4: #PBBPogiAndKurba

11.1K 242 12
                                    

Naweirduhan man si Vice and Karylle sa kilos ng housemates ay pumwesto na rin sila sa kama at nagattempt na matulog. Maya maya pa ay nagdim na ang ilaw sa kwarto. "Goodnight, Vice." sabi ni Karylle facing the side na opposite kay Vice. Si Vice naman ay nakatingala sa kisame at hindi alam ang gagawin para makatulog. Kahit na anong gawin niya ay hindi siya makatulog, tiningnan niya ang ibang housemates at nakita na tulog na ang mga ito, si Alex nga ay medyo nakanganga pa. 

Si Karylle naman ay nakapikit at motionless kaya tinry ni Vice na wag gumawa ng noise or ng extra movements para hindi magising ang kaibigan. He played with his fingers at sinubukang magbilang ng tupa pero hindi talaga siya inaantok. "Grrrrr." sabi ni Vice out of frustration. Bigla namang gumalaw si Karylle sa tabi niya at medyo umayos ng higa para matingnan si Vice. 

"Sorry." sabi ni Vice. "Hindi naman ako tulog eh, namamahay yata ako." sabi ni Karylle and ibinaba ng konti ang comforter na nakabalot sakanya ngayon. "Ede okay pala may karamay ako." sabi ni Vice. "Iniisip mo?" tanong ni Karylle sakanya ng mapansin na hindi mapakali ang kaibigan. "Wala naman. Nagbibilang ako ng lumilipad na tupa kanina bago kita magising pang-27 na tupa tapos may isang tupa na nagovertake kaya nawala ako sa pagbibilang kaya nawala yung antok ko." sabi ni Vice kaya hinampas siya ni Karylle playfully dahil sa pagiging silly nito. 

"Ano ba usually ginagawa mo pampatulog sa labas?" sabi ni Karylle. Umiling naman si Vice and said, "Wala, minsan nakakatulog na lang ako sa sobrang pagod or dahil nakainom." Vice said slightly laughing. "So kailangan pala nating magtakas ng alak dito... pero okay 'to, baka paglabas natin maayos mo na 'yung body clock mo para di ka na late sa showtime." Karylle said in a soft voice dahil ayaw naman nilang magising ang ibang housemates. 

"Para namang isang taon tayo dito, Karylle." sabi ni Vice. "Maiba ko, anong drama 'yung kanina?" tanong ni Vice sakanya recalling 'yung bedroom moment ni Karylle magisa. "Alin?" Karylle asked na hindi magets ang tinutukoy ni Vice. "Naabutan kita dito, para kang umiyak." he asked.

"Ahh ayun ba?" Karylle replied at inayos ulit ang pagkakahiga niya na parang nagreerady sa isang mahabang kwento. "Di ba tinawag ako sa confession room?" she said and Vice replied with a nod. "Pinamili kasi ako, pwede na daw akong lumabas pero may condition... maiiwan ka daw. Eh, napraning lang ako kasi gusto ko talaga lumabas." sabi ni Karylle. 

"So lalabas ka nga?" sabi ni Vice na napakunot ang noo sa nalaman pero umiling si Karylle. "Syempre sabi ko stay ako kung maiiwan ka lang din 'no." Karylle stated kaya naman nakahinga ng maluwag si Vice and somehow, natouch talaga siya. "Maiintindihan ko kung iiwan mo ko dito, I know how excited you are sa pinapaayos niyang bahay ni Yael." Vice said. "Pero once in a lifetime experience lang 'to at saka hindi nga kita pwede iwan, sabay nating pinasok 'to. Kailangan sabay tayong lumabas." 

Napansin naman ni Karylle na natahimik si Vice, "Inaantok ka na?" tanong ni Karylle. "Nagiisip lang pilitin na nating matulog, K." sabi ni Vice. "Ano kaya mangyayari bukas?" Karylle asked and closed her eyes. "Good night, K." Vice said and leaned towards Karylle na parang nakasandal siya sa ulo ng kaibigan.  

*  *  *  * 

Gitna ng tabang at tamis

Saya’t hinagpis na hinahanap-hanap

Binabalik-balikan, inaasam-asam

Bawat hudyat ng lambing

Buka ng bibig, sayo’y hinihintay

Naghahandang lumipad, naghahandang bumitaw

Ginising ang housemates sa bahay ni Kuya ng isang pamilyar na kanta. Kasabay nito ang pagbukas ng ilaw sa kwarto nila. Nagising naman ang mga housemates at bumangon na bukod kay Karylle at Vice na medyo nalate na nga ng tulog kagabi. Though, naririnig ni Karylle ang kanta ni Yael, sobra pa siyang inaanto. Si Vice naman ay walang kaalam alam sa nangyayari dahil nga tulog pa ito ng ganitong oras. 

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon