GFR CHAPTER 8 - PT. 03

407 11 0
                                    

GFR CHAPTER 8 - PT. 03 | KwentoNiLolo

Manolo's POV

Nag-ring ang alarm ko kaya nagising ako.

Antok pa ako! Anong oras na kase ako nakatulog kagabe tapos may practice pa ako mamaya para dun sa mini concert ko.

Kinuha ko ulit yung phone ko at inopen ang kakaotalk app.

Minessage ko agad si Maris.

Me: Good morning babe! a

Pagkasend ko ay natawa ako. Kunwari pa siya kagabe, gusto niya din naman yung babe eh.

Gusto ko din naman...

Joke! Basta wala! Maliligo na kamo ako yun lang, wala akong iniisip na iba. ><

Kinuha ko yung towel ko at dumiretso na ako sa c.r.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako.

Dumiretso na ako sa kotse ko at agad na pinaharurot papunta dun sa venue ng concert.

Pagdating ko dun ay umupo na agad ako. Andaming dancers ang nasa stage, nagrereherse na sila.

Mini concert pero anlaki ng stage. Pwede naman kasing concert na ang itawag dito eh.

"Oh Manolo andito ka na pala." sabi ni Tita Alex na may kasamang... guy.

"Tita who's this guy?" tanong ko kay Tita Alex.

"Siya si Fifth, boyfriend ko siya." sabi ni Tita na halatang kinilig sa sinabe niya. Sa sinabe niya mismo kinilig :3 Lumalablayp na rin pala si Tita.

"Fifth, siya si Manolo, siya yung hinahandle ko" kinamayan ako ni Fifth.

"Nice to meet you" sabi ko.

"Manolo, punta ka muna dun sa dressing room mo backstage." sabi ni Tita tapos lumabas kasama si Fifth.

Papunta ako sa dressing room ko ng madaan ko ang isang pintuan. Dressing room ni...

Maris Racal?

Wait? Bakit may dressing room dito si Maris?! Meaning... kasali siya sa concert?

Agad akong nagtanong dun sa lumabas na staff dun sa room ni Maris.

"Kay Maris talaga to dressing room?" tanong ko.

"Yes po sir. Sabi po kase kinuha na din po nila si Maris for endorser kaya isinama siya sa concert kaso di pa napunta kay Maris yung contract form." sabi niya "Wait kukunin ko lang" sabi niya sabay pasok dun sa room.

Lumabas siya ng may hawak na folder.

"Ikaw na mag-bigay niyan kay Maris, girlfriend mo naman siya. Sige po sir, may aasikasuhin pa po akong mga damit ni Maris" umalis na siya.

"Yes!" bulong ko sa sarili ko.

So ibig sabihin makakasama ko si Maris dito... Swerte ko talaga!

Pumasok na ako sa dressing room ko.

Pag-upo ko ay minessage ko agad kay Maris ang good news.

Me: Maris! Good news! Kinuha ka ng company bilang endorser din nila, so ibig sabihin nun, makakasama kita dito sa concert. Maris and Manolo Concert...MarNolo concert.. Haha! Hawak ko yung contract mo, sana mapirmahan mo na to soon. :D

sinend ko sakanya yung message.

Tuwang-tuwa talaga ako, ewan ko ba! Parang ngayon ko lang makakasama si Maris yung feeling ko... baka naman kase namimiss ko lang siya kaya ganito yung nararamdaman ko?? Ewan...

Girlfriend for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon