fun, Vicerylle!" bati pa ni Kuya. "Wow, vicerylle talaga eh." sabi naman at naawkward kaya inalis ang pagkakaakbay kay Karylle at naglean back sa upuan sa confession room.
* * * *
"Maari niyo ng tanggalin ang blind fold niyo." Kuya said kaya dahan dahang inalis ni Vice and Karylle and piring sa mata. "Eto na yung PBB house?" tanong ni Karylle kay Vice. Tumango lang si Vice and nilibot ang tingin sa room kung saan sila naroon ngayon. Ito 'yung usual na room malapit sa confession room kung saan pumapasok ang mga bisita sa bahay ni kuya.
Napatayo naman si Vice ng makita ang dalawang maleta na may pangalan nila ni Karylle. "Kuya bakit may ganito?" sabi ni Vice sabay lapit sa mga maleta. "O my gosh! Sabi na eh!" Karylle said and tiningnan na din ang maleta na may pangalan niya. Sa tabi nito ay may bathrobe pa na may pangalan nilang dalawa at iba pang gamit. "Kuya... alam ba 'to ng asawa ko?" sabi ni Karylle at natawa. "Pakausap nga sa RM ko!" sabi ni Vice na natatawa nalang at inisip na pinagttripan lang sila ni Karylle.
* * * *
Sa kabila naman ng pinto ay naririnig nang housemates ang boses sa loob ng kwarto kaya nagtipon sila sa labas ng pinto na 'yon sa pangunguna ni Alex. "Sure ako, si Vice Ganda 'yan!" sabi ni Alex with matching turo pa sa pinto.
"Babae guys." sabi naman ni Fifth na pinipilit na isiksik ang tenga niya sa pintuan ng room na 'yon. "Si Vice 'yung tawa, Kuya Fifth." sabi ni Maris na naeexcite na kung sino nga ang nasa loob ng room na 'yon. "Baka Showtime hosts!!" sabi naman ni Fourth kaya mas naexcite sila. "Sino naman kaya ngayon?" tanong ni Joshua. "Sana KathNiel ulit." sabi naman ni Nichole.
"Housemates, magtipon lahat sa sala." Kuya said kaya kahit sobrang curious nila ay naglakad na sila papunta sa sala except for Alex na pilit pa ding pinakikinggan kung sino ang nasa room. "Kuya, ate ko ba yon?" tanong niya pa. "Parang si Karylle eh." sabi pa niya bag sumunod sa ibang housemates.
* * *
"Vice, Karylle." tawag ni Kuya kaya natahimik sandali ang dalawa at kumalma sa pagpapanic ng makita ang maleta nilang dalawa. "Inaantay na kayo ng mga housemates." dagdag ni Big Brother. "Kuya, dadalin ba namin 'tong paandar mong maleta?" tanong ni Vice. "Kakailanganin niyo 'yan." sabi ni Kuya kaya nagkatinginan ang dalawa.
"Kuya, nagpaparenovate kami ng bahay!!" sabi ni Karylle pero sumunod nalang at dinampot ang mga gamit niya at hinatak ang maleta. Si Vice naman ang nagbukas ng pinto for Karylle. "Wow." sabi ni Karylle pagpasok ng bahay dahil sobrang tahimik. "Saan ba?" tanong ni Vice pero nauna na si Karylle sa paghanap sa mga tao sa bahay.
"Woah." sabi ni Loisa ng makita si Karylle na papalapit mula sa may side ng confession room. "Hi." nahihiyang bati ni Karylle sakanila. Unang lumapit si Alex dahil magkakilala na naman sila noon pa. "Hi Karylle." bati ni Alex at bumeso kay Karylle. Noon pa lang nakita ni Alex si Vice kaya mas nahype ang mga nahihiya pang housemates kanina. "Vice Ganda!!!" sigaw ni Alex.
Isa isang lumapit ang mga housemates kina Vice and Karylle. Nahirapan man si Karylle imemorize ang mga names ng mga nakapaligid sakanila ngayon ay natutuwa siya kasi parang ang babait nilang lahat. "Bakit kayo may maleta? Dito na kayo titira?" tanong ni Michele. Nagkatinginan naman si Vice and Karylle dahil maging sila ay di nila alam ang sasagot.
New short story!! Hahaha! Cause PBB feels. Inspired sa one shot ni Pam but this time hindi AU. So, assume natin na hindi pa umaalis si Alex, Michele, Jayme and Ranty. So if nagustuhan niyo, pakishare! =))