Chapter 8:Duchshand

13 8 0
                                    

Chapter 8:Duchshand

Cindy POV

"Babe?Ayos ka lang?"Aniya ni Aiz sa akin.

Nandito kami ngayon sa paborito kong karenderya.Oo ako ang nagdala sa kanya rito kahit na hanggang ngayon ay lutang parin ako sa nangyari kanina.

"Ah.Oo babe."Sabay bigay ng order ko sa kanya.

Dito rin kami madalas kumakain ni mama at ang palagi kong inoorder rito ay ang kare-kare nila.Lalo na pag si aleng Nena ang nagluluto napakasarap talaga.

May tinawag si Aiz na isang lalaki at saka ko lang napansin na si Jervhin pala iyon yung kababata ko.

"Ito na po order namin."Aniya.

Napatingin naman sa akin si Jervhin at para itong natuod sa kinatatayuan nila.

"Ci-Cindy?"Nagtatakang tanong nya habang nakatitig parin sa akin.Kumukurap-kurap pa ang loko.Siguro sa paningin nito lumevel-up ang beauty ko.

"Oo nga!Jerv!Ako ito!"Masiyang bati ko sa kanya habang nakangiti ng malapad.

"Buti at bumisita ka rito.Ang tagal mo ng nawala,ah!"Ani pa nya at mukhang gusto pa ata nitong makipagchikahan sa akin.

"Ah.Oo inampon na kasi ako nitong bf ko."Sabay lapit kay Aiz at hinawakan ng mahigpit ang braso.

Nakita ko naman ang pag-ngiwi ni Jerv sa akin,ang sama parin nito hanggang ngayon."Akala ko katulong ka ni Sir.Joke."At may pa-peace sign pa ang baliw.

Tumawa lang kami at pumunta na sya sa lutuan at ibinigay sa mga nagluluto ang order namin.

"Matagal ka na palang kumakain dito."Panimula ni Aiz sa usapan namin.

"Ah.Oo masasarap ang luto nila dito."At sabay tingin-tingin sa mga taong dumadaan sa labas ng karenderya.

Hays,parang kaylan lang taong lansangan pa ako dati.

"Kasama ko si mama mamalengke at palagi kaming tumatambay rito."Napangiti na lang ako habang binabilik tanaw ang mga nangyaru sanakin noong bata pa lang ako.

"Teka?Sanay ka ba sa mga ganitong lugar?"Ngayo  ko lang kasi nalala na mayaman nga pala si Aiz baka isipin pa nitong sa cheap na lugar lang kami pwedeng kumain.

"Ah.Hindi.Ok lang by the way yung papa mo?Nasaan?"Si papa?Yung walang kwenta kong papa?

"Ah!Si Aling Nena."Pagputol ko sa topic namin ng biglang lumabas si Aling Nena sa kusina.

"Cindy!"Sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Ah!Aiz.Si Aling Nena pala yung may ari nitong karenderya mama sya ni Jerv yung kumuha ng order natin kanina.Sya rin iyong nanlilibere sa amin ni mama minsan pag wala kaming pwra at pinapakain kami rito."At kinamayan naman ni Aiz si Aling Nena at ganun rin ang huli.

"Aling Nena ito naman po ang Boyfriend ko na soon to be husband ko na rin."Masayang pagkilala ko kay Aiz na nakachin up pa.

Wala lang trip ko lang.

"Aba!Napaka-gwapong bata naman pala nito,Cindy.Hindi kayo bagay!Joke!"Sabay peace-sign rin sa akin.

Mag-ina nga talaga sila ni Jervhin.

Tumawa na lang kami parehas at ilang sandali lang ay dumating na rin ang pagkain namin.

Umalis na si Aling Nena at hinayaan na kaming kumain.

"Babe!Ano ba iyang in-order mo?"Tanong ko sa kanya kasi kanina nya pa ito tinititigan.Nillangaw na nga pero hindi nya lang pinapansin dahil sa pagtitig sa pagkain nya.

Beauty Since Birth #TAA2018 #SunflowerAwards2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon