GFR CHAPTER 6 - PT. 03 | KwentoNiLolo
Manolo's POV
Bubuksan ko na yung pinto ng biglang bumulantang ang tatlong mukha.
Si Maris, si di ko alam tapos si.. Nichole?!
Okwerrrrdd! >///<
"Hi" -bati ko sakanilang dalawa
Nagulat kaming dalawa nk Maris ng himatayin si di ko kilala at si.. si Nichole.
"Manolo oh" sabi sakin ni Maris sabay abot sakin ng box.
"Ano to?" tanong ko sakanya
"Buksan mo!"
Binuksan ko yung cake and wow! Chocolate *_*
Takbo ako bigla sa kusina sabay kinain yung cake, medyo maliit lang naman yung cake, di kalakihan kaya naubos ko.
Pagbalik ko sala yung dalawa di pa din gising
"Tinirhan mo ko?" Tanong sakin ni Maris.
Teka akala ko ba akin yun? -_-
"Sorry" sabi ko
"Ano ka ba nam - -"
Natigilan siya ng bumangon yung dalawa..
"Teka bat ako nandito sa sofa?" -sabi nung di ko kilala
"Oo nga Maris?" -sabi naman ni Nichole...
"Hinimatay kase kayo!" sigaw ni Maris sakanlang dalawa.
Nagtawanan yung dalawa ng parang baliw pero si Nichole halata sakanya na okkwaarddd din siya.
"Hi" kaway ko ulit sakanila.
"Teka, Manolo si Loisa pala..." pakilala ni Maris tapos kumaway si Loisa sakin.
"...tapos si Nichole"
kumaway din si Nichole sakin pero sure ako hiyang hiya siya di niya lang pinapakita.
"Mga kaibigan ko sila" dugtong pa ni Maris
Lumapit si Nichole kay Maris tapos nagbulungan, ano daw ba ang pinagbubulungan?
Pagtapos nila magbulungan, binulong niya din kay Loisa.
"ANO?!" sigaw ni Loisa
"Anong ano?!" tanong ko sakanya
"Uhh -- Wala, sabi ko ang gwapo gwapo mo" sabi niya
At ayun nga nagbulungan na naman sila
"Hindi man lang ako nakatikim"
Biglang pumasok sakin yung nga schedule...
"Uh, Maris lets talk" tawag ko ke Maris.
"Bukas may schedule ako sa photoshoot, gusto ko andun ka ha."
"Anong oras ba?"
"Uhm, 9 in the morning"
Umakyat na ako nun sa kwarto ko. Pagod na naman kase ako at naookwaaarddd ako masyado.
Hinintay kong tumunog yung kalabog ng pagsara ng pinto at nung narinjg ko na yun, diretso ako sa bintana para sumilip.
Small world, kaibigan lang pala siya ni Maris...
(AN: Malalaman niyo kung ano ang reason kung bakit kilala ni Manolo si Nichole sa mga susunod na chapters)
Kinagabihan ng mga 10:00...
**You have a text message**
From Maris:
"Manolo di ako makakapunta bukas. Pasensya na"
BINABASA MO ANG
Girlfriend for Rent
RomanceGirlfriend for rent. 5/19/14 - Dedicated to MarNolo Fans :)