XIII. FINALE

2.2K 47 0
                                    

XIII. FINALE

MIGZ’ POV

“Eliza!” tawag ko sa pangalan ni Eliza. Tahimik ang buong bahay at natatakot akong baka may nangayari na sa kanyang masama.

Lumakad pa ako sa kalagitnaan ng bahay.

“Eliza! Eliza!” sumagot ka, please. Nasaan ka ba.

 

“Nandito ako! Tulungan mo kooo! Miiigzzzz!!!!”

 

Si Eliza!

Agad-agad akong tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw nya. Mula iyon sa isa sa mga kwarto dito sa first floor, di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Pinihit ko ang seradura ng pinto pero laking pagka-asar ko ng mapagtanto kong naka lock ito.

“Eliza!” sigaw ko habang patuloy na kinakalampag ang pinto.

Wala akong narinig na sagot mula sa loob.

Bwisit!

Ano bang nangyayari?

Sigurado akong sumigaw si Eliza, at alam kong hindi iyon guni-guni lang.

Papatayin ko si Jojo pag may ginawa syang masama kay Eliza.

Kahit di ako makagalaw kanina at madilim ang paningin ko ay narinig ko ang mga sinabi nya kay Chris. Walang hiya sya!

Iginala ko ang paningin ko para maghanap ng bagay na pwedeng makatulong sa pagbukas ng pinto. Gumawi ang tingin ko sa nakatumbang center table, sa ilalim nun may nakita akong baril. Kinuha ko iyon at sinuri. Hindi ako marunong gumamit nito, but I know I just have to pull the trigger.

Bumalik ako sa nakasaradong pinto at itinutok doon ang nguso ng baril.

“Sana may bala pa. Sana may bala pa.” hinigpitan ko ang hawak sa baril saka ko ito ipinutok.

“Yes!” Laking pasasalamat ko ng makita kong sira na ang door knob.

 Sinipa ko agad ang pinto.

Nagulat ako sa nadatnan ko sa kalagitnaan ng kwarto.

Nakahiga sa kama si Eliza, nakatali ang magkabilaang kamay nito sa dalawang gilid ng headboard ng kama, may busal ang bibig.

Nakapaharap sa pinto ang kama kaya kitang kita ko ng napaangat ang ulo ni Eliza, nanlaki ang mata nya pagkakita sa akin at nagpumiglas sya mula sa pagkakatali.

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon