Chapter 5:Saving Ms.Ugly

14 7 1
                                    

Chapter 5:Saving Ms.Ugly

Cindy POV

Kanina pa kami naglalakad nitong lalaking hindi ko alam kung anong pangalan at hindi ko kilala.Hindi ko nga rin alam kung saan kami pupunta ngayon.Hindi naman ako makatakbo papalayo sa kanya dahil ang higpit ng pagkakahawak nito sa akin.

"Uhmn.Excuse me,saan po ba tayo pupunta?"Nagtatakang tanong ko rito sa lalaki.Sa wakas nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tanungin sya.Kasi maski ako ay takot sa kanya.Ang mysterious kasi ng itsura nya.Kahit hindi ko makita ang mukha nya mukhang ang cold at pa-gangster itong si kyah.

Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.Ano bang gagawin sa akin ng lalaking ito!Ra-rape-in nya ba ako?

Akala ko ay hindi pa kami titigil sa paglalakad pero sa wakas huminto na rin kami.Saka ko lang napagtanto na nandito pala kami sa likod ng school.Malapit sa fish pond dito.

Ano naman kaya ang gagawin namin rito?

"Umupo ka muna dyaan at hintayin ako."Malamig nyang sabi sabay lagay ng hood sa ulo.

Yung totoo?May sakit ba itong lalaking ito.Balot na balot kasi ang buo nyang katawan,hindi ba sya naiinitan?

Naghintay ako ng kaunti ng dumating na rin sya na may mga dalang pagkain.

"Infairness,ah!Ang dami mong dalang pagkain."Patawa-tawa kong sabi sa kanya.

Lumapit lang sya sa tabi ko at inilagay ang mga pagkain sa lapag.Puro lang naman mga chicherya at can drinks.

"Alam kong hindi ka pa kumakain"huh?paano nya nalaman?Kanina pa ba sya nagmamasid sa akin sa labas ng room namin?

"Teka?Stalker ba kita?"Taka kong tanong sa kanya.Alam kong hindi ako kagandahan pero malay mo lang,diba?Assuming na kung assuming.

"Hindi."Tipid nyang sagot sabay kain ng pringles.

"Bakit mo ba ako tinulungan?"Tanong ko sa kanya.Infairness,ah!Ang bango ng kyah na ito.Hindi ako malandi naamoy ko lang talaga nung tumabi ako sa kanya.

"Trip ko lang."Nanlaki naman ang mata ko sa kanya.

"Huh?Trip mo lang?Loko ka ba."Gulat na tanong ko at natameme naman ako ng makita kong tumingin sya sa direksyon ko.Hindi ko alam kung nakatingin takaga sa akin nakasalamin kasi.

"Tsk."Huh?Ano daw?May narinig kayo?Wala akong narinig sa sinagot nya.

"Ang init noh.Hindi ka ba naiinitan?"Tanong ko para hindi maging awkward yung atmosphere namin rin dito.

"No."Maikling sagot nito.Pero ang gwapo ng boses nya.Share ko lang.

Hindi ko na lang sya kinausap.Siguro hindi ito marunong magsalita ng mahaba.

Kumain lang kami ng kumain at hindi ko na namalayan na kanina pa pala tapos ang oras ng lunch namin.

Luh!Late na ako!

Bigla na lang akong tumayo kaya naman bigla syang nagulat."Oh?Saan ka pupunta?"Tanong nya sa akin.

"Babalik na ako ng room!"Dinuro ko pa yung sunglasses nya na mukhang mamahalin ata.

"Ihahatid na kita sa classroom mo."Ani nya.Huh?anong akala aa akin nito?Baby.Over protective naman sa akin ito.

"No need."Oh.diba kabog ang lola nyo,napa-english tuloy ako ng di oras.

Pero mapilit parin ang loko at sinamahan talaga ako papuntang room namin.

Naglakad lang kami na walang usap-usap ka.Nagkakahiyaan pa ata.

"Sige dito na lang.Salamat."Pagpapaalam ko sa kanya pero agad lang itong tumalikod at naglakad na lang.

Teka!Hindi ko pa natatanong sa kanya yung pangalan,grade and section nya.Sayang naman mukha pa naman syang gwapo.Pero mas gwapo parin si Babe ko.

Teka.Oo nga pala si Aiz,nasaan kaya iyon nagpunta?

Sabi nya sabay daw kaming mag-lunch pero hindi naman sya sumipot.

Beauty Since Birth #TAA2018 #SunflowerAwards2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon