X. DECEIVED

1.7K 58 4
                                    

X. DECEIVED

MEI’S POV:

Lumabas na kami sa kwarto, dumiretso si Eliza sa mga kwarto para hanapin si Jojo. Sabay naman kami ni Curt na bumaba ng hagdan.

Patakbo na ako sa front door nung lingunin ko ulit si Curt, mukha syang tanga.

Naka tiptoe pa habang nakahawak ng mahigpit sa kutsilyo nya. Kahit nasa ganito kaming sitwasyon ay di ko pa rin mapigil matawa dahi sa exaggerated na pagkilos niya.

Dumiretso na ako sa paglabas. Ang lakas ng ulan. sumabay pa ang lakas ng kulog at matatalim na kidlat. Anong oras na ba, ang dilim ng langit.

Nasa harap pa rin ako ng pinto ng cabin dahil nagdadalawang isip ako sa pagtuloy sa sasakyan namin.

Tatakbo ako papunta sa van? Parang iniwan ko naman ang mga kaibigan ko pag ganun ang ginawa ko.

Pwedeng may point si Eliza na mas mapapadali ang pag-alis namin pag nauna ako. Pero paano kung hindi? Paano kung hindi na kami makaalis ng buhay dito? Paano kung dapat natulungan ko sila pero dahil nauna ako hindi ko na nagawa yun?

Di bale ng may mangyari sa aking masama, basta masigurado ko ring ligtas sila.

Nagdesisyon akong bumalik at hinanda ko ang sarili ko sa anumang pwedeng mangyari.

Naglalakad na ako sa loob ng sala nung mapansing kong parang may tao sa sulok.

Sa pagitan ng kusina at sala.

Nakayuko ito at nagtatago sa likod ng malaking paso. Di ito agad-agad mapapansin dahil malaki ang paso at may halaman pa.

Eliza?

Lumapit pa ako para gulatin sya. Nasa tapat na ako ng kusina, tatawagin ko na sana sya nung bigla syang napaharap sa akin.

Nagulat ako nang makita kong hindi sya si Eliza, kundi si ---

 

 

“C-Consuelo?”

Pinahiram nga pala sya ng damit ni Eliza, magka katawan pa sila kaya akala ko si Eliza.

Nilagay nya ang kanang hintuturo nya sa bibig nya, sinenyasan nya ako na wag maingay.

“A-anong.. Akala ko umalis ka na?” tanong ko pa rin.

Sinenyasan nya ulit ako na wag maingay. Inilahad nya ang palad nya at sumenyas na lumapit ako sa kanya para magtago.

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon