III

12 1 0
                                    

Salamat at tapos na din kaming mamili, at ang masaklap pa ay ako ang mag-uuwi ng lahat ng ito dahil nagsialisan ang tatlo, may emergency daw sa bahay nila at tatapusin pang project kaya ang tumulong nalang na mamili saakin ay si Kianne at Janice

"Guys daan muna tayo sa Jollibee, gutom na gutom na 'ko e!" reklamo ni Kianne

"Libre mo?" pilosopo ko dito ngunit pilyong ngumiti lang ito

"Aish! Oo na libre ko na kayo!" bigla naman kaming nag-apir ni Janice at pumasok na sa Jollibee, nasa tapat lang kasi kami kaya nagyaya 'tong si Kianne

"Anong order niyo?" tanong nito saamin

"Hmm? Cokefloat and Spaghetti burger saakin" sagot ni Janice

"Ganon na lang din saakin pero samahan mo ng fries" naghanap na kami ni Janise ng mauupuan at nakakita naman kami kaagad, madali lang naman sigurong makita ang pwesto namin dahil hindi naman tago banda.

"Shayne diba asawa mo yun?" napatingin naman ako sa labas kung saan tinuro ni Janise, alam narin nila ang tungkol sa pagpirma ko sa contract na nagpapatunay na asawa ko na si Denver.

"Sino kaya yung Girl?" tanong pa nito, may kasama ngang babae si Denver.

"Baka ate niya or cousin?" tanong ko habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw nila

"E bakit holding hands while walking huh? " pang-iintriga pa nito

"Janice hayaan mo nalang sila, isa pa hanggang papel lang naman ang karapatan ko or  wala talaga akong karapatan sa kanya... Alam kong ayaw namin sa kasunduang ito ngunit ginawa ko lang naman ito para kay Papa e " natahimik naman kaming dalawa at patuloy lang sinusundan ng tingin sila Denver hanggang sa mawala sila sa paningin namin.

"Okay lang ba kayong dalawa?" nilingon ko naman si Kianne at ningitian siya

"Okay lang kami, kain na tayo!" yaya ko at pinagkukuha ang order ko.

****

"Ate tulungan na kita" bungad saakin ni Voc at kinuha ang mga bitbit ko.

"Si Papa?" tanong ko habang sinusundan paakyat si Voc

"Nasa office pa 'te, nga pala diba pupunta ka sa school bukas dahil may aasikasuhin pa kayo sa Gym? Ate pwede ba akong sumama ng ma-meet ko yang Denver na yan" nagulat naman ako sa sinabi niya

"Uy nuba! 'Di na kailangan Voc" saway ko rito

"Eh ate ibibilin lang naman kita lalo na titira na kayo sa i-isang bahay" oo nga pala, napagkasunduan ding tumira kami sa iisang bahay at next week na ang lipat ko sa bahay na yun. Gusto ko munang sulitin ang mga huling araw na nandito ako, na kasama ko pa sila

"Wag kang mag-alala Voc, kaya ko na ang sarili ko kahit wag mo na akong ibilin sa lalakeng yun dahil alam ko naman na walang pakealam saakin yun"

"Ate realtalk, lagi mo kasing dine-deny eh... Nagkagusto ka ba kay Denver dati?" tanong nito saakin

"Oo. Pero dati yun no more feelings na ako para sa kanya"

"Ate may posibilidad paring gustuhin mo siya ulit dahil nga titira kayo sa iisang bahay, lagi mo na siya makikita at makakausap" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ng kapatid ko, alam ko naman na walang pake yun at snob lang ako sa lalakeng yun.

Marraine Luniece Jimen

" Guys tomorrow nalang natin 'to tapusin!" reklamo ni Pia kaklase ko, andito din si Denver na asawa ng kaibigan ko.

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now