A

51 3 0
                                    


°•°•°•°•°

CHAPTER ONE [ Athena's first month ]

°•°•°•°•°

          HINDI ko maiwasang balikan ang nangyari kahapon sa restaurant, kung saan nakaharap ko ang babaeng kinamumuhian ko. Hangang ngayon hindi ko pa din kinatuwa ang pagkikita namin. Hindi naman sinabi ni dad na isa siya sa mga manager, tsk. Alam ko namang may alam siya dahil dumadaan sa kanya ang mga application ng gustong maging manager. Nakaka-bwisit dahil nagawa pa ni dad na papasukin muli sa buhay namin ang babaeng iyon. Tsk

Huminga ako nang malalim bago tinuon ang atensyon sa paper work na isang buwan ko na ding inaasikaso. Nakaka-stress lang ang babaeng iyon, stress na nga dito eh.

I sigh deeply again.

Isang buwan na pala ako dito sa pinas, at isang buwan na din akong pinapahirapan ng mga paper works. Shit naman kasi, iniwanan ako ni dad ng maraming paper woks, sunod-sunod din ang meeting ko with the clients, investors and business partners ni dad.

I just sigh and get my phone in my bag, tatawagan ko si Hershey, baka pwede siyang tumulong sa akin dito sa company. Wala namang ginagawa 'yong bruhang 'yon kundi sa pagiging freelance model niya sa iba't-ibang bansa.

Ilang ring lang, sinagot na niya ito.

“Hey, bitch. What do you wa—” I cut her off. Madaldal kasi ito, baka ano pang sabihin, sayang lang sa oras.

“I need you here, can you come?” I said straight to the point. She know me, I didn't waste my time.

“Where are you?” I smirk. Pagkailangan ko siya, nagiging seryoso naman ito. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya.

“Manila.”

“WHAT THE FUCK?! ARE YOU FOR RE—” Agad kong nilayo sa tenga ko ang phone.I'm not expected that she'll shout. Bwisit.

“Fuck you, bitch! Can you tone down you voice? Nakakabingi ka!”

“Harsh eh? Sorry naman bitch. But you didn't tell me that you are there duh, kaya nagulat ako.”
I sigh. There. So it means nasa ibang bansa siya. May commitment pala siya.

“Where are you?”

“France. but pauwi na rin naman ako, three weeks from now matatapos na ang contract ko. Pupuntahan kita agad diyan pagkalapag palang ng eroplano.”
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kaya nga siya ang nagiisang best friend ko because I know she will be there no matter what. Isa sa pinapasalamat ko sa Diyos kung bakit nagpatuloy ako mabuhay sa kabila ng nangyari sa akin before.

“Good. May pasalubong ba ako?”

“Wow naman. Ikaw nga ang tumagal sa US, dapat ako ang may pasalubong eh.”

“Ikaw nalang ang iniintay ng pasalubong ko, bitch. Kaya tapusin mo na yang commitment mo.”

“Ayon naman pala. Haha oo sige, intayin mo nalang ako diyan.” Excited sa pasalubong? Ibang klase talaga.

“Yeah. Bye na, I have so many things to do.” Madami pang nakatambak na paper works.

“All right, good luck on that. I need beauty rest din, may photoshoot ako tomorrow. Good luck on me, bitch.”

“Gaga! Hindi mo na kailangan ng good luck, magaling ka na talaga diyan.” Sigurado lalalaki na naman ang ulo nito. Ganito siya kapag inuuto ko eh.

“Hahaha well...” see... Napailing na lang ako.

“Lumaki na naman ulo mo, tsk. Sige na, bye na.”

The Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon