Chapter 7:Stealing My First Kiss
Cindy POV
Pagmulat ng mga mata ko nakita ko na agad ang ma-gwapong mukha ng bf ko.
Sabi ko na nga ba maliligtas ako nitong Knight and Shining Armor ko.
"Babe,Sorry."Pagmamakaawa nya agad ang narinig ko sa bunganga nya.
"Ssshhh."Sabay hawak sa bibig nya.Ngumiti ako sa kanya at binigkas ang Ok lang pero walang boses.
Hindi nya naman iyon kasalanan.Kasalanan iyon ng mama at ate nya.
Nasa kwarto na pala ako.
Ano na kayang nangyari dun sa mama at ate nya baka galit na galit na sa akin iyon.Hindi ko pa kasi nalilinis yung bodega nakatulog kasi ako.
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Aiz.
"Oh?Saan ka pupunta?"Nagtataka nyang tanong sa akin.
"Pupuntahan ko yung bodega hindi ko pa kasi tapos linisin iyon."Hindi ko tuloy maiwasang mag-panic baka kasi mas lalong mag-init ang ulo sa akin ng mama at ate nya.
"Ano ka ba?Huwag mo na ngang isipin iyon.Saka pinagalitan ko na si mama at ate sahil sa ginawa nila sayo."Napalaki naman ang mulat ng mata ko dahil sa sinabi nya.
"Ano?Baka magalit sa akin lalo ang mga iyon."Halos mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.
"Ssshhh,wag ka na ngang mangamba pabayaan mo na sila.Saka sorry talaga dahil hindi kita napagtanggol kanina."Nakita ko naman sa mga mata nya ang pagka-sincere nito.
Hays,ang sweet talaga nitong bf ko na soon to be husband ko na rin.
Nabigla naman ako ng matumba kami parehas sa higaan dahil sa pag-unbalance ko sa pagtayo kanina.
Nasa itaas ko sya at ang bigat nya.Seriously?Dapat baliktad. Ano ba itong scene na ito.
Dug.Dug.Dug.Kinakabahan ba ako?My Gosh!
Bakit ako kinakabahan?Ano na ba ang nangyayari sa earth ngayon?May magaganap ba?
Malapit na ang labi namin sa isa't isa and unting usod na lang nya mahahalikan nya na ako.
And this is my first time.Oo!First time ko at pag nagkataon sya ang First Kiss ko.
Ang sabi nya kasi hindi nya daw akong pwedeng halikan sa labi tanda ng respeto nya sa akin.
Oh!Diba ang bait nya.
Saka ok lang naman iyon.Naiintindihan ko naman sya.Para sa akin mas maganda nga iyon ang first kiss namin ay sa kasal na.
Yung tipong yung pare ang magsasabi na..."You may kiss the bride."Oh,diba?Mas romantic iyon.Hindi na nakakahiyang magkiss dahil kasala namin kahit na nasa public na lugar pa kami.
Pero ngayon?Mukhang yung romantic scene na naiisip ko mabubura na kasi maaga kaming mag-kikiss nitong bf ko.For real kaya naman pumikit na ako wala na echos,echos.Mahahalikan na ako ng jowa ko.
"Ehem?"Nagulat ako ng may narinig akong boses.
Tsk.Kailangan pa ba iyan?Hindi na lang niluwa yung plema?
Baka naman kailangan pa ng tao na ito na ako ang pumukpok sa likod nya para matanggal iyang plema nya.
Napatingin kami ng sabay ni Aiz sa direksyon ng pinto at nakita namin roon si ate Ella.
Nagulat kami parehas kaya naman napahiga ako ng maayos sa higaan at si Aiz naman ay napatayo ng tuwid.
Sayang!Halik na naging bato pa!Epal talaga.
BINABASA MO ANG
Beauty Since Birth #TAA2018 #SunflowerAwards2k18
Teen FictionHighest Rank:#12 I am Cindy Maeve Villegas and my motto is....... "My silence is not my weakness but the beginning of my sweet revenge." That's all Thank You. üPrince Present:"Beauty Since Birth/BSB" Credits to the wonderful book cover:@CharmingTan