EPILOGUE

2.3K 48 16
                                    

EPILOGUE:

“Eliza? Hihihi… Eliza!” tumatawa si Jojo  habang tinatawag ang pangalan ni Eliza. Dahan-dahan nyang itinaas ang kamay para mahawakan ang mukha ng kaharap na ngayon ay puno ng luha ang magkabilang pisngi. “Ssshhh… Don’t cry.” Lalong napahagulgol ang kausap nya.

“Jojo. S-si Mei ito.” Patuloy sa pag-agos ang luha nito. “Okay na ba ang mga sugat mo?

“Okay lang Eliza! Malakas ako! Dito lang naman ako tinamaan oh!” sabay turo sa bandang baba ng balikat nito.

“Samahan mo ko dito Eliza, malungkot dito eh.” Parang batang sabi ni Jojo, na lalo lang nagpaiyak kay Mei.

_______

Umiiyak din si Eliza na nanonood lang mula sa likod ng one way mirror, katabi si Migz na naka cast ang kamay at may benda sa kanang mata.

“Kung sana alam lang ni Jojo.” Humihikbing sabi nni Eliza. “Na merong nagmamahal sa kanya ng higit pa sa inaasahan nyang maibibgay ko, eh di sana… D-di sana nagkaganito.”

“She didn’t want us to tell him. She’s afraid she might be rejected.” Sagot ni Migz

______

“Eliza… The doctors said I can get out if I get better.” Nagmamalaking sabi ni Jojo.

“That’s good!” sagot na lang ni Mei, kahit alam nyang merong naghihintay na batas sa mga ginawa nito.

 

“Liz… M-m-mahal kita. Mahal na mahal kita.” Malamlam ang matang saad ni Jojo at pinisil pisil ang kamay ng kausap.

Nalaglag ang balikat ni Mei. Napayuko sya at huminga ng malalim, tumingin ulit sya kay Jojo.

Ngumiti sya sa kaharap.

 

“Mahal din kita Jojo. Mas mahal na mahal kita.” At nagsimula ulit mamuo ang luha sa mga mata nya.

Lumiwanag ang mukha ni Jojo at mukhang tuwang-tuwa.

 

“E-Eliza… bakasyon tayo? Sa cabin namin, sa probinsya.” Pumapalakpak na sabi ni Jojo. Ngiti na lang ang naisagot ni Mei sa kaharap.

______

“Let’s go ahead Eliza, hayaan muna natin sila Mei. Baka hinihintay na tayo nila Curt at Chris sa hospital.” Aya ni Migz at hinawakan sa kamay si Eliza.

Tumango na lang sya at sumunod na sa paglakad nito.

“Sana… Sana, magising na sila.”

THE END...æ

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon