"Magkamukha kayo, medyo." sabi ni Vice kay Karylle at Vickie habang nakatambay sila sa may sala and nagpplan kung paano ididivide ang weekly budget nila. Nagkatinginan naman ang dalawang babae pati na din ang ibang housemates ay kinompare naman ang dalawa. Umiling lang si Karylle. "Hindi kaya, ang ganda niya kaya." sabi nito kay Vice.
Napailing din si Vice na nakikipagtalo pa sa kaibigan. "E, magkamukha nga kayo, di ko naman sinabing pangit siya!!" sabi ni Vice. "Ang tangos kaya nung ilong niya o, grabe." sagot naman ni Karylle kaya na sakanila na talagang dalawa ang attention ng lahat. "Sinabi ko bang pango, Karylle?" sabi ni Vice kaya natawa ang lahat pero hindi pa rin nagpatalo si Karylle at sumagot, "Paano nga kami magiging magkamuka e, ang ganda ganda ni Vim!" sabi ni Karylle.
"Maganda ka din kaya!!" sabi ni Vice. Natahimik naman ang lahat kaya hindi na rin nakasagot si Karylle. "Ayooon!" sigaw ni Loisa. "Maganda naman talaga si Karylle." sabi ni Vice nang marealize na tutuksuhin na naman sila ng mga kasama. "Syempre, bakla ako naappreciate ko 'yung mga ganyang ganda." sabi ni Vice. "Bakit ka nageexplain?" tanong ni Alex na
"Maganda talaga si Ate K... di ba Fourth?" sabi naman ni Vickie at siniko ang katabing si Fourth. "Namumula ka!" pansin naman ni Michele kay Fourth kaya siya naman ang kinantyawan ng mga kasama. "Ate K, pogi ba si Kuya Fourth?" tanong ni Maris. "Ha? Oo.. oo naman." sabi ni Karylle. "Yes naman!" sabi ni Fifth at binato ng pillow ang kapatid.
"Luh, Karylle... ako kaya unang nakapansin na maganda ka." sabi ni Vice out of nowhere at kinurot sa tagiliran si Karylle na katabi niya. "May sinabi ba kong pangalawa ka?" sagot ni Karylle kay Vice kaya natahimik si Vice at kunwari ay napikon. Tinuloy na nila ang pagshopping gamit ang kanilang weekly budget pero hindi pa rin kinikibo ni Vice si Karylle.
* * * *
"Nagalit talaga si Kuya Vice?" tanong ni Nichole. Kasabay ng teen girls si Karylle kumain ng lunch dahil ayaw pang kumain nang iba. "Ewan ko nga eh, di ako pinapansin eh. Weird nga e, biglang napikon." sabi ni Karylle. "Nagseselos lang 'yon, Ate K." biro ni Maris. "Kayo talaga push na push!" sabi ni Karylle.
"Sa labas din naman Ate K, palagi kayong tinutukso di ba?" tanong ni Nichole kay Karylle. "Oo lalo sa Showtime, sa Sine Mo "To." sagot naman ni Karylle na natatawa nalang kesa maawkward sa situation. "Okay lang sainyo?" Maris asked. "Okay lang, para lang naman 'yan Vhong and Anne or minsan kami naman ni Jhong pinapair nila. Si Ryan at Coleen, okay lang." sabi ni Karylle. "Sila nga ni Jhong di ba tinutukso din madalas." dagdag pa ni Karylle.
"Pero iba yung sainyo di ba?" tanong ni Loisa. Hindi naman nagets ni Karylle ang tanong ni Loisa kaya nagsalita ulit ito. "Parang hindi siya talaga pinush parang lumabas nalang kung saan." sabi ni Loisa. "Parang ganoon..." sabi ni Karylle. "ni minsan hindi nagkasomething?" tanong ni Maris at halos mabuga naman ni K ang C2 na iniinom sa tanong na 'yon. "Paanong something?" singit ni Nichole.
"May boyfriend kami pareho simula palang ng loveteam namin, kayo talaga." depensa nalang ni Karylle. "Eh paano yan, wala na siyang boyfriend ngayon?" tanong ni Loisa. "May asawa na si Ate K eh, ehhh sayang!" sabi ni Maris. "Luh, anong sayang..." natatawang sabi ni Karylle. "15, 16 palang kayo kung ano ano tinatanong niyo nakakaloka kayo." sabi ni Karylle.
"Ate K, paano kung pareho kayong single tapos walang problema tapos manliligaw si Kuya Vice, pwede?" tanong ni Loisa. "Pwede naman siguro..." sagot ni Karylle. "Pero mahirap kasing imaginine, kaibigan ko siya tapos kasama ko pa sa work, hirap ng ganon di ba?" Karylle added.
* * * *
"May papanood ako sayo." sabi ni Kuya ng ipatawag niya si Vice sa confession rooom. Nagbukas naman ang TV sa confession room at napanood ni Vice ang recorded clips niya sa bahay. Una ang biruan nila sa garden area after siyang pagbuhatin ng dumbbells nila Alex at tinanggal niya ang lapel niya kaya nung nagsalita siya ay walang lapel. Pangalawang clip ang pagbulong niya sa tenga ni Karylle ng nasa sala sila nung isang araw. Pinakita rin ang pagdeadma ni Vice sa wake up call ng dalawang beses. At huli naman ang biruan nila nina Maris at Loisa at sa kakahabol sa mga ito ay inusad ni Vice ang sofa sa may sala para icorner ang mga kalaro.