Chapter 4:Beast in Trouble
Cindy POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makamove-on sa sinabi ni Aiz kanina.At alam kong hindi lang din ako nag-iisa.
Pati itong mga mahahaderang classmates ko lalo na sila Georgia na feeling nila sa kanila si Aiz.Tsk.manigas sila dyan.
"My Gahd Bess ang sweet ni Aiz!"Kinikilig na wika ni Bianca with matching hampas pa sa braso ko."Patay na patay talaga sa iyo yun."Syempre ako pa.Sa ganda kong ito.
"Ano ba pinakain mo?Masubukan nga."Ayon?Loko rin itong isang ito,eh.Kung hindi ko lang sya bff masasabunutan ko ito.
Pagkatapos kong ichika sa kanya yung mga naganap sa bahay nila halos hindi sya makapaniwala sa mga narinig sa akin.Akala mo kung maka-react sya yung na-agrabyado.
Kinuwento ko rin kasi sa kanya yung mga ginagawa sa akin ng ate at mama ni Aiz.
"Ang sarap naman kalbuhin ng mga iyon."Nangigil na wika nito at tinawananko lang sya.
At mga ilang oras lang ay dumating na rin ang prof. namin.
~*~
"Halika ka na Bess!Lunch na tayo!"Kanina pa ako kinukulit ni Bianca dito para maglunch.
"Ang kulit mo!Mauna ka na nga diba?Padating na yun si Aiz,sabay kami."Kanina ko parin sinasabi sa kanya iyan pero hindi sya nakikinig.
Sabagay kanina pa kasi kami dito sa classroom naghihintay na dumating si Aiz.Ang sabi nya kasi pupuntahan nya ako rito at sabay kami maglulunch.
"Sige na kasi mauna ka na!Ako na ang maghihintay dito sa kanya."Pagpupumilit ko parin sa kanya.Hindi na lang kasi kumain dun sa canteen mag-isa palibahasa wala lang lablayp yun.
"Sige na!Dadalhan na lang kita dito!"At sa wakas napilit na rin.
"Sige!Salamat bessy!"Tatawa-tawang sabi ko sa kanya.
Wahaha alam ko namang concern lang sa akin iyong babaitang iyon.Pero bahala sya.
Umalis na nga si Bianca at ako na lang mag-isa dito sa classroom,hinihintay si Aiz na dumating.
Nagugutom na talaga ako.Nasaan na kaya iyong lalaking iyon.
Wala akong nagawa at naglaro na lang ng snake sa nokia cellphone ko at lumipas parin yung oras pero wala parin ang bf ko.
Baka pag-umalis ako at dumating naman sya magkasalisihan pa kami at baka magkaroon pa kami ng LQ.
Ilalapat ko na sana ang mukha ko sa desk ko(which is palagi kong ginagawa)ng biglang bumukas yung pinto.
Nandyan na si babe!
Inangat ko ang mukha ko at nakita ko sila...Georgia at yung mga alipores nya?
"Ow.Look Who's Here?"Maarteng sabi ni Georgia habang patingin tingin pa sa mga kaibigan nya.Nakapameywang pa akala mo naman kinaganda nya.
"A-ano na naman bang kailangan nyo sa akin?"Kinakabahang tanong ko sa kanila.
My Ghad may naamoy akong away.Huwag naman sana.
Lord,tulungan nyo po ako.Mabait po ako at hindi ko hilig ang makipag-away sa iba.
"Uhmn.May mga ilang katanungan lang naman kami sa iyo."Lumakad pa sila ng lumakad papalapit sa akin.Wala rin akong nagawa kundi ang umatras.
"A-ano iyon?"Natatakot na tanong ko sa kanila.Hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na pader.Shocks dead end na.
"Anong lason ang ipinainom mo kay Aiz ko para mabaliw sayo ng husto?"Galit galit na wika nya.
Grabe naman itong babaeng ito.Gaano ba kalaki sa buhay nya si Aiz?Kulang nalang siguro magpakamatay sya para makuha ang babe ko.
"Wa-wala nga akong pinainom sa kanya!"Giit ko pa sa tanong nya.
Kinakabahan na talaga ako.Mahirap pala magkaroon ng karelasyon pagsikat at gwapo.
"Ah,talaga?Eh kami ngang mga dyosa hindi sya matinag sayo pa kayang pangit at matabang mangkukulam?"Ramdam ko na talaga ang sobrang inis nya at alam ko na rin na ilang sandali pa ay sasampalin na rin ako ni Georgia kaya naman ipinikit ko na lang ang mata ko hinihintay ang palad nya na dumapo sa mukha ko.
"Subukan mo syang sampalin at manghihiram ka talaga ng mukha sa kabayo."May narinig akong malamig na boses kaya naman iminulat ko ang mata ko.
May piguro ng isang lalaki na nakatayo sa pinto at may suot itong jaket na may hood at salamin na dahilan kung bakit hindi ko makita ang mata nya.
Agad syang lumapit sa amin,siniko pa nga sila Georgia at sabay hila sa kamay ko.Nabalik naman ang tingin ko kila Georgia at para silang natuod sa kinatatayuan nila.
Seriously?
Sino ba itong lalaking ito?
BINABASA MO ANG
Beauty Since Birth #TAA2018 #SunflowerAwards2k18
Teen FictionHighest Rank:#12 I am Cindy Maeve Villegas and my motto is....... "My silence is not my weakness but the beginning of my sweet revenge." That's all Thank You. üPrince Present:"Beauty Since Birth/BSB" Credits to the wonderful book cover:@CharmingTan