8: #PBBMamboBOLA

9.2K 238 36
                                    

Ginising sila the next day ng tunog na parang nanggagaling sa isang basketball game. Pagkarinig palang ay dumilat na si Vice dahil dagdagan pa ni Kuya ang parusa niya kapag di na naman bumangon sa wake up call. Di naman siya makatayo dahil nakatali pa rin siya sa folding bed na hinigaan niya. Tiningnan lang niya si Karylle na nakaharap na sakanya ngayon at slightly nakanganga pa. 

After another minute patuloy pa din sa pagtugtog ang wake up call saka pa lang nagising si Karylle. Pagdilat niya mukha agad ni Vice na nakatitig sakanya ang nakita niya kaya napapikit ulit siya na parang nasilaw sa ilaw. "Good morning." sabi sakanya ni Vice. "Di ba ganda ng bungad ng linggong 'to sayo, kagandahan ko agad ang sumilaw sayo." sabi ni Vice na natatawa. Tumango naman si Karylle and tumayo. "Kwento mo sakin pagkatoothbrush mo." sabi ni Karylle and tumayo na at iniwan si Vice na nakahiga doon sa sala. 

"Hoy!! Paano ako tatayo?" sigaw ni Vice kay Karylle na papuntang kusina. "Napakabait mo talaga, Ana Karylle!" sigaw pa ulit ni Vice kaya natatawa si Karylle pero pinipigil niya dahil nag-gagalit galitan din siya. "Sakang!" sigaw ni Vice. "Maganda naman!" sabi ni Karylle na parang nagmumumog or something kaya hindi maintindihan ni Vice. 

"O my gosh, K!! Nagtotoothbrush ka ba? Bakit ka nakokonsyus? Nadedevelop ka na ba?" sigaw naman ni Vice. Hindi pa lumalabas ang housemates kaya naman silang dalawa lang ang nagkakarinigan. Hindi sumagot si Karylle pero maya maya lang ay bumalik na siya sa sala na nagpupunas pa ng bibig. "Hopia pa, Vice." sabi ni Karylle and inoffer na ang kamay niya kay Vice para makabangon ito. 

"Eh bakit mo ko tinabihan dito? Siguro ayaw mong di ako katabi no! Nako sinasabi ko sayo dapat lumabas ka na eh, mafafall ka talaga sakin, nakakatibo kaya ang ganda ko." Napanganga nalang si Karylle at umupo ulit sa folding bed niya habang hindi alam kung matatawa ba or ano sa joke ni Vice. "Nakakaawa ka naman kasi dito eh, pag nakakita ka ng multo paano ka tatayo?" sabi ni Karylle at umirap si Vice. "Pero sa dami ng salamin sa sala baka kahit walang multo, matakot ka." dagdag pa ni Karylle. 

"Tulungan mo na ko tumayo please, di ko na maramdaman ung binti ko, Karylle." sabi ni Vice nang magsink in ang sakit ng katawan niya sa parusa na ito. Inoffer na ni Karylle ang kamay niya at hinila si Vice patayo pero dahil na din mahina ang binti ni Vice sa sobrang pamamanhid naout of balance sila and napahiga ulit si Vice at napadagan si Karylle. 

"Aray ko po!" sigaw ni Vice ng tumama ang balakang niya sa folding bed. "Itukod mo kasi yang paa mo agad para makatayo ka." sermon nito na di pa din umaalis sa pagkakapatong kay Vice. "Tayo na dyan mukha na tayong bida sa teleserye dito." sabi ni Vice na iniinda pa din ang balakang niya. "Uy gusto ko talagang makapair sa teleserye." K said na hindi pa din tumatayo sa posisyon nila ni Vice ngayon. 

"Oo ako si Kim at ikaw si Coco Martin." Vice said. Babangon na sana si Karylle ng yakapin siya ni Vice. "Tulog ulit tayo para maparusahan ka din." sabi niya pero hinampas lang sa tagliran ni Karylle dahil hindi na ito makahinga sa pagkakasubsob sa dibdib ni Vice. "Double deck na bababuhat sayo ni Kuya!" sabi ni K ng makaalis sa yakap ni Vice. 

*  *  *  * 

"Anong natutunan mo?" sabi ni Kuya na finally ay pinatanggal na kay Vice ang buhat niyang folding bed. "Huwag na wag magpapatulong kay Karylle sa pagbangon." natatawang sagot ni Vice. "Joke lang, Kuya... susunod na po ako, promise. All In na ko kaso yung balakang ko all in din po ang sakit." reklamo ni Vice at hinimas ang part na tumama. Ipinacheck naman sa doctor ang balakang ni Vice bago siya muling kausapin ni Kuya. 

"Anong naramdaman mo nung tabihan ka ni Karylle kagabi?" tanong ni Kuya. "Halata naman po kagabi na hindi siya makatulog sa sobrang tigas na rin siguro ng folding bed saka medyo malamig po talaga sa sala kaya naappreciate ko talaga 'yung effort niya." sabi ni Vice. "Okay na ba kayo?" tanong ni Kuya kaya napangiti si Vice nang maalala na hindi nga pala sila okay kahapon. 

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon