E

42 1 0
                                    


         UMAGA na naman. Simula na naman ng trabaho at boring na buhay na meron si Athena. She signed after she go out to her car. Aattend siya ng meeting with her/their business partners sa isang five star hotel.

Hotel actually niya. Ang Queen AV's Hotel, na tinayo niya five years ago after she graduated. Ang perang pinatayo niya nito ay galing din sa ipon niya na dinagdagan lang ng dad niya as gift.

“Bitch, sa coffee shop lang ako. Ayokong makipag-plastikan sa kanila.” Yup, si Hershey. Kasama niya ito dahil gusto daw niya ngunit hindi naman pala sasama sa loob ng conference room.

Tumango nalang siya. “Go, just don't mess up around.” Trouble kasi si Hersh at ayaw niyang gumawa ito ng gulo sa loob ng hotel niya.

“Opo. I'll go.” Tumalikod ito kaya naman siya naglakad na kasabay si Melanie na tahimik lang.

“Sino-sino na ang nandon?” Athena suddenly asked. Malapit na sila sa conference room kung saan gaganapin ang business partners meeting.

“Three representative and four business partners mo, miss Athena.” Napatanga siya sa sagot ni Melanie. Her eyebrows rise.

Humarap siya dito. “I didn't asked you ilan. I asked you, sino-sino.” She said with annoyance in her voice.

Bigla namang napakamot si Melanie sa ulo saka ngumiti ng alinlangin kay Athena na naka kunot ang noo sa kanya. 'Patay, nagkamali na naman ako. Shit.' “Hehe... Teka...” Nagmamadali niyang kinuha sa mga bitbit niya ang tablet kung saan nakalagay ang mga dadalo sa malakihang meeting na ito. Pero napahinto siya nang magsalita si Athena.

“Wag na.” Face palm. Mas sumasakit ata ang ulo niya dahil dito. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi, sa tuwing pipikit kasi siya ay may ala-ala siyang nakikita and she's not happy with it. Nakatulog naman siya agad pagtapos niyang maligo pero 3 ng madaling araw ay doon siya dinalaw ng panaginip at hindi na siya tinantanan nito. Kaya, hindi na siya nakatulog hangang mag-umaga na. Masakit tuloy ang ulo niya. “Let's go.”

Bubuksan na sana ni Melanie ang pinto nang biglang may tumawag sa pangalan ni Athena. Paglingon nila sa likod ay si Mr. Lorenzo lang pala ito. One of her business partner for the construction sa bagong pinapagawa nilang hotel casino sa cebu.

“How are you, ija?”

“I'm fine.”

“Nice to hear that. Anyways, let's go in.”

Binuksan na ni Melanie ang pinto at naunang pumasok kasunod ni Athena na naka-pokerface lang at si Mr. Lorenzo na agad pumunta sa upuang nakalaan sa kanya kasunod ang secretary nito. Nagsitayuan naman ang lahat ng nasa loob at binati si Athena na tumuloy lang sa kanyang pwesto.

“Thanks. Anyways, let's begin the meeting.” aniya sabay upo.

Pabilog ang mesa kung saan nasa 20 ang swivel chair. Nasa sampo ang business partners niya na nandoon at ang ilan doon ay representative.

Pinagusapan nila ang tatlong project na itatayo sa cebu kung saan kasama ang Hotel-Casino sa mga ito. Magtatayo din sila ng cruise ship para sa mga gustong malibot ang karagatan ng visayas na iikot sa mga probinsya sa loob ng limang araw.

Tumingin si Athena kay Mr. Lorenzo saka nagtanong. “Kailan darating ang mga tao mo sa cebu, Mr. Lorenzo?” Napatingin sa kanya ang lahat.

Naguusap kasi ang iba dahil tapos na ipakita ang presentation ng buong Hotel-Casino na itatayo. Ipinakita dito lahat ng mga facilities, 'yong gagamitin sa floors, ceilings, walls, windows and doors. With emergency lights for common areas, fire alarms and sprinkler system, fire-hose cabinets and fire exits on every Floors, lastly ramp for people with disabilities. Pinakita din ang mga rooms sa mga hotel rooms na complete package din, Bed area to electrical and ventilation. Bathroom to kitchen with balcony.

The Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon