IV. SINO

3.5K 75 11
                                    

 

ELIZA’S POV:

 

 

“Wooooow!!!! Ang ganda dito…!”

 Ang ganda pala dito kina Jojo. Graveh. Hindi ko na ito napansin kagabi ah. Ang ganda ng view, sariwa ang hangin. Nasa taas ng bundok ang bahay kaya tanaw mula taas ang buong view. Malawak ang buong paligid, mula sa harap ng bahay lalakad ka pa para makarating sa bakod na gawa rin sa kahoy at matatanaw na ang bayan. Malayo nga kami sa bayan kasi ang liliit na ng bahay na nakikita ko, para makarating dun kailangan pa talaga ng sasakyan kasi mahihirapan naman na lakarin pa yun.

sa kaliwa ng bahay makikita ang gubat at ang mas mataas pang bahagi ng bundok.

Sa may kanan, medyo malayo sa bahay naman nandun ang dalawang mas maliit na cabins, mas mababa ang kinaroroonan nung mga cabins. Meron daw nakaupa dun sa isa mga galing din ng Manila, nangagaso ata. Sa isa namang cabin, yung katiwala nila Jojo.

At sa likuran ang pinaka maganda, malawak ang bakuran at may swimming pool doon, at makikita mo sa malayo ung karugtong ng gubat na nasa kaliwa ng bahay. Parang gusto ko nga pasukin yun mamaya. Aayain ko si bru. Hehe. May terrace yung likod ng bahay nila Jojo at nandoon ang billiard table.

Ngayon nandito kami ni sa pool, kita pala ng maayos mula dito yung dalawang cabins sa gilid. Hhhmmn. Napansin kong may mga lalaki dun sa isang cabins. Yun siguro yung nag rent sa isang cabin. 

Nandito rin ngayon malapit sa amin ang katiwala nila Jojo, si Aling Linda. Abala sya sa pagluluto ng barbecue at pag ihaw ng hotdogs para sa amin. Naririnig kong kinukulit sya nila Mei na makisabay magswimming, tumatawa lang si Aling Linda.

Maayos ang itsura at pananamit ng hindi katandaang ginang. Mukhang hindi masyadong hirap sa buhay.

“Jojo, ano ang dapat nating gawin kay Consuelo? Dalhin na kaya nati sya sa mga pulis? Mahirap na. baka ----“ ako habang nakaupo at isinasawsaw ang paa ko sa pool.

“Yan na rin ang nasa isip ko, pero may gumugulo kasi sa akin.” Jojo

Hindi kami masyadong naririnig ng iba dahil busy sila sa pagsu-swimming habang nilalantakan yung mga barbecue at hotdogs.

“Ano?”

 

“Kung bakit hanggang ngayon ayaw nyang sabihin sa atin kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Kung may gustong gumawa sa kanya ng masama at dumating tayo, di ba dapat matuwa sya dahil may tutulong na sa kanya?”

“Eh kasi Jojo, hindi nga daw nya maalala di ba, syempre?”

“Sigurado ka? Naalala mo pa ba kung ano yung huli nyang sinabi sa atin?

“Oo. Hindi na daw nya maalala yung huling dalawang araw na nangyari sa kanya.”

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon