II. TULONG

3.9K 87 4
                                    

JOJO’s POV

Shit! Bakit ba kung kailan malapit na kami makarating saka pa nagkaganito. Inilapit ko pa ang sasakyan para maliwanagan ng mas maayos kung ano man un na nakaharang sa daan namin.

Titig na titig na kaming lahat ngayon sa nasa harap namin at pinipilit I’process ng utak namin kung ano ba talaga yun.

Imposible talagang basura yun dahil malaki kesa sa normal ung sako, parang shape din ng katawan ng tao na nakabaluktot ang nasa loob nun.

At sa bandang taas ng sako parang may..may nakalabas na.. shit! Teka.. kamay ba yun?

 

“Teka! Bababa ako! Dyan lang kayo.” Ako

“Jojo! Wag na! Di natin alam kung ano ba talaga yan! Baka mapano ka pa!”  sigaw ni Eliza. Napangiti ako sa isiping nag aalala sya sakin.

Nagpatuloy ako sa paglakad palapit sa sako.

 .

.

.

Tinatalasan ko ang pakiramdam ko habang nakatitig sa sako.

 .

.

Dahan dahan.

.

.

“WAAAAAAAAAAHHHHH!!!!”

 

“NYYYAAAAaaaaaahhhhh!”

 

“Aaaaaaahhhhh!!!!”

Sabay sabay nilang sigaw nung biglang gumalaw yung sako

Napaatras din ako sa nakita ko.

Shit! Shit! Tao nga ito. Kamay nga yung nakita ko kanina. At parang pilit syang kumakaway.

 

“Guys! Tulong! Buhay pa to! Tulong!”

MIGZ’S POV

Di ko maaninag na maayos yung sako eh.

“Teka! Bababa ako! Dyan lang kayo.” Narinig kong sabi ni Jojo

“Jojo! Wag na! Di natin alam kung ano ba talaga yan! Baka mapano ka pa!”  sigaw ni Eliza. Hmf! Tapos nakita kong ngumiti na lang si Jojo. Pa cute pa sa Eliza ko. Hmmf!

Titig na titig kami sa sako nang bigla iyon gumalaw

 

“WAAAAAAAAAAHHHHH!!!!”

 

“NYYYAAAAaaaaaahhhhh!”

 

“Aaaaaaahhhhh!!!!”

Lahat kami sumigaw. Promise hindi yung tili ko ang nangibabaw dun.

“Huh?” ako  o_0

“ U-uhm, bru..?” tawag k kay Eliza, nakayakap kasi sya sakin ng mahigpit. Sa takot siguro. Hihihi. One point na ako sa dream girl ko.

“Ay! bru.. pasensya na. Nagulat kasi ako.” Bigla syang bumitaw at ngumiti sya na parang nahihya. Naku. Ang cute talaga ng bru ko..aaayyyiiii.

“Sige lang. tara dito hug mo pa ako. Heehee.”

*POK!*

“Aray bru…huhu..” sapukin ba naman ako?   TT_TT

“Guys! Tulong! Buhay pa to! Tulong!” narinig ko na lang na sigaw ni Jojo.

Agad-agad akong bumaba at tumakbo palapit kay Jojo, sumunod din si Chris.

Sinilip ko agad ang laman ng sako.

Nagulat ako sa nakita ko.

CHRIS’ POV:

A-ah..Ahm..Ahh..”Migz

“Hoy!! Ano ba? Para kang tanga! Bulol ka na? anong ah ah ah??” siniko ko si Migz, para kasing natatae.

Tumingin na lang din ako sa sako.

Ay puta. Tao nga ang laman ng sako.

Pero..

Bakit ganun?

==============

hehe..bago lang po akong nagsusulat.. comment naman kau para alam ko kung ano pa ang dapat ko iimprove..

love ya!

BAKASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon