2: #PBBKwarto

13.3K 261 22
                                    

"Kung ako sainyo check niyo na yang maleta niyo." sabi ni Alex. "Baka puro bra din parang kay Ate Cathy." sabi ni Jayme kaya natawa sila kasi naalala nila na puro underwear ang ibinigay kay Alex noon. Tinulungan naman ng housemates sina Vice and Karylle na buksan ang maleta nila.

"Hala kumpleto!" sabi ni Karylle ng makitang puro damit niya ang nasa maleta. "Yayyy." sabi ng mga teen housemates. Hindi naman maipaliwanag ni Karylle ang nararamdaman dahil as much as she wants to stay and subukan ang PBB, hindi niya sure if alam ni Yael or ng Showtime management or ng family niya ang pinasok niya.

"Talaga nga namang masaya 'to...." sabi ni Alex ng makita si Vice na hindi makapaniwala sa laman ng maleta niya. "Ano to!!!" sabi ni Vice habang binubuklat ang mga panlalaking damit na nasa maleta niya. "Kuya, kay Vhong yata to..." sabi pa niya pero siyempre hindi naman siya sasagutin ni Big Brother.

Natawa naman si Karylle and nakalimutan na ang worries niya ng isaisahin ni Vice ang mga damit sa maleta niya. "Puro boxers..." pansin ni Ranty. "Briefs?! Karylle peram panty ha." sabi ni Vice na hindi maipaliwanag ang nararamdaman at the moment. "Boy ka naman eh!" sabi ni Karylle at inilayo ang luggage niya kay Vice.

"Daniel at Alex, pumasok kayo sa confession room." bigla biglang salita ni Kuya. "Kuya, sama kami!! Ayoko nitong nasa maleta ko." pagmamaktol ni Vice. Tumayo na si Alex at Daniel at pumunta sa confession room leaving Vice na nakapout sa may sofa habang si Karylle ay kinukulit na ng teens.

*  *  *

"Kamusta ang mga bisita?" tanong ni Kuya. "Masaya naman po, Kuya." sagot ni Daniel habang tumatango lang si Alex. "Kilala mo na ba si Vice dati?" tanong ulit ni Kuya.

"Uhm, we used to work together po sa movie, Sisterakas..." sabi ni Daniel. "Eh, si Karylle?" tanong ulit ni Kuya. "Sa showtime prod niya lang po, nung bridal shower niya." sagot ni Daniel.

"Ikaw, Alex? Gaano mo kakilala ang bisita?" tanong ni Kuya kay Alex. Napaisip naman si Alex bago sumagot, "Si Vice po, noon pa man friends na sila ng Ate ko saka pareho ko naman po silang nakakasalubong sa ABS, si Karylle po sa ASAP nakikita ko minsan kapag sumasama po ako sa Ate."

"Gusto niyo bang makasama si Vice at Karylle?" tanong ni Kuya, nagbrighten up naman ang mukha ni Alex sa narinig. "Kuya, sabi nga nila the more the merrier kaya oo naman po!" sabi ni Alex in her usual na masayang tono. "Eh itour niyo muna sila sa bahay ko, kailangan maramdaman nila na welcome sila." sabi ni Kuya.

"So, dito na din sila?" tanong ni Alex kay Daniel pero hindi rin alam ni Daniel ang sagot. "Kuya, they're staying?" tanong ni Daniel habang si Alex ay galak na galak na sa pangyayari. "Malalaman niyo sa takdang panahon. Sige na, masamang pinagaantay ang bisita."

*  *  *  *

Nagsplit up sila, kasama ng teen housemates at ni Alex si Karylle habang si Vice naman ay kasama ng regular housemates pati ni Daniel at Michele.

"Eto po 'yung swimming pool area." sabi ni Loisa kay Karylle. "Pwede magswim, anytime?" tanong naman ni Karylle na naexcite dahil gustong gusto niya talagang exercise ang swimming lalo sa umaga. Tumango lang ang housemates na parang nahihiya pa din kay Karylle.

"Madalas dito kami nagbobonding dyan...sa gilid ng pool, chika chika ganoon." kwento naman ni Alex. Bigla namang dumating si Manolo at Joshua na may dala na C2 at inabot kay Karylle. "Yes naman." tukso ng girls kaya nahiya ang dalawa. "Thank you." sabi ni Karylle and binuksan ang inumin.

"Sorry ah hindi kasi ako palanood ng TV... hindi ko alam mga ginagawa dito, mga chores, tasks, tulungan niyo ko ha?" Karylle said at uminom na sa C2 bottle na inabot ng boys. "Oo naman po." sagot ni Manolo at ngumiti kay Karylle. "Ang liit pala talaga ng mata mo no?" pansin ni K kay Manolo kaya medyo nahiya ito at napasmile kaya lalong nawala ang mata niya. "Pasok na tayo ang init dito. Naiinitan si Ate K." aya naman ni Maris.

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon