#WelcomeBackVicerylle

8.3K 262 44
                                    

All my bags are packed, I'm ready to go. I'm standin' here outside your door, I hate to wake you up to say goodbye.

Nagising ang boys sa pagbukas ng pinto ng kwarto nila at biglang pagtugtog ng wake up call na Leaving On A Jetplane kasabay nito ang pagpasok ni Vice na may dalang maleta. Inilagay naman niya ang maleta sa kama na tinulugan niya nung nakaraang gabi at binuksan ang cabinet niya at inilabas ang mga damit niya. 

"Anong nangyayari?" wala pa sa sariling tanong ni Fifth na nasisilaw sa ilaw. Naginat naman ang iba at ang iba ay tulalang pinapanood si Vice na parang ang taas na ng energy eh, umaga pa lang. "Saan ka pupunta?" tanong ni Joshua kay Vice gamit ang lapel na hawak lang niya dahil kagigising lang talaga niya. 

"Dyan lang... magaaudition sa PBB." biro ni Vice pero wala ng natawa. "Are you going?" tanong ni Daniel sa kaibigan. "Aalis na daw kami ni Karylle." sabi ni Vice seriously ng hindi tinitingnan ang mga kasama. "Bakit?" nabigla namang tanong ni Fourth. 

"Anong bakit? Ano to hanggang big night kami dito?" tanong ni Vice sarcastically kaya tumahimik nalang si Fourth at hinayaan ang iba na magtanong since mainit yata talaga ang dugo sakanya ni Vice. "Bakit biglaan?" tanong naman ni Manolo. 

Muling bumalik si Vice sa cabinet para kunin pa ang iba niyang damit. "Lahat naman sa bahay na to, biglaan no." Natahimik nalang ang ibang housemates. "Iiwan ko na 'yung ibang damit dito ha? Hindi rin naman sa akin to, nakakaloka san ba nakuha to?" sabi ni Vice. 

"Teka, seryoso nga?" tanong naman ni Fifth na hindi pa din talaga makapaniwala na agad agad ay aalis sila Vice. "Oo nga, mukha ba kong nagjojoke?" 

But the dawn is breakin', it's early morn... the taxi's waitin', he's blowin' his horn already I'm so lonesome I could die

"Sino sainyo size 7?" tanong ni Karylle holding her shoes up in the air. Wala namang sumagot at nakatingin pa din sila kay Karylle. Kinuha naman ni Karylle ang tshirt na hinihingi noon pa ni Loisa at inabot ito sakanya. "Ayan yung hinihingi mong shirt." nakangiting sabi ni Karylle pero mukha namang hindi masaya si Loisa. 

"Hindi ba yan yung shirt na hinihingi mo? Alin ba?" tanong niya at hinalungkat pang muli ang mga damit niya. Umiling si Loisa at sinabi, "Aalis na talaga kayo?" 

Nakita naman ni Karylle na paiyak na ito at si Maris na nakaakbay dito. Tumango si Karylle at binaba muna ang mga gamit niyang inaayos. "Oo pero ilang buwan nalang naman kayo dito, paglabas niyo magkikita ulit tayo. Guest lang naman talaga kami dito di ba?" sabi ni Karylle at umupo sa kama. 

"Pero bakit? Saka saan kayo napunta kagabi? Bakit bigla kayong nawala?" tanong naman ni Jayme. "Eh sabi ni Kuya eh. Alam niyo wag na natin pagusapan yon. Magayos na kayo para masulit natin 'yung araw natin. Mamayang gabi maglilive daw siguro mamaya pa kami gabi lalabas." sabi ni Karylle and bumalik na sa pagiimpake.

*  *  *  *

Pinilit ni Alex na magpasama kay Vice sa sala, heart to heart talk daw. Pero part lang ito ng plano ng housemates na simpleng surprise para kay Vice at Karylle. Si Karylle naman ay sinama ni Fourth na nagshoshoot magisa sa activity area para sa weekly task. 

"Ayoko na ngang pagusapan, Alex. Bahala ka pupuntahan ko sila sa garden area." Hinatak naman siya ni Alex paupo para pigilan ito sa paglabas sa garden. "Hindi naman tungkol sa nararamdaman mo ito eh...." sabi bigla ni Alex at nagkunwaring naiiyak. Humikbi pa ito kaya medyo nagaalala naman si Vice. 

"Ano ba 'to? May problema ka ba?" tanong ni Vice kay Alex at umayos na ng upo sa sofa. "Hindi  ano kasi... bigla lang akong nalulungkot eh... hindi ko sure kung bakit alam mo yon?" drama ni Alex kaya nakinig lang si Vice. "Lovelife ba to? Baka naman namimiss mo lang ate mo." sabi ni Vice. 

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon