V

11 1 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang? Diba sabi ko sayo na sabay tayong umuwi dahil baka maligaw ka pa?" napatingin naman ako sa lalakeng pababa, si Denver...

" Hindi naman ako naligaw e, saka wala akong narinig na sinabi mong sabay tayong umuwi" aakyat na sana ako ng harangan niya 'ko

"Bakit ka bibitaw sa tungkulin mo bilang SSG officer? Sumusuko ka na ba dahil sa mga sinasabi ko na totoo naman? Haha! Buti nalang at 'di pumayag si Maam Luisa, dahil kung pumayag siya lalo mo mararanasan ang hell sa buhay mo. Alam mo kabayaran na nga yung mapahiya kita at pahirapan dahil sa kasalanan mong pirmahan ang kontrata" haha! Nakakatawa! 'Di ko akalain na sobrang sama pala ng ugali niya?! Haha!

"Haha! Patawa ka alam mo yun? Edi sana ikaw nalang ang gumawa ng paraan para 'di matuloy ang kasunduang yun. Sa tingin ko nga na ginusto mo rin yun dahil kung hindi sana gumawa ka na ng paraan para 'di na natuloy ang letseng ito!" sinamaan niya naman ako ng tingin ngunit hindi ako nagpatinag, masyado na akong nasaktan dahil sa mga pamamahiya niya. Kung dati takot ako sa kanya, pwes nagkakamali siya ngayon

" Madami kang kasalanan sa'kin Shayne at sa tingin mo ba yun lang ang dahilan? Hindi. Kaya dapat lang na maranasan mo ang kabayaran dahil sa mga kalokohan mo" binangga niya ako at tuloy tuloy na lumabas

"Haha! Baliw pala siya e! O sige kung yan ang gusto niya tatanggapin ko! Pero wala akong matandaan na may atraso ako sa kanya! Bwiset!" sinipa ko naman ang upuan dahil sa sobrang inis

"Ouch!" at sa kasamaang palad nasaktan lang ako lalo, aish! Ang malas! Ano bang kasalanan ko sa kanya?!

Paika ika naman akong umakyat at binuksan ang pink na pintuan na sa tingin ko ay kwarto ko. Nakalagay na doon ang mga pictures ko at nasa cabinet nadin ang mga damit at uniform ko, halos lahat ay ayos na at sa tingin ko ay ang mga pinsan at kapatid ko ang nag-ayos dahil sa iniwan nilang sulat na kay Brea galing

Dear Ate Shayne,

         Ate kami na pala ang nag-ayos ng mga gamit mo nasa bookshelf mo narin ang mga books at wattpad books mo, nga pala hiniram ko ang libro mo ng " My Crosoft" hihihi balik ko nalang pag-nadaan ka dito sa bahay! Labyaa ate!

Ps: Mamimiss ka namin ate lalo na ang dalawa nating pinsan -ashley
Pss: Ate Shayne take care! I love you and miss you! - Owen
Psss: Ate ang gwapo ng asawa mo -Brea

Nagmamahal,
3 Pretty girls

Natawa naman ako dahil sa nabasang sulat pero nakita na pala ni Brea ang demonyong yun? Grabe a! Gwapo nga panget naman ng ugali!

Kumuha nalang ako ng pantulog sa cabinet at twalya. Gusto ko ng maligo, nanlalagkit na ako at gusto ko ng magpahinga

****

Nasa skwelahan na ako ngayon at masasabi kong naninibago ako, lagi ko kasing kasabay pumasok ang kapatid kong si Voc at hinahatid pa ako non sa room. Ngunit ngayon ako nalang mag-isa at dahil malapit lang naman ang subdivision ng kinatatayuan ng bahay namin sa skwelahan ay nilalakad ko nalang ito. Hindi ko na rin hinintay ang lalakeng yun dahil naiinis lang ako sa pagmumukha at sa mga kasamaang sinabi niya kagabi.

"Guys ilang months nalang at ga-graduate na tayo! Nakaka-excite!"
rinig kong usapan sa unahan ko, tama siya apat na buwan  ang hihintayin at apat na buwan pa ang mararanasan kong paghihirap sa pagiging SSG officer dahil sa lalakeng yun

"Nga pala anong kukunin niyo?" napaisip naman ako dahil sa narinig na tanong, magiging isang Editor/ Writer kasi ako in the future kaya HUMSS talaga ang kinuha ko. Minsan nga inaakusahan nila ang HUMSS strand dahil daw basic lang ang strand na ito, 'di nila alam na ang mga HUMSS student ay nahihirapan din hindi naman kami yung tipong walang ginagawa e! At sabi pa ng iba na wala naman gaanong makukuha na trabaho dahil sa strand na yun di nila alam na madaming mapagkakaabalahan at makikinabangan ang strand na yun katulad nalang yung mga kukuha ng Teacher, Lawyer, Psychologist, Criminology, etc. Pero nasasayo parin yun dahil kung anong kinuha mo sa Senior High ay dapat daw naka-base narin ito sa kukunin mo sa Kolehiyo.

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now