Hindi madaling mahalin ka ngunit hindi yun ang dahilan para sukuan ka
Kahit anong mangyari hindi ako susuko hanggang sa matutunan mo 'kong mahalin....
Martir at tanga man kung titingnan ngunit lahat namang dumadaan sa pag-ibig ay nararanasan iyon...
Pinapangako kong hindi ako susuko......
Pwera nalang.....
Kung saiyo na mismo nanggaling....
"Denver please ----"
"Tama na Shayne, tumigil ka na! Kahit anong gawin mong pang-aakit hindi na maibabalik ang dati, kasalanan mo ang lahat ng ito tandaan mo yan"
"Kung yan ang gusto mo? S-sige titigil na ako, susuko na ako kahit mahirap... Pero sinasabi ko sayo na hindi ako nagsisinungaling, totoo lahat ng sinasabi ko"
"Mahirap paniwalaan ang kasinungalingan pinagpipilitan mong tama... " kahit masakit siguro ito na ang huli, huling mamahalin ko siya
" Paalam Denver, mahal na mahal kita. Pangako, simula ngayon wala ng sinungaling na gaya ko ang magpaparamdam sa'yo" hindi ko mapigilan maluha, masakit saakin ang magpaalam at sabihin ang mga katagang iyon... Ngunit mahal ko siya eh, at kailangan ko ng parayain siya " At kung ayaw mong kilalanin ang mga anak natin... Okay lang tutal hindi ka naman naniniwalang anak mo sila e' pero kung kilalanin mo sila, malaya kang mabisita ang mga anak natin" tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan
"This is the last Denver... But my love to you will never be last, always remember that MyDenver " niyakap ko siya na hindi naman niya ako pinigilan " Kahit na pinaparaya na kita , mananatili parin ang pangako ko sayo... Good bye MyDenver" umalis na ako at iniwan siyang nakatulala
Huli na ito, hindi ko na siya hahabulin pa.. Tama na ang pagpapakatanga kong mamahalin niya ako ulit at paniniwalaan ako...
"Good bye MyDenver"
YOU ARE READING
I Won't Give Up
Teen Fiction"Hindi madaling mahalin ka ngunit hindi ako susuko dahil sa simpleng dahilang iyon"