Chapter 3:Official Girlfriend

20 8 0
                                    

Chapter 3:Official Girlfriend

(Play~"You're Beautiful" by:BTS in the multimedia)

Cindy POV

"This is it!"Sigaw ko habang nakahiga sa kama.

Nae-excite na akong pumaaok kasabay si Aiz!Hays.Sa sobrang excited ko ang aga ko ng gumising.

Bumangon na ako para maghanda ng kakainin namin ng boyfriend ko buti na lang rin at hindi na ako naligaw.Kabisado ko na rin papuntang kusina.At buti na lang rin wala pa dito ang mama at ate nya kundi aawayin na naman ako ng dalawang iyon.

Habang nagluluto ng itlog at bacon may bigpang yumakap sa akin.Syempre nagulat ako.

"Mukhang masarap iyan,ah."Malambing na sabi ni Aiz sa tenga ko.

"Uy!Nakikiliti ako."Pabebeng ani ko sa kanya.Sana walang nakakakita sa amin dito ngayon.

"Pero mas masarap ka siguro,babe?"Inihipan pa ang tenga ko.Loko talaga itong lalaking ito.

"Oh.My!Ano ba yan ang aga-aga naglapampungan kayo dyan!Bilisan mo!Nagugutom na rin ako at aalis pa ako papuntang company namin!"Para naman akong nag yelo ng biglang sumigaw sa likod namin yung mommy ni Aiz.

"Ma!Naman nanggugulat ka!"Asar na sabi ni Aiz at bumitaw ng yakap sa akin.

"Tse!ewan ko ba kung bakit patay na patay ka dyan!"Hirit pa ng kontrabida sa buhay namin sabay alis at pumunta ng lamesa.

"Sige na babe!Ako na bahala rito."Paalam ko sa kanya.

Aiz POV

"Ma!Bakit ka ba ganyan kayo Cind?Baka alam mo na,biglang~"Naputol ang sasabihin  ko na bigla na lang syang magsalita.

"Paano ako hindi maiinis,eh ang pangit pangit."Nanggigigil na giit nito sa akin sabay higop ng kape nya.

"Mabait naman yun kahit papaano."Pagsuporta ko pa sa gf ko.

"Hay!Ewan!Naalibadbaran ako sa pagmumukha nun!Hindi ko lang talaga matiis na mainis sa kanya."Sabi pa nito at nagpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo nya.

Hanggang sa dumating na rin si Cindy na may dalang pagkain.

"May mga katulong naman dito!Hindi mo naman kailangang gawin iyan."Ani ko sabay hawak sa kanya sa kamay.

"Ok lang."Umupo na rin sya sa tabi ko at kumain na kami.

Habang kumakain hindi ko maiwasang mainis kay mama dahil ang sama-sama ng titig kay Cindy.Siguro kung nakakasama lang ang titig tigok na itong gf ko.

Pagkatapos kumain ay nagbihis na ako at sabay na nga kaming pumasok ni Cindy.

Ewan ko ba kung kilig tawag dito.Kasi naman nae-excite akong pumasok kasama sya.At wala rin naman akong pakielam sa mga sasabihin ng mga estudyante sa amin.

Basta ang alam ko gf ko sya at wala ng makakapigil sa amin.

Cindy POV

Habang naglalakad kami ni Aiz ng magkasabay ang daming mata ang nakatitig sa amin.May mga kinikilig,may nabibwiset at may mga nagbubulungan.

Pero feel na feel ko talaga yung hawak kamay namin ni Aiz habang naglalakad.Para akong nasa heaven.

Saka iniimagine ko rin na ako iyong DYOS at MAGANDANG prinsesa at kasama ko naman ngayon ang bofriend kong prinsipe.Tapos yung mga itsureng mga nakapaligid sa amin mga hayop sa zoo at mga puno o kaya naman mga halaman sila.

O diba ang ganda ng imagination ko.

"My Ghad ang gwapo ni Aizhen!"

"Sino naman iyang pangit na kasama nya?"

"Siguro yaya nya iyan!"

"Ang bait naman ng katulong nila pati rito sa school sinasamahan sya."

"Hays!Nakakamatay yung mga titig ni Aizhen noh!"

Hindi ko lang matuloy-tuloy ng maayos yung panaginip ko dahil sa mga nakakainis na bulungan ng mga estudyante sa amin rito.Sana hindi na lang sila nagbulungan kung ang lakas-lakas.

"Babe!Hatid na kita sa classroom nyo,ah!"Isa rin ito.Hindi nya ba alam ang salitang hina.Ang lakas lakas ng boses.

"Uy!Ano ka ba!Kahit hindi na."Pero deep inside gusto rin.

"Dali na,para malaman rin nila na gf talaga kita."Kunyari di ako kinilig.

"Yie,kinilig sya!"Tapos hinawakan pa nya ang dalawa kong pisnge.

"Luh!Hindi,ah!"Pagkukunyari ko sa sinabi nya.

"Anong hindi?Eh ang pula-pula na ng cheeks mo,oh!"Ayts?halata ba?Nakakahiya.

Pero mas lalo akong nahiya sa mga taong nakatingin sa amin rito.

"PDA ang dalawang mag-yaya."Napasama naman ang titig ko sa sinabi ng isang bakla na dumaan.Kainis naman yun.Mas mukha naman syang yaya sa akin.

"Halika ka na nga."Sabi ko sabay hila sa kanya.

Hinatid nga ako ng loko at pag-alis ay may pahabol na kiss pa sa pisnge ko.

"Babye!See you later!Sabay tayo mag-lunch,ah.Pupuntahan kita dito!"At yun nga ang sinabi nya at kiniss pa ako sa cheeks.Kaya naman pagharap ko sa mga classmates ko ang mga babae sa amin ay ang sasama ng titig sa akin.

"Hey!Balyenang Bruha!Kaano-ano mo si Aizhen KO!"Aba at kinapslock pa ang salitang ko.Umaariba rin si ateh,ah!

Iyan si Georgia.Ang pinakafeeler at human coloring book dito sa campus.Akala mo naman ang ganda-ganda mas maganda pa naman si Bianca kesa sa kanya.

Sasagot na sana ako sa maganda nyang tanong nang... "Girlfriend ko sya!"Nagulat naman ako ng biglang dumungaw si Aiz sa bintana.Akala ko ba umalis na ito?

"At Official na kami!*wink"at kumindat pa bago umalis?Yung totoo?Sinaniban ba itong lalaking ito?

"Oh.My.God."Gulat na wika ni Georgia sa sinabi nito.Ano kayo ngayon?Official na kami ng BABE KO.Oh.Hindi sila makapaniwala?

Mas lalo tuloy napasama angbtitig sa akin ng nga baba kong classmates.

Iisipin kong ordinary day lang ito.

Beauty Since Birth #TAA2018 #SunflowerAwards2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon