GFR CHAPTER 6 - PT. 02 | KwentoNiLolo
***
Nakauwi na kaming lahat sa bahay namin at etoh nga nasa bahay na ako...
"San ka galing?" tanong ni Kuya Ranty
"Uhh diyan lang may - -"
"San ka galing?" Tanong niya ulit sakin.
"Diyan lan - -"
"Wag mo kong Niloloko Maris, san ka galing?" Tanong niya ulit
Kinakabahan ako...
"Kina Mano- -"
Lagi niya nalang akong di pinapatapos magsalita >_<
"Yan, Kina Manolo na naman! At akala mo ba di ko alam yang mga pinag-gagawa mo? Hindi mo ba alam kung ano yang pinasok mo?"
"Alam ko, pero Kuya kailangan lang talaga"
"Kailangan o gusto mo din? Pinagbiguan na kita sa mga gusto mo, nandiyan yung mga album, mga t-shirt at madami pang iba, sinosopirtahan kita sa mga mallshow na pinupuntahan mo. Delikado yan Maris, babae ka, dapat di ka umaalis ng ganito katagal at lalo na dapat di ka inaabot ng ganito kagabe!"
"Sorry Kuya, pero kase nagpasama sina Loisa at Nichole"
"Hindi magandang rason yan Maris, akala ko panandalian lang yang "Girlfriend girlfriend" na yan! At ang isa ko pang ikinagagalit.. Yung kiss niyo ni Manolo ano yun ha?!"
"Uh kuya wala lang yun, wala lang yun promise, Pekeng halik lanv po yun kuya"
"Kahit pekean o hinde, hinalikan ka pa din niya. Aba ang bata mo pa Maris ah para sa mga ganyan! Bukas.. hindi ka aalis."
"Pero - -"
"Hindi ka aalis"
Bumalik na si Kuya sa kwarto niya at nagkulong dun.
Na'dissapoint ko siya...
And another problem... pano yung lakad namjn ni Manolo bukas? >_<
Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sabay kuha ng phone ko.
"Manolo di ako makakapunta bukas. Pasensya na"
Sinend ko kay Manolo yung message ko.
"Bakit? Hindi pwedeng hindi ka pumunta dun" reply niya
"At bakit? Kasama ba ako sa shoot mo? Hindi naman eh"
"Wala! Basta, gusto ko nandun ka" reply niya
"Manolo wag ka ngang makulit!"
Hinintay ko yung reply niya pero di na siya nagreply.
Mokong na to ah! Pano na to! T_T
Pinikit ko nalang yung mga mata ko pero dahil hindi ako makatulog ay naisipan kong buksan ang twitter account ko.
OMG!
Nagulat ako ng biglang dagsa yung followers ko sa twitter, dati wala pang 1k to pero ngayon 6k na 0_o
WOW!
Binuksan ko yung Interactions ko...
Binasa ko yung nga tweets nila at may mangilan ngilang tweets ang nagpabad mood sakin.
@****** : Ate hindi ka naman maganda? Ginayuma mo ba si Manolo ko huh?! Hindi ka naman kagandahan!
@***** : Hoy! Alam mo bang hindi kayo bagay! Nagmamaganda ka masyado! Gaga!
@******: Shet! Natawa ako ah, etoh pala si Maris puro pimple yung mukha xD sa TV ang ganda eh tapos biglang etoh pala siya XD
@*****: Ate try mk munag tirisin yung pimple mo bago ka magmaganda ah!
Aba! Ang yayabang ah! >_< Kabadtrip! Ganito ba talaga! Putek! Kung puro haters lang din naman pala makikita ko mabuti ng magquit na ako sa pagiging Girlfriend nk Manolo!
Argh! Bwiset!
Padabog kong sinara yung loptap ko at natulog na.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa ring ng phone ko.
Manolo calling...
"Hello?" mahina kong sabi habang pikit pa din yung mga mata ko
"Mamayang 9:00 ha!" sabi niya then hanged up the phone.
Err -- Damn him! Antok pa - - OMG!
Napamulat bigla yung mata ko ng biglang mag-sink in sa isipan ko yung sinabi niya
"Mamayang 9:00 ha!"
Agad akong tumayo sa kama, nag-ayos ng buhok at paglabas ko ng pinto ay kumatok ako sa pintuan ni Kuya and he opened it in seconds.
"Kuya, may pupuntahan ako mamayang 9:00" sabi ko habang nakayuko ako, nahihiya kase ako kay Kuya.
"San?" sabi niya
"Kina - -"
"Manolo?" Tanong niya
Napaangat yung ulo ko sakanya.
"..please" sabi ko with puppy eyes
"No" sabi niya then closed the door.
Tsk. What now!?
I looked at the wall clock
7:46 am.. 1 hour and 14 minutes left...
Binuksan ko yung tv tapos nilipat ko sa Disney Channel Haha, favorite ko yung Phineas and Ferb!
Hinihintay ko din pala si kuyang lumabas ng kwarto niya para nakapagpaalam ako ulit. Sana payagan *fingers crossed*
Yun nga, after ilang minutes lumabas na si Kuya ng kwarto niya at dumiretso sakin.
"Maris" sabi niya habang yung mga kamay niya nasa likod.
Parang may hawak siyang ewan...
Inabit niya sakin yung papel na nakaenvelope, walang nakasulat sa envelope, bakit ano to? Bill ng meralco?
"Yang letter na yan, narecieve ko mula sa mama mo kagabi habang wala ka, well, kailangan mo yang malamanan"
I opened the letter at sinimulan kong basahin.
Anak, ang daddy mo. Nakakulong siya ngayon dito. Napagkamalan siyang drug dealer. Ewan ko kung paajo to nangyari o kung totoong nagawa to ng dad mo pero both of you need to go here. Baka bitayin ang papa mo dito, and kailangan niya ng suporta. Pasensya na kung ngayon ko lang to nasabi sainyo pero ang totoo niyan, 1 month ng nakakulong ang dad mo. May naipadala na akong pera kay Ranty anak, sa linggo, lumipad kayo papunta dito. Sorry anak.
Nagsimulang tumulo yung luha ko non kaya naman napatakbo ako sa kwarto ko.
Hindi yan magagawa ni Papa! Mahal niya ako! Do siya gagawa ng kasalanan!
Natigilan ako sa pagiyak ng may bumusina sa labas.
Tumingin ako sa bintana para masilip then I saw Manolo na nakasandal sa kotse niya.
Teka susunduin niya ba ako? Sa ganitong nararamdaman ko itutuloy ko pa ba to?
"Maris!" sigaw niya mula sa labas.
Nadinig ko naman ang pagbukas ni Kuya Ranty ng Pinto.
Binuksan ko ng kaunti yung pinto ko para masilip silanv dalawa.
"Manolo? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni kuya Ranty
Pumasok naman si Manolo sa bahay, nakashades siya tapos balot na balot siya sa tingin ko ay para di siya makilala.
"Uh- - si Maris po?" tanong ni Manolo kay Kuya
I saw kuya Ranty's expression. Star strucked Maybe?
Agad akong kumuha ng maayos ng damit at sinuot ko syempre tapos lumabas ng kwarto.
"Leggo?" tanong ko kay Manolo.
"Sure!" sabi niya
BINABASA MO ANG
Girlfriend for Rent
RomanceGirlfriend for rent. 5/19/14 - Dedicated to MarNolo Fans :)