Shayne Micole Astrada
"SILA ANG SUMUGOD SA BAHAY KAYA DAPAT YANG MAKULONG! AT ANG BABAENG YUN SINAMPAL AKO!" tukoy nito saakin. Gusto ko siyang sampalin ulit dahil sa sinabi niya pero pinipigilan ko kang ang sarili ko dahil ayokong makulong
"AAMININ KO PO NASAMPAL KO PO SIYA DAHIL SA GALIT KASI BINUBUGBOG NIYA ANG KAIBIGAN NAMIN! HALOS HIRAP NA NGANG MAKATAYO ANG KAIBIGAN NAMIN E! NAKITA KO DING SINASABUNUTAN NIYA PA 'TO KAYA AGAD NA LUMABAS SILA TITA AT TITO PARA AWATIN ITO!" paliwanag ko pa kahit ang totoo ay hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit na nakahandusay doon si Rhain pero sana ay tama ang deduction ko, nung ginising kasi kami ni kuya Azir ay nakita ko ng nakahandusay doon si Rhain at sila Tito Ashton naman ay nakikipagtalo kay Tito Karlo. Tss akala mo naman kung sino talagang mabait!
"Totoo ba yun hija?" tanong ng lalake na sa tingin ko ang kapitan.
"Opo, matagal na po akong binubugbog ng Tiyuhin ko tuwing nagkakamali p-po ako" naiiyak na pag-amin ni Rhain
"May iba pa ba itong ginawa sayo?" tanong ulit nito kaya kaming lahat ay inaabangan ang isasagot pa nito.
" O-opo, mu-muntikan niya na po akong gahasain... B-buti nalang po at dumating ang anak nitong babae" napahampas naman ako pader dahil sa inis at narinig
"HINDI TOTOO YAN! WAG KAYONG MANIWALA SA SINASABI NG SINUNGALING NA YAN!" huling huli na nga nagsisinungaling pa!
"Huling huli ka na nga nagsisinungaling ka pa! Dalhin niyo na nga yan sa prisinto!" kinuha na ng mga tanod si Tito Karlo
"Bitawan niyo nga ako!" pagpupumiglas pa nito, sinabihan na din kaming sumunod upang mag-file din ng kaso. Malapit lang naman ang prisinto kaya hindi na naming kailangan sumakay
Nang-makarating kami ay agad na itong kinulong at kami naman ay nag-file na ng kaso para makulong ito, tatawagan nalang daw kami kung anong mangyayari sa kaso.
"Hay salamat tapos narin! At makukulong na ang lalakeng yun! Nga pala Rhain saamin ka muna tumuloy at contact-in na din natin ang parents mo" sabi ni Tita Lira habang patungo kami sa kanilang sasakyan
"Tita, Tito salamat po sainyo a!" naluluhang pagpapasalamat ni Rhain dito, niyakap lang siya ni Tita Lira at Tito Ashton bago pumasok sa loob.Sunod naman ay kami ang hinarap niya
"Guys salamat sainyo ah, hindi ko akalain na kayo ang magiging dahilan ng pagkaligtas ko kay Tito Karlo. Nasampal ka pa tuloy Shayne! Paniguradong magpapasa iyan" pati kami ay nadala narin at naluha. Niyakap namin ito at parang sirang namatayan
"Okay lang yun Rhain, atleast nasampal ko din yun! Haha" biro ko pa
"Grabe! Mas malala ka pa pala saakin magalit Shayne! Ako kasi sa salita ko lang binabastos ang mga katulad ng lalakeng yun pero ikaw nasampal mo?! Nako kailangan mong mangumpisal!" biro pa ni Lorain kaya 'di namin maiwasang matawa
"Baliw! Haha oo sa tingin ko nga kailangan kong mangumpisal dahil sa nagawa ko, hindi ko rin akalain na magagawa ko yun dahil sa galit humingi narin ako ng tawad kahit mura lang ang naabot ko! Haha" oo humingin ako ng tawad kahit papaano kaso mura lang ang naabot ko at pambabastos na salita. Pero 'di ko narin naman pinansin dahil wala akong pake
"Sakay na nga tayo Guys! Gabi narin o at inaantok narin ako" sumakay naman kami agad, una akong sumakay tapos si Lorain naman ay sa likod katabi ni kuya Azir at katabi ko naman ngayon ay si Rhain tapos si Janise at Marraine
"Chamcham masakit parin ba pisnge po?" tanong ni Rhain ngunit umiling lang ako kahit ang totoo ay mahapdi at may unting sugat. Grabe naman kasi ang lakas e! Halos mamudmud ako sa lupa tapos tumama pa ang siko ko kaya nangangalay. Nubayan! Nung nakaraamg linggo bewang ko ang masakit at paa ko ngayon naman pisnge at siko! Sa susunod kayang linggo ano naman kaya ang masakit saakin? Lol! Wag na lord tama na 'to at sorry din po sa nagawa ko
YOU ARE READING
I Won't Give Up
Teen Fiction"Hindi madaling mahalin ka ngunit hindi ako susuko dahil sa simpleng dahilang iyon"