Pagbalik nila sa activity area, sinalubong sila ng housemates na parang naipanalo na nila ang weekly task. "Alam niyo na?" tanong ni Karylle nang salubungin siya ng yakap ni Nichole.
"Inannounce ni Kuya kanina bago kayo bumalik." sagot sakanya nito kaya tumango nalang siya. "Anong pinagawa sainyo?" tanong sakanila ni Vickie. "Nakablind fold siya tas may obstacles..." paliwanag ni Karylle habang tinuturo si Vice na bahagya pa ring hinihingal.
"Ang galing mo naman." biro ni Alex kay Vice na may something. "Catherine, tigilan mo ko ha." sabi ni Vice. "Ano namang inspirasyon mo sa task na 'yon?" buong ngiting tanong ni Alex. "Kayo..." sagot ni Vice kaya nagreact ang housemates.
"Weh?" sigaw pa ni Loisa kaya nagkatinginan si Vice and Karylle awkwardly. "Kabayo kaya to kahit nakablindfold, mabilis pa din no." sabi ni Vice at pinagtripan nalang ang sarili para magtigil na ang kakatukso ng mga housemates.
* * * *
"Ede bati na tayo?" tanong ni Vice kay Karylle nang naging busy na ulit sila sa weekly task. Ginanahan naman ang mga housemates dahil nga di hamak na mas mabilis na ang pagtaas ng score nila ngayon.
"Hindi naman tayo nagaway, Vice." sabi ni Karylle. "Hindi na ko hangin ngayon?" tanong pa ni Vice. Hindi naman siya sinagot ni Karylle at tinitigan lang sa mata. Walang salita pero parang ang dami nilang sinabi sa isa't isa. Si Karylle naman ang unang umiwas sa titigan nila ni Vice.
"Hirap.." sabi ni Vice at naging seryoso ang itsura nito. "Wag nalang ipilit kasi hindi na naman na pwede." sabi nalang ni Karylle and pinilit iiiwas ang tingin niya kay Vice. "Pero meron?" tanong ni Vice.
"Hindi ko gets...." kahit na naiintindihan naman siya ni Karylle dahil na din sa tono at kilos niya. "Gusto mo talaga sabihin ko?" tanong ni Vice kaya naman umiling agad si Karylle. "Wag na natin pagusapan. " pilit na iwas ni Karylle.
"Ikaw na nagsabi di ba? Ayaw mo ng puro ganito. Gusto ko lang din naman malaman kung iniimagine ko lang tong nasa utak ko." sabi ni Vice. "Bakit may lapel ba tayo sa labas?" tanong ni Karylle at nagsmirk. Si Vice naman ngayon ang napaisip kung anong ibig sabihin ni Karylle.
"Hindi naman na bago sa'tin yung ganito yung para tayong batang nagaaral ng context clues. Para tayong nakatali, hindi pwedeng lumayo, parang may rule book sa totoong buhay." dagdag pa ni Karylle kaya nakinig lang si Vice.
"Kaya nga ayoko pa talaga lumabas kasi nahahawa ako sa pagpapakatotoo ng tao dito sa loob." sabi ni Karylle. "Ayaw mong lumabas?" ulit ni Vice ng hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Karylle.
"Oo pero don't get me wrong hindi to tungkol...." sabi ni Karylle. "Sa akin?" tanong ni Vice bago pa matapos magsalita ang kausap. Tango lang naman ang sinagot sakanya ni Karylle.
"Alam ko naman kung saan lulugar eh." sabi naman ni Vice na medyo nakakalimutan na ang lapel mic na nakapalibot ngayon sa bewang nila. Nakita ni Karylle ang mata ni Vice na parang may lungkot talaga kaya hinawakan niya ang kamay ng kaibigan para i-comfort ito.
"Pero di ba...." tanong sana pero hindi niya itinuloy at tumingin kay Karylle. Once again, nagusap ang mga mata nila na parang walang ibang tao sa activity area kung hindi sila. Hindi sumagot si Karylle, hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ni Vice kaya ngumiti na si Vice na parang naintindihan na ang ibig sabihin ni Karylle.
* * * *
Muling nagloko ang machine kaya pinatigil muna sila ni Kuya and bumalik sa bahay. Kanya kanyang pahinga ang mga housemates, pinili naman ni Alex na mamahinga sa kwarto ng girls. Sakto namang pumasok si Fifth at humiga sa katabing kama kung saan nakahiga si Alex.
"May tatanong ako.." sabi ni Fifth bigla kaya tinaas ni Alex ang ulo niya at tumingin sa direksyon ni Fifth. "Bi ba si Vice?" tanong ni Fifth kay Alex. Hindi naman agad naintindihan ni Alex ang tanong ng kaibigan. "Bakla si Vice, hindi pa ba obvious? Ano yon joke lang sa tv?" tanong ni Alex.