"Guys kinakabahan ako" reklamo ni Janise at nagdadalawang isip na pindutin ang doorbell ng condo
"Ano ba yan Janise! Ngayon ka pa kinabahan kung kailan nandito na tayo at handa narin yang bitbit mong cake at 'tong pizza na binake mo!"
"Aish ito na nga e!" nagdoor bell naman ito at kami naman ay naghanda na
"1.......2........SUPRISE!!!!" sabay sabay naming sigaw at halata mo ang gulat ni Vince
"A-andyan p-pala kayo? B-bakit 'di niyo sinabi babe na p-punta kayo?" nauutal nitong tanong dahilan ng ikinataka ko, imbes kasi na matuwa siya ay para itong kinabahan at hindi nagustuhan ang pagdating namin
"Kaya nga suprise e! 'Di mo ba kami papapasukin?!" pamimilosopo ni Lorain dito at nauna na itong pumasok na akala mo talaga siya ang girlfriend at pinahintulutan kami
"HEY BAKIT KA PUMASOK!" inis na tanong ni Vince dito kaya agad naman kaming sumunod at nagulat sa natunghayan
"Babe let me ex-----" hindi na natuloy ni Vince ang sasabihin dahil minudmod ni Janise ang cake sa mukha nito
"Sinasabi ko na nga ba at may iba ka eh!" sigaw pa ni Janise, sinamaan naman nito ng tingin ang babae bago umalis.
"HOY IKAW MALANDING BABAE! PIZZA O PARA SAYO!" si Lorain naman ay sinugod ang babae at dinikit ang buong pizza sa mukha bago ito sumunod kay Janise. Naiwan silang tulala kaya agad naman kaming sumunod sa dalawa na kasalukuyang pasakay palang sa elavator
"Kaya pala! Kaya pala siya nagiging cold sa'kin nitong nakaraan dahil may kalandian! Great!" naiiyak na tugon ni Janise, niyakap lang namin ito dahil walang salita para mapagaan ang nadarama niya, kundi ang prisensya namin
Bumukas na ang elavator kaya agad kaming pumasok at pinindot ang ground floor kung nasaan ang parking lot. Nang makarating ay agad naming tinungo ang sasakyan at sumakay, si Lorain na ang nag-drive dahil sakanila naman ito.
"Hayaan mo na siya Janise, hindi siya kawalan at mas lalong hindi ka niya deserve! " patuloy lang sa pag-iyak si Janise habang kami ay nakikinig lang sa hinaing niya at niyayakap naman nila Rhain at Marraine ito.
"Guys sa bahay niyo nalang ako ihatid" napatingin naman kami dito dahil sa sinabi niya
"Saamin ka kaya muna Janise"
"Hindi na Guys, gusto ko munang makapag-isa.... Salamat at nandiyan kayo" wala na kaming nagawa dahil nasa tapat na kami ng bahay nila at gusto na niyang bumaba, kumaway naman ito saamin
"HOY JANISE! WAG KANG MAG-SUSUICIDE! KUNDI AKO MISMO ANG MAGMUMULTO SAYO!" sigaw ko dito dahilan ng ikinatawa niya
"Oo wag kang mag-alala! Susunugin ko lang naman talaga ang mga pictures namin together e! Saka hindi na 'ko magdadrama! Tama na ang pagdadramang ginawa ko habang nasa byahe tayo"
"Okay sabi mo yan e! Move on ang gawin a! Hindi on move !" payo ko dito bago kami magpaalam sa kanya, kukunin ko nalang din ang gamit ko kina Lorain dahil kailangan ko na ding umuwi at may pasok pa bukas
" Lorain dito narin ako" paalam ni Marraine kaya tinigil na din Lorain ang sasakyan
"Bye" paalam nito saamin at hinintay muna naming makapasok ito bago ulit paandarin ni Lorain
"Ikaw Shayne? Uuwi ka na din ba?" tanong saakin ni Lorain
"Oo, kukunin ko nalang din ang gamit ko sainyo"
"Sayang at hindi niyo man lang ginawang tatlong araw ang pag-stay niyo saamin" ngumiti lang ako , at parang naiiyak.... Aish! Ang babaw naman kasi ng luha ko e!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
Teen Fiction"Hindi madaling mahalin ka ngunit hindi ako susuko dahil sa simpleng dahilang iyon"