Chapter 10:Over Confidence

16 6 0
                                    

Chapter 10:Over Confidence

Cindy POV

"Hoy!Cind!Lutang ka na naman dyan!"Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni Bianca sa balikat.

"Sorry may iniisip lang."Sabay iwas ulit ng tingin sa kanya.

Ang totoo nyan kanina pa talaga ako tulala dito sa upuan ko.Kaya naman yung mga teacher namin ay nagagalit na sa akin dahil hindi daw ako makasagot sa mga tanong nila at lutang nga daw ako.

Ang dami kong iniisip ngayong araw.Una ang pag-alala kay Taffy baka kawawa na iyon sa bahay.Pangalawa iyong pagbabalik ni Margoth.Si Margoth ang pinakasikat at ang queen bee rito sa campus at ang mas malala pa ay ex girlfriend sya ni Aiz.Pangatlo yung itsura ni Aiz kanina nung binuksan iyong topic tungkol kay Margoth,hindi ko alam kung nalulungkot sya or na-eexcite sa pagdating ng isa pang hadlang sa aming dalawa.At ang pang-apat ay yung pagsali ko sa beauty contest.

Oh,diba?Sasabog na ata ang utak ko.

~*~

Pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan na namin ni Bianca na pumunta sa open stage para mag-audition sa gaganaping contest.

Nagdadalawang isip man ay isinawalang bahala ko na lang iyon at hindi na pinansin.

Desidido na ako.Bahala sila kung ano ang isipin nila.

Pagdating namin ay makikita na agd ang dagsaan ng mga kakabihan ritoat syempre pati ang mga lalaki.20 Candidates lang ang slot para sa girls and ganun rin sa boys.Makakapasok kaya ako?

Nakita ko ang pangalan ko sa listahan at agad na akong pumila kasama ang mga ibang estudyante na babae.

"Oh My.Kasali pala itong balyenang ito?Hindi ba sya nahiya?"

"Wahahaha good luck na lang sa kanya."

"Sana naman may kaunting hiya man lang sya sa katawan nya."

"Kaya nga!Akala mo naman ang ganda-ganda."

"Hindi sya karapat-dapat sa mga ganitong contest mga girls."

Hindi ko na kang pinansin ang mga pinagsasabi nila at tumingin lang ng diretso.Then chin up.

Cindy.Huwag kang magpapaepekto sa mga sinasabi nila.Basta ang isipin mo ay manalo ka at tanghalin bilang Ms.LSU.

"Isa pang bulong tanggal iyang mga ngipin nyo na nakakabit sa malalaking nyong bunganga."Narinig kong banta ni Bianca sa kanila.

Oo nga pala kasama ko sya ngayon at napangiwi na lang ako sa sinabi nya.

Kahit na maganda itong bessy ko ay may pagka-war freak at amazona rin ito minsan kaya nga yung mga iba nyang manliligaw natatakot na sa kanya.Paano ba naman bibigayn lang sya ng bulaklak at lalapit lang sa kanya tinatarayan na agad nito.Kaya ang ending yakot sila sa kanya.

Hinintay ko pa ang ilang oras at sa wakas ay ako na ang susunod na rarampa.

Paglabas ko sa kurtina ay wala man lang ngiti ang sumalubong sa akin except sa hiyaw ni Bianca sa isang tabi.

"Wooo!Bestfriend ko iyan!"Sigaw nya at napangiti lang ako sa kanya.Nagtatatalon pa ang bruha.

Nagtuloy-tuloy lang ako kahit na nakikita ko sa mga tingin ng nga ibang Student Council na nandidiri sila sa akin.

"Good Day Everyone,I'm Cindy Maeve Villegas,17 years of age and I believe in saying that "What is Beauty if your brain is empty.Thank You."At ganoon parin.Si Bianca lang ang nag-cheer at pumalakpak.

Pagkatapos kong magpakitang gilas ay tumabi na ako sa upuan ni Bianca.

Ang sumunod na rumampa ay si...Georgia?Kasali sya?Akala ko ba bawal sumali ang mga SC sa mga ganitong patimpalak.

Beauty Since Birth #TAA2018 #SunflowerAwards2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon