II

12 1 0
                                    

"Ate kakain na" tawag saakin ni Voc, kapatid kong lalake. Tumayo na ako at sumunod sa kanya

"Ate patulong ako sa homework ko later ah! Wala kasi si kuya Nate e' " tumango nalang ako sa sinabi ni Ashley, kapatid kong babae.

"Wala pa si Ralp?" tanong ko ng ikina-buntong hininga naman nila, may problema na naman siguro sa batang yun!

"Sinundan siya ng kuya Nate mo, nagrerebelde na naman" may lungkot na sabi ni Tita Lish, asawa ni Papa

"Kumain na tayo" puna ni Papa kaya inumpisahan na ni Ashley ang prayer bago kami kumain.

" Shayne I give you the marriage contract later, pirmahan mo na yun. Saka nga pala napirmahan na ni Denver ang contract" may ngiting sabi ni Papa, tumango nalang ako. Tinotoo nga niya ang sinabi niya...

" Uhm? Pa anong meron sa marriage contract? Ikakasal na ba si Ate? Ate don't tell me na buntis ka kaya napagdisisyunan ni Papa na ipakasal ka sa nakabuntis sayo?!" muntikan ko ng maibuga ang pagkaing ningunguya ko dahil sa sinabi ni Voc, takte! Porket ba pinagkasundong ikasal buntis agad? Pwede bang pinagkasundo lang?!

"Vocal! Nuba 'di ako buntis!" singhal ko rito bigla namang natawa si Papa

"She's not pregnant Vocal, napagkasundo lang namin ni Mr Dicio ang tungkol sa kasal. Pero 'di ko naman pinipilit ang Ate mo actually kinukunsulta ko lang sa kanya ang kasunduan namin ni Mr Dicio, 'Di ko nga akalain na papayag ang ate mo ine-expect ko pa naman na tututol siya at marerebelde" what?! Dapack?!

"E ate Shayne bakit ka pumayag sa marriage? Don't tell me na gusto mo ang lalakeng yun kaya ka pumayag?" may ngising namuo sa mga labi ng kapatid ko, 'di ko maiwasang malunok ang laway ko dahil sa tanong niyang yun

"W-wala a! K-kasi akala ko na pipilitin ako ni Papa tungkol sa kasunduang kasal namin ng anak ni Mr Dicio, pumayag na ako para walang gulong mamuo tutal wala n-namang tututol pero Pa tutal alam ko na hindi niyo naman ako pipilitin, tutol na po----"

"Wala ng urungan 'to Shayne, Um-oo ka na at nakapirma na ang anak ni Mr Dicio" bakit ba kasi 'di ko tinanong si Papa non kung pinipilit niya ba ako o kinukunsulta niya lang? Yan tuloy matatali ako sa lalakeng 'di ko naman mahal! Kahit na naging crush mo siya dati?

"So bakit marriage contract na kaagad? Diba dapat muna makasal sila sa simbahan? Or di kaya naman civil wedding?" tanong ni Vocal

"Yes darating din tayo diyan, but since may pasok pa kayo? Marriage Contract muna ang magpapatunay na kasal kayo" tumango nalang ako

"Pa wag mo kong ipagkakasundong ikasal ah? Mahal na mahal ko si Sid" natawa naman si Papa sa biro ni Vocal

"Wow a?! Sinagot ka na ni Sid?! Himala!" biro ko dito, si Sid kasi ang matagal ng nililigawan nitong kapatid ko ang kaso lagi itong rejected dahil playboy daw ito which is true but swear! Napatino ni Sid ang kapatid kong 'to

"Ate naman! Ang sama mo sakin!" natawa lang kaming lahat dahil sa sinabi nito

"Ehem!" napatingin naman kami sa bagong dating, si kuya Nate.

" Nate saan si Ralp? " hinanap naman nito si Ralp ngunit wala ito

"Ayaw niyang sumama saakin Ma, hindi na daw siya uuwi sa pamamahay na ito" bigla naman akong nalungkot dahil sa binalita ni Kuya Nate, napansin ko ding may sugat ito sa gilid ng labi.

" Saan ang kapatid mo, ako ang susundo sa kanya!" may galit na sigaw ni Papa kaya natahimik kami.

"Ehem! A-akyat muna po kami ni Ashley" napansin kong malapit ng maiyak ang kapatid ko kaya ko ginawa yun, dumaretso kami sa kwarto niya at agad naman ako nitong niyakap

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now