I: Ang Simula

6.2K 114 12
                                    

 I: Ang Simula

                                             

Eliza’s POV:

Excited kaming lahat habang inaayos ang mga gamit namin sa sasakyan ni Jojo.

Anim kaming lahat sa barkada. Ako, si Mei , Migs, Curt, Chris, at Jojo. Kaming dalawa lang ni Mei ang babae sa tropa.

Bakasyon ngayon kaya libre kaming gumala.

“ Woohoooo! Bakasyon grande na naman tayo..!” sigaw ni Migs, sya ang pinaka maingay sa barkada namin. Kung ano ang nasa isip nya sinasabi nya, minsan kahit walang kwenta, sya ang bestfriend ko sa lahat. Ang aking bru. Bruho.

 “Liz, nadala mo ba yung camera mo? Baka nkalimutan mo ha.” Si Mei yan. Magkasing daldal kami, mali mali..sobrang daldalera pala nyan.

 

“Opo mam. Nadala ko.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Hoy! Curt! Mamaya mo na banatan yang mga chichirya..! punyeta ka!” si Chris kung makasigaw parang laging galit kahit di naman.

“Hehe. Kaya nga pagkain para kainin di ba? Ano gagawin mo dyan, display??” sigaw din ni Curt, habang sinisimulan ng buksan yung Pringles.

 

“Oh ubos na ang parte mo! Wag ka manghihingi sa amin!” Chris

Ang gulo talaga ng mga kumag na to. Pag magkakasama kami para kaming sasabog sa sobrang ingay.

Isa-isa na kaming sumakay sa van, kaunti lang ang dala naming gamit dahil ilang araw lang naman kami sa villa nila Jojo, pagkain ang karamihan sa dala namin dahil patay gutom ang mga kaibigan ko at malayo pa daw ang bilihan mula sa tutuluyan namin.

Dun kami pupunta sa resthouse nila Jojo.

Nagsimula na kaming umalis at si Jojo ang nagda drive. Syempre sya nakaalam kung saan pupunta eh.

Sa passenger’s seat naman naupo si Curt.

Magkakatabi naman kami sa likod, si Migs, ako then si Mei at Chris.

Mga hayup tong mga lalaking to gusto nila sa may bintana.

“Jo, hindi ba nakakatakot sa cabin ninyo?” tanong ni Curt, nerbyoso talaga to.

“Hehe.. hindi naman. Wag ka mag-alala, safe dun kahit medyo malayo sa bayan. May katabi  yun na dalawa pang cabin na pinapaupahan nila Daddy pag may gustong mangaso, sa ngayon may nag rent sa isa tapos dun naman tumutuloy sa isa pa ung katiwala namin.” Jojo

“so yung tutuluyan natin, private talaga sa inyo lang?” tanong naman ni Mei.

 

“Oo. Family ko lang ang nag iistay dun.” Jojo

“Eh..kung ganon, baka nakakahiya naman.” Sabat ni Chris.

“Kung nahihiya ka, baba ka na!” singit ni Migz.

“Haha! Ayos lang naman kina mommy at daddy na tumuloy tayo dun, para ma check ko rin ung bahay. Matagal n rin kasi nung huli kaming nakapunta don.”Jojo.

CURT’S POV

 

Ang tagal ng byahe namin. Ilang oras na ba kaming bumi byahe? Hay. Nakakainip. Mag aalas tres ng hapon nung umalis kami, ngayon madilim na.

Habang tumatagal ay  pakonti na ng pakonti ang bahay na nadadaanan namin

At habang dumadalang ang mga sasakyan at bahay na nakikita ko ay nadadagdagan naman ang takot ko.

Padilim ng padilim.

Nararamdaman ko na ang lamig ng hangin mula sa bukas na bintana.

Hanggang sa wala na akong ibang nakikita kundi puro puno.

Huhu.. Oo na, matatakutin nga ako. Tarantado kasi itong mga kasama ko bakit hapon pa kami umalis, ginabi tuloy kami sa daan.

“Oy. Di ba ganito yung sa mga horror movies. Gagabihin sa daan. Tapos maiistranded sila.. T-tapos.. t-tapos..tapos isa-isa silang mamamatay! Waaaahhh!!” ako

*POK!*

 

“Aray Chris! Sobra ka mambatok ha!

“Eh para kang gago eh. Sige takutin mo sarili mo.” Chris

“Woy! Tingnan nyoo! Ano yuun?!” sigaw na tanong ni Migz. Nagising tuloy ang iba naming kasama.

Napahinto rin sa pagdrive si Jojo.

“Baka tao yan. Nilagay dyan sa sako pagkatapos mapatay. Tingnan nyo, parang may tumutulong dugo” ako

“Basura lang yan shunga.” Chris

“Lagpasan nyo na lang. Ano ba gusto nyo dalhin pa natin yan?” Mei.

“Eh kung tao nga yan, kailangan nya ng tulong di ba? Baka sakaling buhay pa yan.” Migz

“Sige, gatungan mo pa si Curt!” Eliza

Tinitigan naming mabuti kung ano nga ba yun, medyo malayo pa yun mula sa amin kaya di kami sigurado.

“Hhmpp! Basura lang yan for sure! Tara na alis na tayo.” Mei

 

“Guys, sino naman ang pupunta sa ganito kaliblib na lugar para lang magtapon ng basura?” mahinahong sabi ni Jojo.

Sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Oo nga, wala ng bahay dito. Nasa mataas na parte na kami ng  bundok , ang sipag naman nung nagtapon para dalhin pa yun dito.

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon