11: #PBBPersonalAlalay

9.1K 244 38
                                    

"Papayag ako sa isang kundisyon..." sabi ni Kuya kaya napasandal si Karylle at napatakip ng mukha. "Ano po 'yon?" mahinang tanong niya kay Kuya. "Ikaw ang magiging personal alalay ni Vice ngayong hindi muna siya makakakilos." sabi ni Kuya.

Napahinga naman ng maliwag si Karylle, at least di niya kailangang magbuhat ng kung ako o matulog sa sala para makuha ang hinihiling para sa mga kasama. "Opo, Kuya... I accept." Karylle said smiling. 

"Basta for everyone, Kuya... yung mga gamot ha!" sabi pa ni Karylle. "Ipapatawag nalang kita ulit mamaya para kunin sa storage room ang mga hiniling mo." 

* * * *

"Bakit ganyan suot mo?" tanong ni Jayme kay Karylle pagkalabas niya ng banyo after manggaling sa confession room. "Alalay daw ako eh..." sabi ni Karylle.

"Woah..." sabi naman ni Loisa ng makita din ang suot na damit pangkatulong ni Karylle. "Anyare?" tanong ni Vickie kay Fourth na nagshrug lang. "Si Vice?" tanong ni Karylle. Nakita naman niya na nasa malapit lang si Vice na natutulog kaya umupo nalang siya sa tabi nina Fifth. "Kailangan ko daw alagaan si Vice kapalit ng gamot sa sakit ng katawan niyo." sabi pa ni Karylle.

"Eh bakit si Vice lang?" tanong ni Fourth na parang nagseselos ang boses kaya niloko siya ng mga kasama. "Eh bakit ka nagseselos?" tanong ni Fifth sa kakambal at tinawanan. "Ako nalang magaalaga sayo, crushie." sabi ni Alex kaya inirapan siya ni Michele na crush din si Fourth. "Para kayong baliw.." sabi nalang ni Karylle.

Nagising naman si Vice sa lakas ng tawanan nila dahil as usual ay hiyang hiya si Fourth sa mga kantyaw ng mga kasama about sa pagkakaroon niya ng crush kay Karylle. Hindi agad siya napansin ng mga kasama dahil busy ito sa kanilang topic hanggang sa makita niya ang suot ni Karylle kaya natawa siya at napailing nalang dahil bagay pa din kay Karylle ang suot niyang uniform. "Bakit nandito si Maya?" tanong ni Vice kaya napalingon sila rito.

"Eh sino si Sir Chief?" sabi naman ni Vickie. "Ede si Kuya Vice..." sabi ni Joshua kaya nagtawanan sila. "Bakit ako?" tanong ni Vice pero deep inside ay natutuwa din naman at napasmirk dahil kanina lang ay si Fourth and Karylle ang tinutukso, ngayon ay sila na ulit. "Eh sino si Kuya Fourth?" tanong naman ni Loisa at siniko pa ang katabi niyang si Fourth.

"Kayo para kayong sira..." sabi ni Karylle. "Vice, masakit pa balikat mo?" tanong ni Karylle and turned to Vice. Nagpout naman si Vice at tumango. "Magrest ka muna daw, bawal ka muna sumali sa tasks." sabi ni Karylle. "Eh ano munang trip mo sa suot mo?" Vice asked and pinipigilan matawa sa suot ni Karylle.

"Ako daw alalay mo." mahinang sabi ni Karylle. Napataas naman ang kilay ni Vice and nangiti. "Talaga ba?" sabi ni Vice and nagsimulang maglakad papunta sa kitchen dahil nauhaw ito. "In fairness, bagay sayo 'yang uniform... alam mo na kapag ayaw mo na magartista... sakin pwede kang magapply." sabi ni Vice and kumindat before grabbing a bottle ng C2. "Ayokong magapply sa'yo... umaga ka na umuuwi." sabi ni Karylle na natatawa at inagaw kay Vice ang C2 at inopen ito para sakanya. "At talagang pinandigan mo ang pagiging PA ko ha, kayanin mo ha." sabi nito and nagsmirk kaya inirapan lang siya ng kaibigan.

* * * *

"Hindi nga pwede." sabi ni Karylle dahil ang kulit kulit ni Vice at gusto talaga nito na magtake ng turn sa pagtira. "K, ang unfair... napapagod na din naman sila eh." sabi ni Vice pero hindi nakikinig ang kausap niya. "Eh lalala nga daw yung likod mo pag yan nasprain saka sayang naman yung effort ko oh!" sabi ni Karylle.

"Sige na nga dito nalang ako sa tabi mo.. paganyang effect ka pa gusto mo lang naman akong maalagaan.." sabi ni Vice. "Nagmadali ka lang eh!" dagdag pa nito and smirked. Narinig ito ni Karylle pero hindi niya nagets... "Ano yon?" tanong nito. Umiling si Vice na nakangiti kaya mas nacurious si Karylle. "Saan ako nagmadali?" tanong ni Karylle.

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon