XI. MORE REVELATIONS

1.9K 58 3
                                    

XI. MORE REVELATIONS

ELIZA’S POV:

Naisa-isa ko na lahat ng kwarto, pati closet tiningnan ko na rin pero wala talaga si Jojo.

Hindi pa ako nakakarating sa hagdan nung marinig ko ang mga sigaw ni Mei kaya tumakbo na ako para malaman kung anong nangyari, nagkasalubong kami sa bungad ng hagdan at agad syang yumakap sa akin habang umiiyak. Nangangatog ang katawan nya.

“Mei, anong nangyari?!” tanong ko matapos ko syang hawakan sa dalawa nyang balikat at tiningnan ko syang mabuti.

“C-c-cons.. Consuelo..! J-j-Jojo! P-pa-patay.. C-c-curt..!” utal-utal na sabi ni Mei, nangangatog pa ang baba nya at mukhang takot na takot ang mata nya.

“Patay?! Anong ginawa ni Consuelo?” tanong ko, pinipilit kong linawan ang pag-iisip ko lalo’t sinabi ni Mei na.. patay? Wala syang maisagot sa akin kundi sunod-sunod na iling at nanlalaking mga mata, pinipilit nyang magsalita pero dala siguro ng takot ay di nya magawa.

“Mei, huminahon ka!” sabi ko habang niyuyugyog ang balikat nya pero iyak lang ang naging sagot nya. Wala na akong ibang choice at isang malakas na sampal ang binitawan ko sa kaliwang pisngi nya, bahagya syang tumigil sa pag-iyak at tumitig sa mata ko. “Mei, ano ba? Ngayon mo ilabas ang tapang mo!” humihikbi pa rin sya habang nakatingin sa akin, di ko alam kung naintindihan ba nya ang mga sinabi ko, laking tuwa ko ng tumango na sya sa akin kahit kaunti.

“Pupunta ako sa baba. Dito ka lang.” Bumalik ang takot sa mata nya kaya di ko na malaman ang gagawin ko. “Mei, Mei. Makinig ka sa aking mabuti. Kailangan mo maging matapang ha, kasi kung hindi, ako ang kakatay sayo!” Hindi ko na hinintay ang sagot nya, niyakap ko na lang sya ng mahigpit at tumakbo na ako pababa ng hagdan.

______

Halos magpadulas na ako sa hagdan para lang makababa agad. Nang makababa ako ay luminga linga ako sa paligid, ang gulo ng buong sala, nagkalat ang mga nabasag na mamahaling vase at iba pang display ng bahay. Nakatumba rin ang center table at parang dinaanan ng ipu-ipo ang buong bahay.

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Jojo na nakahiga, nakatarak sa balikat nya ang mahabang kutsilyo habang nakatayo sa harap nya si Consuelo, humihingal ito ng malakas, punong puno ng pawis ang mukha nya at magulo rin ang maiksi nyang buhok.

“Consuelo? B-bakit?” mangiyak ngiyak na tanong ko.

Hindi ko akalaing magagawa nya to sa amin. Naniwala ako sa kanya, naalala ko pa ang sinabi nya sa akin nung maiwan kaming dalawa sa sala, na tulungan ko sya, na hindi nya alam kung kanino dapat magtiwala.

Tapos sya pala ang hindi ko dapat pagkatiwalaan? Tinulungan namin sya, itinago namin sya mula kay Uncle Paul pero ganito pala ang kahihinatnan?

Napatingin sya sa akin at lumalamlam ang mata nya.

 

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon