"Baka naman nahiga lang doon tapos sa sobrang pagod, doon na nakatulog di ba?" sabi ni Karylle habang nakahiga at nakaharap sa salamin sa gilid niya. Nakahiga siya ngayon sa side ng kama ni Vice. "Pero kanina lang..." sabi pa ni Karylle na sinusubukang magpaantok pero masyadong maraming naiwang tanong sa utak niya ngayon.
"Simula nung saan nga ba? Magkasama pa kami sa sala tapos bigla siyang umalis tapos hindi na siya namansin tapos nung galing siyang confession room ni hindi na siya makatingin sakin..." sabi nalang ni Karylle sa isip niya dahil baka makagising pa siya ng iba sa pagiisip niya.
"Pero baka naman nagooverthink ka lang. Ano ba gusto mo kasing mangyari, K? Bakit ka ba masyadong apektado? Bakit ba hindi ka makaiwas? Ano na kayang iniisip sayo ng mga tao sa labas? Nahahalata na kaya kami ng ibang housemates? Baka hindi na mawala tong nararamdaman ko pag labas...nakakatakot." kausap niya sa isip niya nang maramdaman niya na basa na pala ang unan niya sa sariling luha.
* * * *
Sa kabilang kwarto naman nakatihayang nakahiga si Vice sa kama na solo niya. Napatingin siya sa empty side ng bed... nasanay na yata siya ng may katabi. Sino bang niloko niya? Eh, ilang araw nalang naman yata sila ni Karylle dito sa bahay balik na naman sa pagiging magisa sa kama.
"Dapat masanay na ko..." sabi ni Vice sa sarili at umiba na naman ng pwesto nagbabakasakaling this time makatulog na siya.
"Ilang araw nalang kaya kami dito? Ang dami kong tanong!" sabi ng utak niya. "Eh ano ba kami? Ganito ba siya kasaya sa labas? Paano kung mas masaya pala siya sakin? Pano kung legit na love na pala 'to? Pano kung bumalik yung nakakalito na feeling? Dapat ko ba siyang ipaglaban o ituloy ko lang tong ginagawa kong pagiwas hanggang magkahance kami na magkausap sa labas... closure? Para namang may something talaga."
Napatingin siya sa other side ng boy's room at nakita niya si Fifth na nakanganga habang may takip ang mata at si Fourth na gising din na kagaya niya ay malalim ang iniisip. Hindi na niya ito kinausap at dumapa nalang trying to find the perfect spot to sleep. He sighed at hinimas ang kalahati nang kama na walang nakahiga. "Good night, Kurba."
* * * *
"Tulog pa din si Kuya Vice?" tanong ni Jayme sa ibang housemates na kanya kanya nang kain ng almusal dahil alam nilang paguran na naman ngayon para sa tasks ni Kuya. Si Karylle naman na walang ganang kumain ay sumimple ulit ng tulog sa sala dahil nga dalawang oras lang yata siy nakatulog sa kakaisip kagabi.
"Bakit sa kwarto namin natulog si Kuya Vice?" tanong ni Fifth sa iba. Wala namang sumagot dahil wala rin namang may alam kung bakit. "Nagulat nga ako eh kasi kagabi parang may kausap si Ate K.. so akala ko sila ni Kuya Vice magkausap." sabi ni Michele. "Oo, tapos ang gulo gulo pa ni Ate K sa kama kagabi, pagnagigising ako nakikita ko siya turn ng turn e." sabi naman ni Maris.
"Baka naman inabutan nalang ng pagod si Vice sa kwarto niyo." sabi naman ni Alex at sumubo ng food. "Siya nga nauna sa room eh di ba? Baka nga nakatulog na lang." sabi ni Manolo. Tahimik lang na nakikinig si Fourth na antok na antok pa din at halos hindi ginagalaw ang food. "Hindi ba natin sila gigisingin?" tanong ni Vickie sakanila.
"Nakausap ko si Ate K ayaw daw niyang kumain, masakit yata ulo." sagot ni Loisa. "Alam na, LQ." bulong ni Fifth kay Alex kaya natawa sila pareho.
* * * *
"Vice, you need to get up and eat breakfast daw sabi ni Kuya." paggising ni Daniel sa kaibigan. mas binalot pa ni Vice ang sarili sa kumot dahil sobrang antok na antok pa siya. "Vice, kuya said you need to get up."
Niyugyog naman siya ni Daniel kaya umupo na siya para tumigil ito. "Ayan na ayan na!" sabi pa nito na nakapikit pa at naginat. Napatingin naman siya sa salamin na nasa harap niya. "Sa labas Direk said, management said, Yael said... hanggang dito ba naman Kuya said?"