XII. TRUE COLORS REVEALED

2.2K 62 13
                                    

XII. TRUE COLORS REVEALED

Gulat na gulat ako sa nasaksihan kong ginawa ni Jojo. Ang makakita ng aktuwal na pagpatay ay isang bangungot.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Jojo, kung totoo nga ang sinabi ni Consuelo---

“You’re safe now. Come here.” Tawag ni Jojo, habang nakabuka ang dalawang mga braso na parang gusto nyang yakapin ko sya.

Nasaan si Migz? Pati ba sya? hindi ayokong isiping wala na sya!

“What? Don’t cry Eliza, I’m already here, don’t worry.” Sabi ni Jojo habang pinapalamlam pa ang mga mata. Lumakad sya ng pa’isa-isang hakbang palapit sakin.

Gumapang ang takot sa katawan ko, my instinct is telling me not to trust him.

Napapangiwi sya sakit habang iginagalaw galaw ang balikat na pinaghugutan nya ng kutsilyo na sya ring ginamit nyang pangsaksak kay Consuelo kanina.

“Nasaan sila? Si Chris? Si Curt?“ tanong ko.

“Si Curt. Uhm. Naabutan ko na lang sya na walang buhay eh.”

“S-si Migz?” pagkasabing pagkasabi ko nito, ang kaninang nagmamabait na mukha ay biglang naging galit. Napatiim bagang sya at pinilit itong itago sa paningin ko.

“Ganito kasi yun Eliza, nung dumating ako, nakita ko na wala ng buhay si Curt, tapos saka dumating si Migz at Chris. Kaya ginawa ko ang lahat para makipaglaban kay Paul pero ang hindi natin alam, kasabwat pala ni Paul si Consuelo! Kaya wala kaming kamalay malay nung bigla na lang atakihin ni Consuelo si Migz at.. napatay nya si Migz, Eliza! Nangyari ang hindi inaasahan, nagawang paputukan ni Paul ng baril si Chris, mabuti na lang mas malakas ako sa kanya kaya nagawa ko syang mapatay, pero yun nga ang nangyari, Eliza, buhay pa rin pala si Consuelo. At ayokong pati ikaw masaktan nya, kaya ko ginawa yun. Ayokong may mangyari sayong masama.” Parang nagmamakaawa ang mukha nya.

Liar.

Ngayon alam ko na kung sino ang nagsasabi ng totoo. Paano naman kasi mangyayari yun, eh si Migz at Chris ang mas nauna pumunta sa kusina kesa kay Curt, duh!

Hindi nya alam na naikwento na sa akin ni Consuelo ang lahat-lahat bago sya magkaroon ulit ng malay.

Nagpupuyos ang damdamin ko, hindi pwedeng patay na ang mga kaibigan ko! Kung makakaalis kami agad dito, madadala ko pa sila sa hospital. Pwede ko pa silang masagip. Alam kong buhay pa sila.

“Saan ka ba nanggaling? Bakit nawala ka kanina?” panghuhuli ko sa kanya.

“Ah.. N-nasa CR lang ako kanina.”

Gagu! Anong CR?? Kanina pa kami nagkakagulo dito, nasa CR sya? Nagtatae ba sya at di sya makalabas dun agad-agad?!

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon