GFR CHAPTER 9 - PT.01 | KwentoNiLolo
Manolo's POV
Andito kami ngayon sa airport, syempre nakadisguise ako para walang makakilala sakin. Kasama ko si Nicole and Loisa. Sasalubungin namin si Maris and her family. May dala kaminh banner na may nakasulat na "Welcome Home Racal Family!"
After an hour na nakatayo kaming tatlo naaninag na ng mata ko si Maris..napangiti ako bigla.
Bago pa siya makalabas, dinumog na siya ng mga nakakakilala sakanya tapos nagpa-picture.
Iba na si Maris ngayon ah. Sikat na din siya.
Pinagmasdan ko si Maris habang ngumungiti sa mga camera.
Ang ganda pala niya talaga...
Nabuhayan ako ng paluin ako ni Loisa sa balikat ko. Feeling close?
"Baka matunaw si Maris ah!" sabi niya. Nakita niya ba akong nakatitig kay Maris?? -_-
"Oy hindi ako nakatingin kay Maris no!" Pagdedeny ko.
Bigla namang may tumawag kay Loisa kaya di niya na ako pinansin.
"Hello.. Joshua?" sabi ni Loisa "Uy Nicole, Manolo maiwan ko muna kayo ah!" sabi ni Loisa tapos kinausap niya dun sa isang tabi yung Joshua ata.
Tinignan ko si Nicole at nginitian tapos kay Maris ko ulit tinuon yung mga mata ko.
Papalapit na sila samin ng biglang tumakbo si Maris papalapit sakin at sumunggab ng yakap.
Nagulat ako pero napayakap na lang din ako sakanya.
"Namiss kita!" sabi niya habang nakayapap sakin.
"Ako din, namiss kita." sabi ko.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin. Yumakap din siya kay Nicole tapos kay Loisa.
"Lets go?" tanong nung lalaki, mukhang siya yung papa ni Maris.
Ako na yung nag-bitbit ng maleta ni Maris.
Sumakay kami sa Van ko kesa naman magtaxi pa sila. May driver kami.
Umandar na yung van.
"Hello po Tita... Tita.." sabi ko sabay bless sa mama at papa ni Maris.
"Maris? Ano ibig sabihin nito? Siya ba?" tanong nung papa ni Maris kay Maris. Natawa ako pero sa isip lang.
"Ma.. kase ano- -" Mageexplain pa lang si Maris na katabi ko ngayon tapos yung mama at papa niya nasa harapan namin pero tinanggal ko na yung disguise ko.
"I'm her boyfriend" sabi ko na ikinagulat nung Mama at Papa niya.
Napatakip ng mukha si Maris at mukhang naghihintay ng sagot mula sa mama at papa niya.
"Okay ah! HAHAHA!" sabi nung papa niya tapos natawa na din ako.
"Hoy alagaan mo si Maris ko ah, nagiisa lang yan!" sabi naman nung mama niya sabay harap na dun sa kabilang direksyon.
Aba'y hindi nagaliy, so legal na kami sa mga parents namin.
Napaisip ako...
Kaso hindi kami legal sa mga sarili namin...
Kinalimutan ko nalang yung huli kong inisip at inenjoy nalang ang oras.
Halata naman kay Maris na nakahinga siya ng maluwag. Haha, siguro kinabahan to.
---
Maris' POV
Palabas na kami ng airport ng biglang may lumapit sakin na group of teen agers, halong babae at lalake.
BINABASA MO ANG
Girlfriend for Rent
RomanceGirlfriend for rent. 5/19/14 - Dedicated to MarNolo Fans :)